EOF 3(His POV)

20 1 0
                                    

Dedicate ko po ito sa pinakapaborito kong author howdoibreathe.

---------------------------------------------
Jayvee's POV

Siguro naman kilala niyo na ako? Huwag niyo sabihin na katulad din kayo nung babaeng masungit na yun na nakalimutan yung pangalan ko? Kung hindi niyo pa maalala, I'm Jayvee Rivera.

"Anak, ano pang tinutunganga mo jan? Baka malate ka na" sabi ni Mom sa akin kaya naman tumayo na ako.

"Ah-eh, okay Mom! Bye!" Sabay humalik ako sa pisngi niya.

Malapit lang naman yung school namin dito sa bahay kaya nilalakad ko na lang.

Habang naglalakad ako nakita ko si Louise. Nagtataka siguro kayo kung bakit Louise ang tawag ko sa kanya no? Gusto ko lang naman kasi puro Crysta or Sta ang tawag sa kanya. Gusto kong maiba naman.

"Hey! Come!" Narinig kong sigaw nung isang lalaki tapos pumunta naman doon si Louise. Kaano-ano niya yung lalaking yun?

Teka! Bat puro lalaki ata yung kasama niya? Baka naman kung anong gawin nila kay Louise?! Pupuntahan ko na sana siya pero sumakay siya sa motor nung isang lalaki. Sisigawan ko sana siya, kaso nakaalis na.

Nagpunta na lang ako sa school at dahil napaaga ako, nagpunta na muna ako sa mga kabarkada ko. Sa kabilang section pa sila kaya naman kailangan ko pang pumunta doon. Tatlo silang mga barkada ko, sila sina Peter, Joshua at Mico. Mga childhood friends ko.
Mababaliw ka kapag kasama mo sila lalo na si Peter.

Kung idedescribe ko naman sila. Si Peter isang playboy, madami yang chicks hindi nauubusan. Si Joshua naman mabait at habulin ng babae at si Mico naman pinaka-ideal boyfriend ng mga babae. At ako? Ewan ko.

"May naliligaw ata dito" sabi ni Peter pagkapasok ko sa room nila.

"Gago" yan lang ang sinabi ko at umupo sa tabi nilang tatlo.

"Anong ginagawa mo dito dude?" tanong sa akin ni Joshua.

"Bakit niyo ba ako tinatanong? Ayaw niyo ba akong pumunga dito?" Sagot na patanong ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganun bro" sabi naman niya.

"Para kasing ayaw niyo akong pumunta dito eh. Hahaha. Nagpunta lang naman ako dito kasi nababagot ako sa room namin. Wala pa akong masyadong kakilala"

"Sabagay, pero Jay, madami bang chicks dun?" Jay yun yung nickname ko. Sila lang ang nagtatangkang tumawag sa akin niyan. At huwag na rin kayong magtaka kung sino ang nagtatanong niyan.

"Wala akong mapusuan Peter eh, pero may kakaibang babae akong nakilala, bago naming kaklase" sabi ko at naalala si Louise.

"Paanong kakaiba? Maganda ba?" tanong na naman ni Peter.

"Oo maganda siya, pero parang lalaki tsaka sobrang sungit at palaaway din"

"Ah sayo na lang siya, ayaw ko sa mga babaeng ganun e" chickboy nga na matatawag si Peter pero ayaw na ayaw niya sa babaeng masungit at palaaway.

"Pano mo naman nasabing para siyang lalaki?" tanong ni Mico.

"Sa porma at pananalita niya"

"Hays! Huwag na lang pala, hindi na ako interesado sa kanya. Sayo na lang siya" sabi ni Peter.

"Oo, akin lang siya" hindi ko alam pero yan na lang bigla yung lumabas sa bibig ko.

"Aba! Sa pagkakaalam ko ngayon ka lang nagkagustuhan sa isang babae ah?" tanong ni Mico.

"Hindi naman sa ganun dude, kakaiba kasi siya sa ibang babae eh. Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Simple lang ganun" sagot ko naman, eh kasi ngayon lang talaga ako nagkagusto dito sa school ng isang babae. Yung iba kasi malalandi kaya wala akong magustuhan. Lalo na nakakabadtrip.

