Ang Mag-ina

9.1K 216 11
                                    

"Magandang umaga sa inyo. Hanap niyo ba ang mga masasarap na mga pagkain na makapadgdadala sa inyo sa Langit? Dito na kayo sa KARINDERYA ni KUYA at matitikman niyo ang aming masasarap at mouth-watering dishes.. " Sabi ng isang matandang lalake na nakasuot ng magarang polo at slacks.

Kalbo na siya pero maaaninag parin ang kanyang kagwapuhan sa kanyang katandaan.

"Ako si Kuya JIAN, at Welcome sa KARINDERYA ko." Napakasaya niyang sabi sa anim.

Pinagmasdan nila ang nasabing "karinderya".

Hindi siya pangkaraniwang karinderya na maihahalintulad niyo sa tabi-tabi.

Para itong restaurant sa laki nito.

Pero kawayan lang talaga at semento ang gawa nito.

Pumasok naman sila sa loob at mas namangha sa kanilang nakita.

Kahit umaga pa ay napakaraming mga tao ang nasa loob na,kumakain at umoorder na parang paborito nila ito.

Tinignan naman nila ang mga poster na nakakabit sa karinderya..

Napakaganda ng pagkakadisenyo nito.. kahit parang mumurahin lang ang mga kasangkapan sa paggawa nito.

Pinaupo naman sila sa at pinwesto ang dalawang lamesa at pinagdikit para maging kasya ito sa kanila.

Binigyan sila ng menu ni Kuya Albert at nagsimula na silang pumili.

Lahat ng putahe ng nasa menu ay mukhang masarap at malinamnam..

Lahat kasi ng nasa menu, KARNE.

Walang gulay na pwedeng maihanda at kainin dito.

Lahat ay takam na takam na para kumain sa karinderya maliban kay Jane.

Hindi lang sya ngayon nakakita ng karne, pero iba ang presensya nito sa kanya.

Pinilit siya ng kanyang mga barkada na kumagat kahit isa lang, at nagwagi naman sila.

Ngunit sa pagkagat ni Jane, bigla siyang tumakbo papalabas at nagsuka.

Hindi alam ng kanyang mga kaibigan kung may allergy ba si Jane o sadyang maarte lang talaga siya.

May ibang nararamdaman si Jane sa pagkagat niya dun sa karne.

Tumaas lahat ng balahibo niya, lumamig rin kahit nakatirik ang araw...

Binaliwala nalang ang naramdaman niya at pinuntahan ang matandang babaeng nakaluhod sa tapat ng kalsada at umiiyak.

"Okay lang po ba kayo?" sabi ni Jane sa matanda, umiiyak nga ito..

Pagkasabi ni Jane ay tumingin lang sa kanya ang matanda at ipinagpatuloy ang paghagulhol.

Pangkalahatan niyang minasdan ang matanda.

Magulo ang buhok, madumi na ang suot at may hawak hawak na picture frame.

Umiiyak mag-isa, sa gitna ng kalsada..

Anu ang ekspresyon niya sa matanda? BALIW.

Hindi naman nagkamali ang dalaga, baliw nga.

May malambot siyang puso sa mga baliw. Naging baliw daw kasi ang mama ni Jane, NOON.

Nagpumilit parin si Jane.

"Ako po si Jane, anu pong pangalan niyo?" pagpupumilit na sabi ni Jane

. Hinawakan na niya ang balikat ng matanda ngunit wala paring imik ito..

"Gusto niyo bang kumain? MAy pagkain po kami doon sa loob ng karinderya." mapilit na sabi ni Jane

Ang Karinderya™ [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon