Jane's POV:
"Uy guys pupunta muna ako sa CR." pagpapaalam ni Iya sa amin.
Alam ko na kung ano ang gagawin niya dun sa banyo..
Ang walang katapusang RETOUCH..
Bakit ko alam? Mali yung tanong, dapat:
Bakit NAMIN alam?
Nasanay na kami sa kanya, malamang barkada eh.
Lahat ng gimik may chuchu ekek na retouch.
Oo babae ako, pero hindi naman ako ganyan kaarte no.
Kada lakad kasi ng barkada, always present na po yung lipstick at foundation niya..
Magtatagal 'yan sa banyo ng 15-30 minutes.
Di yan sosobra ng kalahating oras, Mahal niya daw kami kaya ganun.
Lumipas na ang 10 minuto...
Makaupo na nga muna ..
15 minuto..
20 Minuto..
Tumagal siya ha.?
25 Minuto...
Ambagal niya, baka naligo pa siya dun.
Nang lumipas na ang 30 Minuto..
Nangamba na ako.
Tinignan ko naman ang mga kasamahan ko.
Parang wala lang sa kanila na lumagpas na sa 30 minuto na wala si Iya.
Ito yung kauna-unang beses na nagtagal siya ng mahigit 30 minuto..
May masama akong kutob dito..
Baka nagiging histerikal nga lang ako, siguro nga.
Gusto kong pasukin ang banyo, pero..
NATATAKOT AKO.
Natatakot ako na baka maulit nanaman iyon sa paaralan.
Sapat na sakin yung kanina.
Pero-- haaaay.. Sige na nga lang..
Dapat kong pakalmahin ang sarili ko..
Pero paano?
"Guys, maglalakad-lakad muna ako ha?" sabi ko sa grupo.
Tumango lang naman sila sa akin..
Hindi nga lang nakatingin sa akin.
Abalang-abala sila sa cellphone, at sa mga kuko nila..
Nahiya naman talaga ako sa mga kuko nila, eh mga lalaki sila.
Maglalakad-lakad na nga lang muna ako..
Pinagmasdan ko ang malaking kahoy na may nakasabit na gulong..
Anlaki ng puno, parang matandang-matanda na talaga ito..
Habang naglalakad ako, pinagmamasdan ko ang buwan.
Angganda talaga ng buwan..
Pero may kakaiba..
Bakit may buwan na ngayon eh sa palagay ko tanghali pa naman?
Pagtingin ko sa aking orasan, alas singo na pala.
Masyado na ba talaga kaming matagal rito?
Muli kong pinagmasdan ang buwan..
Ngayon ko lang naalala..
Bakit pula ang buwan ngayon?
May naramdaman nalang ako na isang malamig na kamay sa balikat ko..
Nangamba ako..
Unti-unti akong lumingon sa likod. .
.
.
.
.
Hmmm..
Wala naman ah?
Muli akong naglakad..
Limang minutong paglalakad.
.
.
Pinagmasdan ko ang malaking kahoy na may nakasabit na gul---.
Teka nga..
Nakarating na ako rito ah?
Nagsitayuan ang mga balahibo ko..
Ang daming nakakatakot na bagay ang nangyari sa araw na ito.
Sana naman ito na ang huli..
Ang alam ko kasi sa mga storya ng mga matatanda, kapag naligaw ka ay dapat mong baliktarin yung suot mong pang-itaas.
Ewan ko lang kung ano ang koneksyon ng pang-itaas sa pagiging ligaw pero wala namang masama kung gagawin natin diba?
Sisimulan ko na sanang hubarin ang suot kong t-shirt pero may narinig ako..
"hu-huwag p-po. t-tama naaa~"
Ang boses na iyon..
Mararamdaman mo talagang hinang-hina na siya..
Parang kilala ko ang boses na iyon ha?
Sana mali ang hinala ko..
Sana nga..
Sinundan ko kung saan nagmumula ang boses na iyon..
Boses BABAE.
Hindi nagtagal, nakakita ako ng isang kubo..
---
![](https://img.wattpad.com/cover/13358259-288-k796789.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Karinderya™ [Complete]
TerrorMakakabalik ka pa ba ng buhay, kung kakain ka sa KARINDERYA?