EOF 7(Thank you?)

4 1 0
                                    

Dedicate ko po ito sa isa sa mga idol ko ^_____^ hihihi marielicious maganda po mga stories niya :)
------------------------------------
Jayvee's POV

"Whoah ang saya saya ko lang kahapon nahawakan ko kamay ni Louise!" sigaw ko.

Dali dali akong pumunta sa bahay nila Louise, dala ko ngayon ang bisekleta ko, nakita ko naman siyang naglalakad. Nasabi ko na bang nasa tapat lang ng bahay namin ang bahay nila Louise? Destiny ata kami eh.

"Louise!" sigaw ko pero hindi siya umimik o lumingon man lang. Kakaiba talaga tong babaeng to.

"Louise!" ulit ko kaya ayun lumingon siya sa direksyon ko. Nakulitan na ata sa akin.

"Akala ko imagination ko lang yung naririnig ko, yun pala totoo! Bakit ka ba nandito?! Stalker talaga kita no?" ang aga aga tapos nagsusungit siya -___- araw araw ba siyang meron?

"Magkatapat lang po kasi ang bahay natin" sabi ko na sobrang ikinalaki naman ng mata niya.

"Ano?! Ang aga aga sinisira mo ang araw ko sa panloloko sa akin!" sabi niya na may kasama pang irap.

"Hindi naman kita niloloko eh!" sabi ko naman.

"O eto!" sabi ko sabay abot ng assignment notebook ko.

"Ano naman to?" tanong niya.

"Assignment" sagot ko.

"No need" sabay tumalikod na siya.

"Pakipot pa! Eto oh!" sabay inihagis ko sakanya, nasalo naman niya ito kaya naman naglakad na ako dala yung bisekleta ko pero napatigil ako ng sabihin niya ang hindi ko inaasahang sasabihin niya sa akin.

"Thank you" sabi niya.

"Thank you?" sabi ko pero napatigil naman siya.

"Hoy Jayvee! Wala akong sinabing thank you ha! In your dreams, loser!" sabay tumakbo na siya pero hinabol ko naman siya gamit ang bisekleta ko at naabutan ko naman siya.

Alam ko naman kasing nagpasalamat talaga siya sa akin eh.

"Louise! Always welcome! See you later!"

Nagpasalamat siya? Pero bakit ganito yung feeling?! Bakit sobrang saya ko eh nagpasalamat lang naman siya sa akin.

------------------------------------------------------------

*-CLASSROOM-*

"

Hello Louise!" bati ko sakanya nung nakaupo siya.

"Huwag ka ngang papansin!" tapos inub-ob na naman niya yung ulo niya sa armchair, sa tingin ko wala nanaman siyang ibang gagawin kundi matulog at kumain ng kumain. Hindi na siya nagsawa sa paulit ulit niyang ginagawa.

"Louise! Louise! Louise! Gising!" niyugyog ko ng niyugyog yung braso niya pero ayaw niya talaga magising kaya naman binuhat ko siya, yung tulad sa kinakasal? Kaya naman nagising siya sa ginawa ko.

"Hoy Jayvee ibaba mo ako!" sabay binatukan ako at nagpupumiglas pa.

"Ouch! Sakit sa tenga Louise!" sabi ko.

"Ibababa mo ako o susuntukin kita?!" binaba ko naman siya kasi baka masuntok nanaman ako eh. Sadista pa naman tong babaeng to.

"Louise ampanget mo!" sabi ko, inaasar ko lang naman. Sarap niya kasing asarin eh :3

"Edi ako na kasi panget! Pake ko? Mas panget ka naman!" sigaw niya at naglakad na, uwian na kasi at tulog lang naman ang ginawa ng babaeng to pero masaya naman siyang panoorin at kuhanan ng pictures.

"Pwede bang Panget na lang ang itawag ko sayo Louise?" tanong ko na ngayon ay sinasabayan siya sa paglalakad.

"Ewan ko sayo! Ba't ba ang epal mo?!" sabi niya, inakbayan ko naman pero bigla niyang hinila yung kamay ko at kinagat.

"Aray!" sigaw ko, bampirang sadistang babae! >.<

"Yang walang hiya mong kamay wag na wag mong ipang-aakbay sa akin at baka matadyakan kita diyan!" sigaw niya at akmang tatadyakan na niya ako pero nakailag naman ako.

"Sabi mo eh! Boss kita eh!" sabi ko at lumakad na.

"Dapat lang!" sabi niya kaya naman nagsalute ako sakanya. Tinawag na siya ni Iyana kaya naman sabay na silag lumabas sakto naman na dumating yung tatlo.

"Nakita ko yun ah! Close na pala kayo eh?! Bakit hindi mo kami pinakilala?" sabi ni Mico na inaasar pa ako.

"Natatakot siguro siyang maagawan ng chicks!" sabi naman ni Peter.

"Hindi! Natatakot siguro siyang ako ang magustuhan ni Crysta!

"Tumahimik nga kayong dalawa!" sabi ko sakanilang dalawa at nagpunta na lang kay Joshua na tahimik ngayon.

"Anong problema Joshua?" tanong ko ka Joshua na nakatungo lang. Hindi rin siguro ako napansin kaya naman inulit ko ulit magtanong.

"Prinoproblema niya kung sino yung babaeng nakita niya sa mall nung isang araw! Hahahahaha!" sabi ni Mico.

"Para daw anghel yun!" sabi naman ni Peter.

"Lumalovelife na rin pala si Pareng Joshua eh! Celebrate na yan!" sabi ko at siniko siko si Joshua.

"Type ko lang yung mukha niya, yun lang at wala na" seryoso niyang sabi.

"Tsaka ayoko pang magkalovelife!"sabi pa niya.

"Whoaah! Sinasabi mo lang yan! sabi sakanya ni Mico at nagkahiwa-hiwalay na nga kami ng landas. Iba iba kasi ang subdivision namin eh.

Naalala ko tuloy si Louise. Unang kita ko palang sakanya, aminado na akong may gusto na ako sakanya.

Maghintay ka lang Louise. Aminado din akong...

Babaguhin ko ang ugali mo :)

Effect of LoveWhere stories live. Discover now