Kinuha ko ang lahat ng kutsilyo na nasa lagayan nito .
Hindi na ako nagtaka kung maraming kutsilyo ang andito,kusina ito eh.
Nilagay ko ang mga ito sa iba't-ibang parte ng aking damit...
Yung iba, nasa maliit kong bag...
Nagiging malagkit na ang sahig...
Tumayo na ako sa aking pagtatago at agad kinuha ang atensyon ng mga bobong halimaw na ito...
"Hoy mga panget! Habulin niyo ako!" Aking hinanda ang dalawang kutsilyo sa aking mga palad at nagsimulang tumakbo habang hinahabol ng mga kanibal..
Mabilis sila, at ito ang ikinatuwa ko..
Sige lang, sumunod kayo sakin..
Pumunta ako sa parte ng kusina na may tubig at harina..
Dito, hindi ako madudulas.
Salamat sa harina..
Napangiti ako sa aking isipan at sumigaw..
" Ambabagal niyo!"
Narinig ko naman ang malalakas na ungol ng mga pesteng halimaw, isang hudyat na naiinis sila sa ginagawa ko..
Mas bumilis sila. Yan nga,mga tanga.
Yung isa, susugod na sa akin.
Pero pagtakbo niya sa tubig na walang harina, at tama nga ang hinala ko.
Madudulas siya, at nadulas na nga siya..
At iyon ang naging hudyat ko..
Agad ko siyang sinaksak sa ulo at pinutol ang kanyang leeg..
May tumalsik na kung anong likido sa aking mukha..
DUGO..
Gumagalaw pa ang kanyang mga kamay kaya hiniwa ko isa-isa ang kanyang mga daliri.
Kada hiwa ko ay isang malakas na agos ng dugo sa kanyang katawan..
May papalapit pa sa akin kaya naman ay hinagisan ko siya ng dawalang kutsilyo..
Sa ulo, at sa puso..
Sapul!
Di ko namalayan na ngumingiti na pala ako ngayon..
A-ang saya pala pumatay no?
Kinuha ko ang aking Butcher's Knife at mabilis na tumakbo papunta sa babaeng demonyitang kumakain ng lahi ko.
Mabilis kong tinadtad ang kanyang katawan..
Hindi ko alam pero parang isang natural akong mamamatay tao.
Natawa naman ako sa aking ideya.
Hmmm, kung paglaruan ko kaya ito?
Hiniwa ko ang kanyang tiyan at binuksan ko ito.
Nakikita ko ang mga malalaking bulate na nasa kanyang katawan...
Gumagalaw at siksik na siksik sila.
Sa normal na tao, mandidiri talaga sa aking nakikita..
Pero ako? Nakangisi..
Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa mga barkada ko..
Magbabayad sila...
Agad kong kinuha ang mga Intestines niya at pinutol.
Ginagawa ko itong bola ..
Gagawin ko itong pa-in, para sa ibang kanibal..
Kukuha muna ako ng plastik.
"J-Jane." Isang nakakaawang boses ang tumawag sakin..
Sino iy----
May kung anong mabigat ang sumampay sa akin sa likod!
Nakalimutan ko, ang batang kanibal..
Sinusubukan niyang kagatin ang leeg ko, pero hindi niya nagagawa..
Kasi pag aaksyon na siyang kakagatin ko, inuumpog ko ang ulo ko sa kanya..
Kahit anong pilit kong pagwawala ay hindi ako makawala..
Ah, alam ko na!
Kahit mabigat siya ay nakayanan ko paring tumakbo...
Tumakbo ako kung saan ako pumasok..
Sa bintana!
Dali-dali akong tumakbo hindi papalabas, kundi sa sahig na nagkalat ang mga maraming piraso ng salamin..
Tumalon ako pahiga para mas magkaroon ng impact, at....
Ang kusina ay pininturahan ng pula...
Tumayo na ako at aaksyong lalabas pero may narinjg akong yapak..
"Allan?" Dali-dali akong tumakbo sa kanya at niyakap..
"Salamat sa diyos at nakita kita." May sinseridad sa boses niya..
"Allan, tignan mo.. Pinatay ko yung mga kanibal." Turo ko sa mga patay na nasa di kalayuan.
"Kanibal? Anong pinagsas---" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil napanganga siya at..
Napaluha?
"B-bakit , anong problema?" Tanong ko sa kanya...
"H-hindi sila mga k-kanibal.." pautal-utal na sabi niya....
Tatanungin ko pa sana siya nang sumigaw siya..
"S-SILA ANG B-BARKADA!"
Napahinto ako sa paghinga..
Tinignan ko ulit ang mga mukha nila...
Ang mga mukha nila, napakamilyar..
At napanganga ako..
A-ng mga kaibigan ko, nakahiga sa sahig.
Hiniwa ang tiyan, pinutol ang mga daliri at kamay..
Sinaksak ng naparami.
P-pinatay ko sila..
D-di ko alam ang sasabihin..
Napaluha nalang ako sa aking ginawa ..
Pero bakit kanina ay iba ang mga mukha nila?
Patawad..
Binurak ni Allan ang katahimikan..
"Tama nga sinasabi nila, nababaliw kana talaga....."
Napahinto siya at tumitig aa mga mata ko..
Ang galit na may kasamang awa ang naaa mata niya..
Bigla nalang niyang pinatuloy ang kanyang sinabi ...
"....Angelita."
A-angelita?
Pinipigilan kong tumawa, nagbibiro ba siya?
Nakita ko ang apoy sa kayang mga mata, seryoso siya..
Hindi ako si Angelita! Ako si J-Jane!
Nagulat ako sa sinabi niy---
May kung anong patalim ang sumaksak sa akin.
B-bakit?
---
BINABASA MO ANG
Ang Karinderya™ [Complete]
HororMakakabalik ka pa ba ng buhay, kung kakain ka sa KARINDERYA?