Ikalawang Bahagi

679 24 6
                                    

Papasok na sana sila ng biglang sumulpot ang isang may edad ng babae. Hindi nila alam kung saan ito nanggaling pero ipinagkibit balikat na lamang nila ito.

“Pasok Pasok.” aya nito. Malinaw na nakaguhit sa mukha nito ang saya. Hindi na lamang ito pinansin ng magkakabarkada.

Pagpasok nila sa loob ay parang ibang iba ang itsura nito sa labas ng mansion. Napakagalante nito at napakaganda kabaliktaran ng labas ng bahay na halos napabayaan na.

“Maupo kayo.” aya ng matanda sa kanila. “Ano bang gusto ninyo?” tanong nito habang hindi nawawala ang tingin sa kanila.

“Okey lang po kami” kiming sabi ni Rocelyn na tahimik na tahimik at matamang nagmamasid sa paligid.

“Ai hindi po uhaw na po kami meron po ba kayong juice dyan? Kung wala po kahit malamig na tubig na lang” sabat ni Avril.

Ngumiti ang matanda at agad na tumalima. Nawala ito ng ilang saglit at pagbalik nito ay hawak ang tray na naglalaman ng inumin. “Eto uminom muna kayo” alok nito sabay lapag ng tray sa mesa.

“Maraming salamat ho.” Sabay na sabi ng magkakaibigan.

Agad na kumuha ang magkakaibigan ng tig iisang baso ng juice. Si Khyrstelle na tahimik na minamasdan ang juice na nasa kanyang harapan. Si Rocelyn na nagmamasid sa bahay. At ang iba ay panay inum sa inuming binigay sa kanila na tila sarap na sarap ang mga ito. Nanaig ang katahimikan sa lugar ng biglang isang nakakapangilabot na tunog ang umalingawngaw..

 Tototoot toot toot toot toot!

“Ano ba naman yan Michico!” angal ni Avril. Tumunog kasi ang nakaririnding telepono nito na 3210 Nokia na matagal ng hindi napapalitan. Paborito kasi nito na yun ang gamitin dahil ibinigay ito sa kanya ng kanyang hubby na si Italiko. 

Parang bingi naman si Michico at nangingiti ang mga matang tumutok sa telepono nito. Panay pindot lamang nito at parang walang pakialam sa mundo.

“Ah kanina pa po kami dito di man lang po namin natanong ang pangalan niyo” nahihiyang sabi ni Rocelyn sa matanda.

“Ako si Vangelyn, ang tita ni Elena hindi niya ba ako nakukwento sa inyo?” nakangiting sabi nito.

“Ah hindi po eh? Wala siyang nabanggit na may Tita ho pala siya” magalang na tugon ni Rocelyn.

“Ahm asan na po pala si Elena?” tanong ni Khrystelle.

“Nasa taas pa siya. Pagpasyensyahan niyo na muna si Elena at abala pa sa pag aayos ng gagamitin ninyong kwarto.” sagot nito.

Tumango tango na lamang ang magkakaibigan sa sinabi nito nagpakilala rin sila ng isa isa sa matanda. Panay ngiti lamang ang tugon nito. “Sana mag enjoy kayo dito” sabi nito at nagpaalam na. May gagawin pa daw kasi ito. Hindi nagtagal ay narinig nila ang yabag galing sa hagdan. Nakita nila ang pababang si Elena na suot ang isang napakagandang puting damit na isinasayaw ng hangin.

Parang nabigla naman ito ng makita sila. Gulat na gulat ang mukhang nabitiwan nito ang daladalang basket. “Paano kayo nakapasok?!” may galit sa tinig na sabi nito.

 “Okey ka lang? Eh di pumasok sa pinto” pabalang na sagot ni Avril na hindi alintana ang sinabi nito.

“Pinapasok kami ng Tita Vangie mo. Nakipagkwentuhan pa nga kami sa kanya kanina.” Mahinahong sabi ni Rocelyn ng mapansing hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha ng kaibigan.

Bahay ni ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon