Samantala…..
“Asan na ba yun si Rocelyn? Kanina pa tayo paikot ikot dito ee. Buti na lang at wala tayong nakakasalubong na halimaw” sabi ni Michico.
“Huwag kang matakot mahal ko. Takot lang nila sakin. Pangako ko sayo hinding hindi ka nila magagalaw.” Sabi ni Italiko sabay pisil sa pisngi ng dalaga.
“Shh. Tama na nga yan sobrang hangin na eh.” Kontra naman ni Khrystelle.
“Eh Italiko paano ka pala napunta dito? At sino yung sinasabi mong author? Babae mo noh?! Sunod sunod na tanong ni Michico na may halong selos.
“Ah… eh wala yun were just friends you know.” Paglalambing nito sa nobya.
“Ehem. Ehem..Tara na nga.” Sabi nito na nangunguna.
Paakyat baba na sila ng mansion ngunit hindi pa rin nila mahanap si Rocelyn ng hindi sinasadyang mahagip ng mata ni Khrystelle si Elena. Nakangiti ito at tila may kausap. “Teka lang..” pagpapatigil nito sa magkasintahan. Kumubli sila sa likod ng pintuan at matamang pinakinggan ang sinasabi ni Elena.
“Asan na sila? Kailangan natin silang mahanap bago tuluyang lumabas ang kabilugan ng buwan.” rinig nilang sabi ng kausap ni Elena.
“Kailangan nating magmadali. Bago pa mahuli ang lahat.” sabi ni Elena.
Agad na lumabas si Khrystelle sa kanilang pinagtataguan ng mapagtantong si Rocelyn ang kausap ni Elena agad niya iyong niyakap. Lumabas na din ang dalawa sa pinagkukublihan nila. “Mabuti naman at ligtas ka” naiiyak na sabi ni Khrystelle sa kaibigan.
“Elena anong nangyari sayo?” nagtatakang tanong ni Michico kay Elena. Napakadungis kasi ng dalaga. Kita sa magandang mukha nito ang paghihirap na nadarama.
“Mahabang paliwanag pero kakampi natin siya. Asan pala si Avril bakit di niyo siya kasama?” tanong nito sa kanila at napatingin kay Italiko. “At saka Italiko..? Paano ka napunta dito?” nagtatakang tanong nito.
“Mahabang kwento din Rocelyn. Oh ano na bang gagawin natin?” sabi ni Italiko.
“Kailangan nating makalabas ng hindi nila napapansin. Alam ko kung sino ang makakatulong sa atin.” agad na sabi ni Elena.
Magkakasama ang lima ay tahimik na binaybay nila ang kahabaan ng pasilyo kasalukuyang nasa ikalawang palapag na sila ng masyon. Pigil ang hiningang dinaanan nila ang kwarto ng mga natutulog na busog na busog na halimaw. Hindi rin nagtagal ay matagumpay nilang nalampasan ang mga ito. Tumigil sila sa pinto ng isang kwarto.
TOK! TOK! TOK!
“Tita Vangelyn.. pagbuksan mo po ako. Ako po ito. Si Elena.”
Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto at umawang ito ng konti. “Umalis na kayo. Wala akong maitutulong sainyo.” Sabi nito na tila itinataboy sila palayo.
“Pero Tita buhay ng mga kaibigan ko ang nakasalalay dito. Pakiusap tulungan mo po kami. Alam ko po na hindi pa kayo katulad ng mga halimaw na yun.” pagmamakaawa ni Elena dito.
Saglit na umalis ang matanda at may iniabot sa kanila na parang mga kandy. Hugis bilog ito at iba’t iba ang kulay. “Kunin niyo yan. Mag iingat ka Elena. Magagamit niyo yan sa inyong pagtakas.”
“Tita sumama ka na po sa amin. Huwag ka na pong mag paalipin sa kanila. Pakiusap” nahihikbing tugon ni Elena.
“Wala ng oras. Umalis na kayo!” sabay sara sa pinto ng kwarto nito.
“Elena kailangan na nating umalis.” Sabi ni Rocelyn.
Aalis na sana sila ng marinig nila ang nakakapangilabot na tinig. “At saan naman kayo pupunta?!” nakangising tanong ng impostor na Elena.
Napatingin sila lahat sa gawi nito. “Elena…?” naguguluhang sabi nina Khyrstelle at Michico habang pabaling baling ang tingin nila sa dalawang Elena.
“Kambal mo?” maang na tanong naman ni Italiko sabay tutok ng baril dito.
“Impostor siya” sabi ni Rocelyn sa mga kasama.
“HA!HA!HA!HA!HA!” tumawa ito ng nakakakilabot. Unti unting nagbago ang anyo nito at naging isang napakapangit na halimaw. Napalitan ng karimarimarim na itsura ang dating magandang mukha nito. Nanlilisik ang mga mata, matatalas ang mga ngiping naglalaway at handang umatake. Sa likod nito ay ang mga maliliit na maitim na nilalang na nanlilisik ang mata at parang nag aantay ng signal para sumugod.
Agad na sinakmal ng isang halimaw si Italiko ng barilin nito ang impostor na si Elena. “Tuma-kas na kayo!” sigaw nito sa mga kaibigan habang nakikipagbuno sa maliit na nilalang.
Bumukas naman ang pinto at lumabas si Vangelyn. “Lunukin niyo ang ibinigay ko kapag nakalabas na kayo ng bahay. Naiintindihan niyo. Pipigilan ko sila. BILIS!” sigaw nito sa kanila ng makitang tulala sila sa mga pangyayari.
"TRAYDOR!!" sigaw ng halimaw sa matanda at agad itong sinugod.
Agad naman kumilos ang magbabarkada hinanap nila ang labasan at hindi naman sila nabigo. Nakita na nila ang pinto palabas ng mansion. Si Michico ay panay parin ang hikbi.
"Bilisan natin nakasunod na sila" nahihintakutang sabi ni Khrystelle
“Halika ka na! ” sigaw ni Rocelyn ng mabuksan na ang pinto. May mga nakasunod pa rin sa kanilang maliliit na itim na halimaw. Nakita niya kung pano harangin ng katawan ni Michico ang mga nakasunod na halimaw.
“Dito na lang ako Rocelyn. Sasamahan ko ang mahal ko.” nakangiting sabi nito sabay tulak sa kanila palabas ng pinto.
Kitang kita ni Rocelyn bago sumara ang pinto ang paglapa sa katawan ni Michico. Napaiyak na lamang siya sa sinapit ng kanyang mga kaibigan. Nasa labas na sila ng bahay. Papasikat na ang araw simula ng bagong umaga.
“Rocelyn. Kunin mo ito.” Sabi ni Elena sabay abot ng ibinigay sa kanila ni Tita Vangelyn.
Agad na nilunok naman ito ng magkakaibigan. Kasabay ng pagkatunaw ng candy sa kanilang lalamunan ang pagkawala nila ng malay.
THE END is near~
BINABASA MO ANG
Bahay ni Elena
HorrorSa bahay na kapag pumasok ka hindi ka na kailanman makakalabas pa. Ano kaya ang mangyayari sa mga magkakaibigan kapag napunta sila sa bahay na ito. Tunghayan ang kanilang kinahinatnan sa loob ng bahay ni Elena. Halika Pasok ka.~