EOF 4(No Assignment)

6 1 0
                                    

Dedicate ko po ito sa isa sa mga may magagandang stories dito sa wattpad Serialsleeper :)

--------------------------------------------------------

Crysta's POV

Naglalakad na ako ngayon sa Covered Walk.

Pagdating ko sa room...

"Crystaaaa!" Hays! Umagang umaga sumisigaw tong si Iyana. Tss. Walang kwenta >,<

"Ano?!" Medyo inis na tanong ko.

"May crush ako! Tanong mo daliiii!" Tangina! Hindi niya ba alam na nakakarindi yung boses niya?! -,-

"Pwedeng huwag sumigaw?"

"Amp! Sorry naman pero tanong mo na" -_-

"Oh sino?" lakas ng trip netong babaeng to.

"Edi si--"

"Dj?"

"Paano mo nalaman?!" paanong hindi ko alam eh halata naman kasi.

"Wala lang. Sige, uupo na ako" sabi ko at nilagpasan ko na lang siya.

Umupo na lang ako a natulog. Wala rin naman akong gagawin.

"Eeeeh?! Tinulugan lang ako. Tsk! =__=" narinig kong sabi ni Iyana pero hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan ng natulog.

-___-zzZzz

"Good morning class" naramdaman kong may yumuyugyog bigla sa balikat ko, pagdilat ko yung katabi ko lang pala at nakatayo siya kaya naman tumayo na ako kahit tinatamad ako.

"Good Morning Ma'am" bati nilang lahat tapos nagsiupuan na rin kami, at ako? Itinuloy ko ulit yung pagkakatulog ko.

"Okay class, bring out your assignment" sabi ni Ma'am, wala rin naman akong assignment kaya wala rin akong mailalabas.

"Who did not do their assignment?" tanong ni Ma'am pero walang nagsasalita sa amin.

"Please stand" pagpapatuloy ni Ma'am.

"Ms. Reyes did you do your assignment?" tanong ni Ma'am sa akin pero hindi ako nagsasalita, dahil na rin siguro sa antok.

"Oo daw po, Ma'am" sabi nung katabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya nung bigla niyang ibigay sa akin yung notebook niya at tumayo siya.

"Come here Mr. Rivera!" sabi ni Ma'am at pumunta naman siya.

"Bilang parusa mapapalo ka muna ngayon since first time mo pero kapag inulit mo pa 'to hindi lang yan ang aabutin mo" sabi ni Ma'am sa kanya. Narinig ko namang pinalo siya ng limang beses ng bamboo stick na ginagamit ni Ma'am kapag nagtuturo siya.

"Araaay ko!" narinig kong sigaw ni Nathan.

"Okay, you can take you seat now" umupo na si Nathan, pagkaupo niya tinignan ko siya ng masama.

"Hoy! Bakit mo ginawa yun?" tanong ko na nakaub-ob pa rin sa arm chair ang mukha ko pero nakaside sa direksyon niya.

"Nakakahiya naman kung babae ang mapaparusahan diba?" tsk! Babaw.

"Tsk! Walang kwenta!" sabi ko at ibinigay sa kanya yung walang kwenta niyang assignment notebook tsaka natulog na ulit. Hindi ko na rin pinakinggan yung sinabi niya.

------------------------------------------------------------

Break na ngayon at kasalukuyang kumakain ako sa canteen mag-isa. Hindi ko kasabay si Iyana ngayon kasi may ginagawa siya sa P.O

"Pwedeng maki-upo?"

"Uy! Pwedeng maki-upo?" ano ba yan! Napatingin ako sa nagsalita at inirapan siya pero bigla naman siyang umupo sa harap ko at kumain din.

"Bakit ba ang sungit mo ha? Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa ginawa ko kanina?" tanong niya pero tumingin lang ako ng masama sa kanya. Kapal! Bat naman ako magpapasalamat sa kanya?

"Para saan? Hindi ko naman sinabing ibigay mo sa akin yung assignment notebook mo tsaka wala din namang kwenta yung pagpapasalamat ko"

"Pero para sa akin mahalaga yun!"

"Edi pasalamatan mo sarili mo!" sabi ko at itinuloy ng kumain.

"Tss. Okay, kung ayaw mo edi huwag" yun naman pala eh, marunong din naman pala siya tumahimik.

"Alam mo sa ganda mong yan? Hindi bagay sayo ang maging masung-" hindi ko na siya pinatapos magsalita tumayo na ako at tapos na rin naman akong kumain.

"Saan ka pupunta?" sigaw niya at naglakad papunta sa akin.

"Huwag ka ngang dumikit sa akin at huwag na huwag kang sasabay makipag-lakad sa akin" sabi ko na sinunod naman niya.

"Good" sabi ko at iniwan na siyang nakatayo dun.

Pagkaupo ko sa upuan ko eksakto namang nagtime.

"Crystaaa! Sino yung lalaki kanina? Alam ko kasi wala kang assignment e! Alam kong tamad kang gumawa ng mga assignments, dati pa!" Tanong ni Iyana pero hindi ko na lang siya pinansin at natulog na lang ulit.

"Ano ba yan! Puro tulog!" sabi pa niya.

-__-zzZz

Pag gising ko uwian nanaman. Ugh! uuwi na naman.

"Ms. Crysta, right?" napalingon naman ako doon sa nagsalita.

"Sino ka?" tanong ko pero hindi niya pinansin ang tanong ko.

"May nagpapabigay nga pala sainyo" sabi nung lalaki at inabot sa akin ang isang box.

"Kanino galing?" pero bigla na lang siyang tumakbo nung tinanong ko siya. Bwiset yun ah! Dinala ko na lang yung box sa bahay.

~Ding Dong Din-~

"Hello Ate!" pagbukas ng pinto, nagulat ako ng makita ko si Ayesha na may suot na nakakatakot na maskara pero hindi ko ipinahalata na nagulat ako at inirapan ko na lang siya.

"Alis! Dadaan ako!" sabi ko at tinulak siya.

"Eeeeh?! Sungit talaga!" sigaw niya.

"Eh sa haharang harang ka sa dinadaanan ko eh. Tch!"

Nagpunta na ako sa kwarto ko at binuksan yung box na binigay sa akin nung lalaki.

Pagbukas ko...

"Shet!! Kanino galing to?!" pano ba naman pagbukas ko nakita ko ang isang daga na patay at ang daming langgam! >,<
Tangina naman oh! kaya ayun tinapon ko.

Nakakainis na nakakaasar! Wala na atang magawa ang mga tao ngayon eh?!Talagang ako pa talaga ang napag-tripan nila! -____-

Effect of LoveWhere stories live. Discover now