EOF 5 (New Character)

5 1 0
                                    

Dedicated ko po ito sa isa ko pa pong pinaka paboritong author si ate OnneeChan ang gaganda po kasi ng mga stories niya. Nakaka-inspire! <3

Crysta's POV

Sabado ngayon kaya walang pasok. Halata naman diba? Tawagan ko kaya ang UG? Mababagot lang din naman ako sa bahay e.

~Ni nuneul bomyeon nan Trouble Maker~

Iyana Calling...

Biglang tumunog yung cellphone ko kaya naman sinagot ko, bago nanaman pala ang cellphone ko kasi nasira na yung isa kaya naman tinapon ko na.

(Crystaa! Mabuti sinagot mo! Himala! Gala daw tayo kasama natin UG!)

Para namang ewan tong si Iyana! Tsk. Proket ngayon ko lang sinagot ang tawag niya himala na agad! Kasi dati lagi kong kina-cancel ang mga tawag nila kaya siya nagtataka, alam naman ng UG yun na tamad akong sumagot ng tawag kaya naman sobrang OA ni Iyana ngayon na sinagot ko ito.

"Saan tayo magkikita-kita?" tanong ko sa kanya.

(Hoy! San daw magkikita-kita?") so kasama na pala niya ang UG?

(Sa Cafeteria na lang daw malapit sa school, bilisan mo!") sagot niya.

"Okay" sabi ko at ibinaba ko na.

Naligo na ako, pagkatapos ko nagbihis na ako tapos bumaba na.

"Hoy ate! San ka nanaman pupunta?!" akala mo naman siya ang Nanay ko tsaka lagi na lang nakasigaw tong babaeng to. Hindi na lang gayahin si Ellie na tahimik lang.

"Wala kang pakialam! Layas!" sabi ko at tinulak siya, nakaharang nanaman kasi sa dinadaanan ko.

"Ang bastos mo talaga kahit kailan ate!" sabi niya at padabog na pumunta sa kusina.

Umalis na ako doon at sumakay sa motor ko.

Pagkapuntang pagkapunta ko sa cafeteria, nakita ko na sila at bumaba na ako.

"Crysta! Halika na!" sabay hila ako ni Iyana papuntang motor ko, yung totoo?! Kabababa ko lang eh.

Tsaka pansin ko lima lang kaming UG ngayon? Yun pala wala si Jacob.

~Mall~

"Staaa!" sigaw ni Angel.

"Bakit?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Samahan mo naman ako sa petshop oh! Bili lang tayo ng pusa! Pleasee!" pagmamakaawa ni Angel. Sobrang hilig niya talaga sa mga hayop, nakakadiri kaya ang mga pusa! >,<

Tumango na lang ako tapos hinila na niya ako sa may wrist ko. Lagi na lang ako nahihila no? Pansin niyo rin? -.-

~Pet Shop~

"Anong mas cute? Eto o eto?" tanong ni Angel habang tinuturo yung pusa kung ano sa dalawang yun ang mas cute daw.

"Wala" diretsyo kung sagot. Eh sa wala naman talagang cute e.

"Eeeh?! Ano na kasi?" eh sa wala nga! -,-

"Eto na lang. Total paborito mo naman ang kulay pink" sagot ko sabay turo sa kulay pink na pusa. Oo, kulay pink yung kulay ng pusa -.-

Binayaran na namin yung pusa sa counter at pinadala na lang ni Angel sa bahay nila.

"Angel wala na sila!" sabi ko, pagkapunta kasi namin iniwan namin ang ibang UG eh.

"Hayaan mo na muna. Kain muna tayo" suggestion niya kaya naman tumango na lang ako.

"Sige sa KFC na lang tayo." sabi niya kaya naman nagpunta na kaming Food Court.

Effect of LoveWhere stories live. Discover now