"Masungit pala ang type mo Nate? Hahahaha!" sabay nagtawanan silang tatlo.

"Ipakilala mo naman kami sa babaeng yan ha!" sabi ni Mico.

"Ipakilala? Sa tingin niyo makakausap ko yun?" paano ko kaya yun kakausapin eh ang seryoso nga niya tsaka lagi pang tulog katabi ko nga hindi ko naman nakakausap =___=

-Kringgggg Kriiiiingggggg-

"Time na pala! Alis na Jay, basta pakilala mo kami sa crush mo ah?!" sabi ni Mico at tinulak na ako palabas.

"Tignan ko kung makakausap ko siya!" sabi ko at umalis na at pumunta sa room namin.

"Napano yang mga mukha niyo?" nakita kong kinakausap ng adviser namin yung tatlong babae na kaklase ko nung saktong pagpasok ko. Mabuti at hindi niya ako nakitang late na pumasok.

"Eh kasi Ma'am inaway kami ni Crysta!" mangiyakngiyak na sabi ni Brina, sila pala yung mga Kitty Girls yung maaarteng babae sa room namin.

"Sige. Excuse na muna kayo. Pumunta na muna kayo sa clinic" sabi ni Ma'am, at gaya nga ng sabi niya umalis na yung mga Kitty Girls at umupo na ako sa upuan ko.

"Okay class, blah blah blah" nakakabagot wala din kasi yung katabi kong pinapanood na kumain kasi naman nakakatuwan siyang panoorin. Ano kayang ginawa niya sa mga Kitty Girls at ganun na lang sila kung manginig? Kaya ba hindi siya pumasok dahil dun? Hays. Naalala ko ulit yung lalaki. Sino kaya yun?

"Class may meeting ngayon kaya dismissed na kayo" nagising naman ako dahil sa sinigaw ng classmate ko.

"Anong nangyare?" tanong ko doon sa kaharap ko. Yung kasa-kasama ni Ann kahapon.

"Dismissed tayo!" sabi niya kaya naman napabangon ako.

"Okay, good bye class!" sabi ni guro namin at nagsitayuan naman ang lahat.

"Goodbye Ma'am" sabi naman naming lahat at nagsiuwian na.

Naghihintay ako sa corridor para hintayin na lumabas yung tatlo. Nakita ko naman sila na lumabas na at nagpunta sa direksyon ko.

"Tara na!" sabi ni Peter at inakbayan pa kami ni Mico. Teka! Bakit wala ata si Joshua?

"Nasan pala si Joshua?" tanong ko.

"Meron pang pinagawa si Mr. Rodriguez sa kanya eh. Alam mo naman na president yun kaya madaming pinapagawa sa kanya" sabi ni Mico.

"Ah sabagay. Tara na!" sabi ko.

Ayun nga umuwi na kami, naghiwa-hiwalay din lang naman kami kasi iba iba ang subdivision ng bahay namin, kaya eto ako ngayon naglalakad mag-isa, at nakita ko na naman si Louise kasama niya yung lalaki at hinalikan niya pa si Louise sa noo nito at umalis na din gamit ang motor niya. Boyfriend niya ba yun or barkada lang? Pero kung barkada lang nama niya yun, bakit siya hinalikan sa noo diba? Urrggh! Ayoko munang mag-isip ng kung ano-ano.

-Ding Dong Ding D-

"Hello anak, kamusta ang school?" pagbungad ni Mom sa akin at niyakap ako.

"Ugh Mom! I'm tired. Sige na, pupunta na ako sa kwarto ko" sabi ko at inialis yung pagkakayakap niya sa akin, minsan naiinis ako kapag niyayakap ako ni Mom pra kasing trinatrato niya ako na parang bata.

Katulad nga ng sabi ko nagpunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga.

*Pikit Mata*

Bakit hindi ako makatulog?! Bakit naiisip ko yung mga nangyari kanina?! Urgh! Bahala na nga baka sobrang napagod lang ako ngayong araw na to. Pero wala naman akong ginawa na sobrang ikinapagod ko ah? Weird.

Pinikit ko ulit mata ko pero si Louise ang nakikita ko. Baka totoo nga ang sinabi ni Mico at Peter na may gusto ako sa kanya?

Siguro nga.

Effect of LoveWhere stories live. Discover now