Jane's POV:
Nilagay ko sa aking bulsa ang kamera, pwede kong gamitin ang ilaw nito..
Kailangan ko silang hanapin, tama..
Hindi biro dito, parang pumunta kami sa impyerno....
At pwedeng hindi na kami makakalabas..
Hindi, alam ko sa sarili ko na mabubuhay pa ako..
Mabubuhay pa kami..
Saan ako magsisimulang maghanap?
Sa simbahan?
Sa Gym?
Pero bago ko sila hahanapin, dapat akong maging handa.
Maghahanap muna ako ng gamit para panangga sa mga demonyong iyon.
Pero saan kaya ako makakakuha ng sandata?
Nilikot ko ang paningin, pilit naghahanap ng armas.
Bato? Di pwede... maliliit kasi. Tapos kung malaki, mabigat rin.. Paano kung hahabulin ako?
Naghanap pa rin ako..
Kahoy? Hmm.. di rin. Madaling mabali..
.
Nabigla ako nang may kumislap mula sa loob ng karinderya..
Sa liit ng ilaw na binibigay ng buwan, halos imposibleng kumislap ang isang bagay..
Pinalinaw ko ang aking pananaw..
Pilit tinitignan kung anong bagay ang kumislap.
.
.
.
.
TAMA!
Patalim!
Hinay-hinay akong naglakad papunta sa pintuan na parang isang magnanakaw..
Nang nakaabot na ako sa tapat, napansin ko ang malalaking kandado na nakapalibot sa hawakan ng pintuan..
"Hindi ako makakapasok sa loob." Sabi ko sa sarili..
Hmmm... pwera lang kung hindi ako sa pintuan dadaan, diba?
Nagmasid ako sa mga pwedeng pasukan mula labas papuntang loob.
Sakto!
Katapat ng lalagyan ng mga kutsilyo ay isang bintana.
Wala ng atrasan ito..
Pumunta ako sa tapat ng bintana, at ito ay nasa itaas ng ulo ko..
Paano ako makakapasok?
Ah,Alam ko na!
Kinuha ko ang lahat ng malalaking bato na makikita ko ..
Eto, pwede..
Hindi ito, masyadong mabigat..
Hanggang sa nakaipon ako ng maraming malalaking bato..
Pinagpapatung-patong ko ang mga malaking bato sa dalawang hanay..
Pinatong ko ang mga ito mula sa pinakamalaki papuntang pinakamaliit.
Pumatong ako sa dalawang hanay ng mga malalaking bato..
Pilit kong inaabot ang bintana..
Malapit na....
Ayos!
Hinay-hinay pero nagsisigurado ako na makaakyat sa bintana..
Hinampas ko ang bintana ng isang bato para gumawa ng butas..
Siniksik ko ang aking kamay sa butas na may mga matatalas na pirasong bubog..
Arrgh! N-nagkasugat ako..
Tiniis ko ang sugat , pilit kong inabot ang pambukas ng bintana na nasa loob ng karinderya ...
Malapit na...
Ayun!
Dali-dali akong pumasok sa loob ng karinderya..
Nahulog ako sa sahig, nararamdaman ko ang mga bubog na nakadikit sa aking balat.
Ininda ko nalang ito at agad-agad kinuha ang kutsilsyo..
Sa pagtayo ko at pagkuha ng patalim, may napansin ako..
Isanh pintuang bukas..
Lumapit ako at tinignan ang salita na nakasulat sa pinto..
"Kusina."
Napalunok ako sa aking nabasa..
Parang may maling kutob ako rito..
Kung papasok ako, baka mamiligro nanaman ang buhay ko..
Di ko alam pero hindi ko makontrol ang aking katawan na pigilan ito sa pagpasok sa loob.
Diyos ko, tulungan mo ako..
Pumasok na ako sa loob ng kusina..
Hindi sinasadyang nagsara ang pinto na aking pinasukan..
At sinakop ng dilim ang lahat..
--
BINABASA MO ANG
Ang Karinderya™ [Complete]
HorrorMakakabalik ka pa ba ng buhay, kung kakain ka sa KARINDERYA?