blue_maiden dedicate ko po ito kay ate Tina ^____^ ang gaganda po kasi ng story niya. Fan na fan niya po ako. Hihihi! <3
---------------------------
Minsan sa buhay natin kailangan nating maranasan ang mahalin, at magmahal. Pero hindi naman natin hiniling na masaktan tayo diba? Ang hiniling natin mahalin tayo ng tapat at totoo hindi basta lang saktan ng kung sino-sino.
Hindi lahat ng relasyon kailangan sweet sa isa't isa, laging naglalambingan, may endearment at higit sa lahat ay perpekto. Ang tunay na relasyon ay kung paano niyo ipaglaban, ang pagmamahalan niyo sa isa't isa. Kung paano niyo tinatahak lahat ng problema na dumaan sa inyong dalawa. Yung kahit ang sakit sakit na ay hindi ka pa din sumusuko dahil alam mong may magagawa ka pa.
Minsan, sinasabi ng iba na maganda din maging tanga sa pag-ibig. Tsk! Nakakatawa diba? Maging tanga? Parang ang pangit pakinggan diba? Pero ano nga bang magagawa natin, madami talagang nagpapakatanga sa pag-ibig. Parang natural na yan sa mga nagmamahal talaga ng sobra lalo na kapag ikaw yung taong mag-isang nagmamahal. One sided love kumbaga.
Kahit na nalaman mong ginamit ka lang niya ay mahal mo pa din siya, na yung kahit sinasaktan o tinataboy ka na niya ay mahal mo pa din siya. Kahit ano gagawin mo mahalin ka lang niya pabalik.
Sabi nila masaya daw magkaroon ng relasyon, pero sabi naman ng iba kapag pumasok ka sa isang relasyon masasaktan ka. Parte yan ng buhay natin.
Para sa akin pareho lang naman sila, kaya nga love is pain sabi nila.
Wala talagang perpektong relasyon.
Hindi natin maiiwasan ang magselos, magduda o maghinala.
Meron din yung nagpapataasan ng pride, at bigla na lang mauuwi sa hiwalayan.
Minsan lolokohin ka at masasabi mo na lang na pare-pareho silang lahat.
May misunderstanding na magaganap.
May maghihiganti, may magsisisi at may masasaktan.
At higit sa lahat, hindi mamawala ang isang third party.
Sa kwentong ito, ipapakita kung hanggang saan nila kaya ipaglaban ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa.
Siya yung lalaking naniniwalang ipinagtagpo talaga sila at naniniwalang mababago niya ang babaeng ito.
Siya naman yung babae na ayaw na ayaw niyang nagtatagpo ang landas nila ng lalaki at hindi naniniwala sa destiny thingy.
"Nasa huli ang pagsisisi."- Girl
"Magsisisi ka rin."-Boy
------------------------------------------------
Beginner lang ho! Hohoho! Sana magustuhan niyo po ang first ever story ko. Salamat po sa mga magbabasa =)
YOU ARE READING
Effect of Love
Teen FictionAng love story ng isang babaeng masungit, walang pakialam sa mundo at matapang. At ng isang lalakeng mapagmahal, at malambing. ❤❤❤