dedicate ko po ito kay shirlengtearjerky ang ganda po ng mga stories niya! Sobraaaaaa! ❤❤❤
-------------------------------------------------
Crysta's POV
"Bago ka lamang na estudyante sa eskwelahang papasukan mo kaya naman kailangan mong magtino." sabi sa akin ni Mama habang kumakain kami ng umagahan.
"Kaya nga ate. Tama naman si Mama dapat maging mabait ka din dun!" sabi naman sakin ni Ayesha ang makulit at madaldal kong kapatid.
"Tsk, para saan pa?" sabi ko sabay subo sa kinakain ko.
"Anong para saan pa? Inilipat kita sa eskwelahang yon para sa ikakatino at ikakabuti mo, huwag ka na namang makikipag-away ng wala sa oras!" pagsesermon niya sa akin habang nakatingin siya sa akin ng masama. Alam na alam na kasi nila ang ugali ko at kaya din ako inilipat sa panget na school na iyon ay dahil ang dami ko na ring ginawang kagaguhan sa dati kong school, kaya naman daw nila ako inilipat ay para daw magbago at magtino ako. Tsk! Dun din kasi nag-aaral ang kaibigan kong si Iyana.
"Hindi ko maiiwasan ang makipag-away lalo na kung nakakainis at nakakabanas ang mga tao doon." sabi ko habang di tumitingin sa kanya.
"Aba't sumas--" hindi ko na siya pinatapos magsalita at nagpunta na ako sa lababo namin para magsipilyo.
"Crysta!" sigaw niya pagkatapos kong magsipilyo.
"I have to go." paalam ko na hindi na pinansin ang pagtawag sa akin ni Mama.
"Ingat ka ate! Mwaaah! Ay, ingat pala sila sayo!" natatawang sabi ni Ayesha pero hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan ng umalis.
Okay! Hindi ko pa pala nai-introduce ang sarili ko.
I'm Crysta Louise Reyes. You can call me Crysta, Sta or Louise, whatever you like for short. That's it. I'm too lazy to introduce myself. Wala rin lang naman kayong pakialam sa buhay ko.
I have something to tell you. 3rd year High School pa lang ako at yung boyfriend ko. Magkaiba na kami ng school ngayon dahil nailipat na nga ako ng ibang school.
Naglalakad ako ngayon papunta sa bago kong paaralan, una kong nakita ang malawak na Gym ng eskwelahan. Halos lahat ata ng estudyante dito napapatingin sa akin lalo na sa damit ko. Ano bang mali sa damit ko? Naka t-shirt kasi ako ng kulay white at may naka print doon na "Fuck you" tapos nakasuot ako ng camouflage (cargo) pants, tsaka nakasuot din ako ng kulay black na sneakers.
Okay naman ang suot ko ah? Pero bakit ganyan sila makatingin? Tss. Hindi ko na lang pinansin ang mga masasamang tingin nila at nagpunta na lang ako sa P.O. Siguro alam niyo naman ang P.O diba? Bobo niyo pag yun lang di niyo pa alam. Lagi kasi akong present doon dati. Halos araw-araw na ata ako andun e. Parang tirahan ko na kumbaga.Umupo ako sa upuan na nasa tapat ng lamesa niya.
"Anong section ko?" tanong ko doon sa principal ng school na pinapasukan ko. Imbes na sagutin niya ang tanong ko, tinignan niya lamang ang suot ko at kumunot ang noo niya.
"What kinds of clothes are you wearing?" Tanong niya habang nakatingin sa akin ng seryoso kaya naman napakunit ako ng noo.
"May tinatanong PO ako kaya huwag mo akong sagutin ng tanong din." Sabi ko sa kanya. Nagulat siya dahil sa inasta ko.
"Watch your words. What's your name?" Tanong niya pero hindi ko na lang siya pinansin. Dahil nakita ko na sa bulletin board kung saan fng section ko.
Dumiretso na ako sa classroom ko at pagdating ko doon, lahat sila nakatingin sa akin.
"Pst! Crysta!" Boses pa lang kilalang kilala ko na. Classmate ko din pala siya, ayos na din para may kakilala ako.
YOU ARE READING
Effect of Love
Teen FictionAng love story ng isang babaeng masungit, walang pakialam sa mundo at matapang. At ng isang lalakeng mapagmahal, at malambing. ❤❤❤