3:00 A.M.
Pinatay ni Jane ang alarm niya, pupunta kasi siya sa Sariaya, Quezon para magbakasyon, kasama ang barkada.
Graduate bilang Valedictorian ang bida.
Wala ang kanyang mga magulang sa bahay, nasa business trip kasi sila.
Ngunit alam ng kanyang mga magulang na siya'y pupunta sa probinsya ng kanyang barkada, si Allan.
Pumunta na para maligo si Jane, at habang naliligo siya ..
Inalis niya muna ang kanyang suot sa harapan ng salamin..
Pinikit niya ang kanyang mga mata..
Pilit niyang inaalala ang napaganipan niya..
Isang litrato..
Kubo..
Isang aleng umiiyak..
KARNE.
Nagagambala kasi si Jane sa karne, kasi vegetarian siya..
Hindi siya kumakain ng karne, ngunit ang karne na nasa panaginip niya...
IBA..
Nawala ang kanyang konsentrasyon sa pag-iisip nang biglang mas uminit sa shower...
Hindi naging ganoon kainit ang tubig mula sa shower..
"Hindi ang tubig ang uminit.." Sinabi niya sa isip niya..
Ibinuka niya ang kanyang mga mata..
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!" Napasigaw siya sa kanyang nakita..
DUGO ANG LUMALABAS SA SHOWER!!
at ang mas kagimbal-gimbal pa dito..
NAKITA NIYA ANG KANYANG MGA LAMANG-LOOB NA NAKALABAS SA KANYANG KATAWAN.
Pinikit niya ang kanyang mga mata, at muling iminulat..
"Panaginip lang pala.." Sabi niya..
Nakita nanaman niya ang kanyang sarili sa kanyang higaan..
Na parang kani-kanina lang ay andoon siya sa banyo at takot na takot.
--------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/13358259-288-k796789.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Karinderya™ [Complete]
HorrorMakakabalik ka pa ba ng buhay, kung kakain ka sa KARINDERYA?