Ang Kamera

6.4K 174 12
                                    


Jane's POV:

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa karinderya..

Pasensya na Iya, pero para rin sa iyo ito.

Tumakbo lang ako.

Tumakbo ng tumakbo.

Di ko na alam kung ano ang mga dinadaanan ko.

Ang aking inaalalang pulang buwan ay nawala sa aking isipan.

Parang naging takda ang aking isipan at gusto lang makamit ang isang misyon..

Ang mahanap ang barkada..

Naibalik lang ako sa realidad nang napansin ko ang sarili ko na hinahabol ang hininga, katapat ang isang malaking establishimento na may malaking karatula..

"Ang Karinderya ni Kuya." Ang mahina kong sambit.

Pinagmasdan ko ang buong lugar.

Wala sila dito,  iniwanan ko lang naman sila dito sa papasukan ng karinderya eh.

Kani-kanina lang, punung-puno ang karinderya ng tao..

Ngayon, ni isa wala akong makita..

Ang mga upuan sa loob ay mistulang pinabaliktad, ang mga ilaw ay nakapatay at walang presensya ng nabubuhay ang makikita..

Kahit sa mga kapitbahay nitong mga gusali, nakapatay narin ang ilaw..

Kung di ko lang napagmasdan ang mga dagsa ng tao rito kanina, mapagkakamalan ko talaga itong ghost town..

Ihip lang ng hangin ang mararamdaman mo..

Pero bakit may nararamdaman akong may nakamasid sa akin?

Kanina pa ito ah?

Pero dapat ko munang bale-walain ang aking mga nararamdaman..

Kailangan ko na makita ang barkada..

Saan nga namin nilagay yung sasakyan namin?

Ah, sa likod pala ng karinderya, tama.

Baka andoon lang sila, nagtatago.

Kasi baka tulad rin sakin, may nakita rin silang kababalaghan..

Naalala ko si Iya, nakakaawa talaga siya.

Dapat na akong magmadali para makakuha ng tulong..

Hinay-hinay akong naglalakad papunta sa likod ng karinderya..

Bawat hakbang na aking ginawaga, isang malakas na tibok ang inilalabas ng aking dibdib..

Tahimik.

NAPAKATAHIMIK..

Nakikiramdam ako sa paligid, alerto sa anumang senyas ng ingay..

Di nagtagal, nakita ko ang puting sasakyan namin.

Nagmadali akong tumakbo papunta sa sasakyan.

Pero napahinto ako sa tapat ng pintuan ng sasakyan..

Nasaan na ang mga gulong?

Ang nakikita ko nalang ay ang mga bloke ng semento na ipinalit sa gulong para mai-ayos ang balanse ng sasakyan..

Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng kotse..

Walang tao sa loob, nakapagtataka..

Pinagmasdan ko ng pangakalahatan ang loob ng sasakyan..

Magulo, nagkalat ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan..

Parang binaha't binagyo ito eh..

Eh hindi naman ito kagulo kanina ha?

Ano pa ba yung nagpapagulo ng sasakyan?

May mga kalmot ng kuko sa iba't-ibang parte nito..

Sa sahig, sa manobela, pati narin sa malalambot na upuan..

Umupo muna ako sa upuan..

Bakit kaya may mga kalmot yung sasaky---

Aray! Ano ba itong nasa upuan?!

Kamera?

Kinuha ko ito at tinignan ang mga laman nito..

---

Ang Karinderya™ [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon