Ikatlong Bahagi

570 18 5
                                    

Tok!

Tok!

Tok!

Malakas na kalabog sa pinto.

“Rocelyn, Halika na kakain na daw tayo sabi ni Elena” sigaw ni Khrystelle sa likod ng pinto.

“Sige susunod na ako” balik sigaw ni Rocelyn kay Khrystelle. Narinig niya naman ang papaalis nitong yabag. Agad na nag ayos si Rocelyn at pumanhik. Ngunit bago pa man siya nakababa ng hagdan ay naramdaman niyang parang may mga matang nakatitig sa kanya.

“Rocelyn…” agad na tawag ni Elena dito ng makitang natigilan ito sa pagbaba. Hindi na lamang pinansin ng dalaga ang kanyang naramdaman at agad na sinalubong ng ngiti ang naghihintay na mga kaibigan sa hapagkainan. Napakadaming pagkain ang nakalatag sa mesa na para bang may piyesta. Naupo na si Rocelyn sa tabi ni Elena.

“Ah asan pamilya mo Elena?” tanong ni Sic dito.

“Oo nga Elena bakit hindi mo na lang sila pinasabay sa amin napakadami nitong pagkain?” Sabi ni Rocelyn.

“Ah nauna na sila at kasalukuyang nagpapahinga.” Nakangiting sabi nito.

“Ah ganun ba sayang naman. Hindi ko makikita ang magiging pamilya ko na rin. Siguro bukas ipalkilala mo kami sa kanila” sabi ni Sic.

“Hindi na kayo aabutan ng bukas….” Nakangiting bulong ni Elena na kinakunot naman ng noo ni Rocelyn.

“Ano yun Elena?” tanong ni Rocelyn dito.

“Ah sabi ko ipapasyal ko kayo bukas. Kaya dapat maaga tayo.” Sabi ni Elena na hindi mawala wala ang ngiti sa labi.

“Sige kain na tayo. Gutom na ako!” sabat ni Avril.

Habang kumakain  ay napansin ni Andrew ang hindi mapakaling si Michico. Panay kasi ang pindot nito sa 3210 nokia cellphone. “Problema mo?” asik nito kay Michico. Naiistorbo kasi ang pagkain nito dahil sa malikot na si Michico.“Ehh.. wag ka nga hindi ako makakuha ng signal eh!”

“Kumakain tayo tapos ikaw panay text ka diyan. Irespeto mo naman ang pagkain.” Sabi pa ni Andrew. Hinayaan ng lamang ito ng magkakaibigan at nagpatuloy na lamang sa kanilang pagkain.

“Hmm.. ang sarap naman nitong luto mong adobo” komento ni Sic sabay tingin kay Elena. Ngumiti na lamang ang dalaga.

“Diba Elena hindi ka marunong magluto?” nakakunot na sabi ni Avril dito.

“Nag aral na ako habang bakasyon. Tinuturuan ako ni Tiya Vangelyn” sabi nito.

“Ah okey. Ambilis mo namang matuto.” pagpuri ni Rocelyn dito.

“Turuan mo din ako Elena at ng mapansin naman ako ng gusto ko. Eh diba sabi nila the way to a man’s heart is through his stomach” sabi nito sabay hagikhik.

Bigla namang nabilaukan si Andrew sa tinuran ni Avril. Lihim kasing may pagtingin si Andrew kay Avril. Alam ito ng mga kabarkada niya at tanging si Avril lang nag manhid at di makaramdam dahil may gusto ito sa iba. Nagtawanan na lamang ang magbabarkada. Inabutan naman ni Khrystelle ng tubig si Andrew.

“Ha..ha..ha kahit mag aral ka hindi ka pa rin matututo.” Sabi ni Andrew ng makarecover sa pagkakabilaok.

Inirapan na lang ito ng tingin ni Avril na nagpatigil sa pabulanghit nitong tawa. Sandali silang natahimik tanging pagpindot ng 3210 nokia na cellphone ni Michico ang kanilang naririnig. Si Khrystelle tahimik lamang na kumakain at kung minsan ay umiiling iling. Panay lamang ang pagnguya ng karne si Sic ng bigla itong tumigil at tumayo.

“Oh busog ka na ba?” tanong ni Elena.

“CR…” halos pabulong na sabi nito.

“Pare naman pagpahingahin mo naman itong tiyan ko.” sabi ni Andrew na pigil na pigil ang tawa.

“Hindi….. ah eh kailangan ko to… CR muna ako guys.” Paalam nito habang hawak ang pwetan ng pantalon.

“Eww.. Gross..” maarteng sabi ni Avril na tila diring diri.

Napangiti na lamang si Rocelyn. Parang mga bata kasi ito. Ngunit nawala ang ngiti niya ng makita ang kakaibang ngiti sa labi ni Elena habang nakasunod ang titig nito kay Sic. “Ah asan pala Tita Vangelyn mo? Bakit hindi na siya sumabay sa atin sa pagkain?” tanong ni Khrystelle.

“Masama pakiramdam kaya nauna ng magpahinga.” walang emosyong sabi ni Elena.

 Hindi rin nagtagal ay natapos na sa pagkain ang magbabarkada ngunit wala pa rin si Sic.  “Elena? Saan ba may signal dito?” singit ni Michico na kanina pa di mapakali.

“Sige na guys matulog na kayo at ako na bahalang magligpit dito. Teka lang Michico asikasuhin ko lang ito at dadalhin kita kung saan may signal.” Sabi nito at nagsimula ng magligpit ng kanilang pinagkainan.

“Tulungan na kita Elena?” alok ni Rocelyn ngunit tinanggihan ito ni Elena kaya napilitan na lamang itong pumanhik sa taas kasama ang iba pa niyang kaibigan. Nang matapos na si Elena sa kanyang ginagawa ay sinamahan niya si Michico.

“Halika.....” sabi ni Elena.

Panay pa rin sa kakapindot ng kanyang cellphone si Michico halos lumubog na ang keypad nito sa ginagawa ng dalaga. Papaakyat na sila ng hagdan papuntang ikaapat na palapag ng biglang dumilim. Napatili si Michico. Sa sobrang takot nito ay hindi sinasadyang nabitawan nito ang kanyang telepono at agad na napayakap ito sa braso ni Elena sa sobrang takot.

“Elena wala ba kayong generator dito?” kinakabahang tanong ni Michico sa kaibigan takot kasi ito sa dilim. Naramdamang niyang gumalaw si Elena at inalis nito ang pagkakahawak ni Michico sa braso nito.

“Elena, wait, teka saan ka pupunta.?” Nahihintakutang sabi ni Michico. “Dito ka lang. You know naman na I’m afraid of the dark” nanginginig na sabi nito.

Ngunit hindi man lang siya pinansin nito ay bigla na lamang nawala ito sa kanyang paningin. Maya maya ay may nakita siyang nakasinding kandila sa kanyang harapan.  Hindi niya mawari kung lumulutang ito dahil hindi niya makita kung may humahawak nito. Labis labis ang takot na kanyang nadarama ng unti unti itong lumalapit sa kanya.

“AHHHHHHHH!!”

Itutuloy.......

Bahay ni ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon