Ikaanim na Bahagi

500 19 2
                                    

“Ita-liko…?”

Agad na lumabas sila sa aparador. Niyakap ni Michico ang kanyang kasintahan at panay ito sa pag iyak. “Mabuti at ligtas ka… Asan na ang iba?” tanong nito.

“Teka… paano ka napunta dito?” tanong ni Michico sa kanyang nobyo.

“Tanungin mo yung author nito.” Walang emosyong sabi nito.

(A/N: Segway lang mamatay ka din Italiko makikita mo.! Hahahahaha~)

“Anong author ang pinagsasabi mo. Nanganganib ang buhay natin” sabi ni Michico.

“Huwag kang mag alala mahal ko basta nandito ako sa tabi mo hindi hindi ka nila masasaktan..” sabi ni Italiko sabay hawak sa pisngi ni Michico at halik dito.

“Tama na ang pagkacheesy niyo. Kailangan nating hanapin si Rocelyn baka kung ano na ang nangyari sa kanya.” Sabat ni Khrystelle na nagpatigil sa paglalambingan ng dalawa.

“Sige tara hanapin na natin siya” sabi ni Italiko sabay kindat kay Michico.

 -----------------------------------

“Elena? Elena?” pagtawag ni Rocelyn sa kaibigan. Walang sagot kanina niya pa ito hinahanap ngunit tila ayaw nitong magpakita sa kanya. “Elena…?”

Tila nawawalan ng pag asa napaupo na lang sa tabi si Rocelyn. Panay ang buntunghininga siya ng may napansin siyang dumaan sa harap niya. Napakabilis nito ngunit kitang kita niya ang maitim nitong itsura. Kinuha niya ang isang pamalo na nasa tabi niya lang at hinagilap ang maitim na nilalang. Hinanap niya ito at palihim na sinundan. Pumasok ito sa ilalim ng bahay. Dahan dahan siyang sumilip sa pinasukan nito. Laking gulat niya na mula sa maitim na nilalang ay nagbago ang anyo nito at naging isang tao.

Tinakpan niya ang kanyang bibig. Napaurong siya ngunit yun pala ang maling hakbang niya. Natumba siya at tumambad sa kanya ang katawan ni Sic. Warak ang katawan nito at wala ng buhay tulad ng nakita nila si Andrew. Napaiyak na lamang siya hindi niya akalain na aabot sa ganito ang dapat masaya nilang bakasyon. Kasalanan niya kung bakit nangyari ito. 

“Rocelyn…. Rocelyn…”

Luminga linga siya at patuloy na sinundan ang tinig na naririnig niya. Hindi nagtagal ay nakita niya si Elena. Nakagapos ito at nakakadena. “Elena?!” tanging naibulalas niya.

“Rocelyn tulungan mo kong makawala. Pakiusap tulungan mo ko dito.” Nagmamakaawang sabi nito sa kanya.

“Pero paano? At bakit ganyan ang hitsura mo?” nagtatakang tanong nito malayo kasi sa Elena na kilala niya ang itsura nito.

“Mahabang kwento. Kailangan nating makatakas. Kailangan niyong makatakas ng mga kaibigan mo” sabi nito.

Sinubukan ni Rocelyn na tanggalin ang nakagapos kay Elena. At sa kasawiang palad ay hindi niya ito maialis. “Anong gagawin ko.?” tanong niya. Saglit na nag isip ito at napahawak sa kanyang ulo. Parang nabuhayan naman ng loob si Rocelyn sa nakita niya. Isang Hairpin. Saglit na kinalikot niya ang kandado sa nakalagay sa rehas na nakagapos kay Elena. Hindi naman siya nabigo. At napakawalan niya ang dalaga. Agad na niyakap siya nito. “Maraming salamat.”

“Kailangan na nating makatakas. Hanggang hindi pa tuluyang bumibilog ang buwan. Mas malakas sila kapag kabilugan ng buwan.” Sabi nito pagkakuwan.

“Bakit ano bang nangyayari? Kanina nakita ka ni Khrystelle na galing sa kwarto ni Andrew. At ng buksan namin yung kwarto niya ay patay na siya. Naguguluhan ako ikaw ba may kasalanan nito?” tanong ni Rocelyn sa kaibigan.

Bahay ni ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon