Tatlong lalake at tatlong babae ang magkakasama.
Isang lumang L300 ang kanilang gamit na sasakyan.
Alas Kwatro ng madaling araw, sila ay nagkita-kita ng araw na iyon.
Ang tagpuan ay sa tapat ng skwelahan, madilim, malamig at napakatahimik na lugar.
Sina Jose, Allan, Gero, Jane, at Sofia ay nandodoon na.
Samantalang si Iya at papunta pa lamang.
Mahilig kasi si Iya mag-ayos, kahit alam niyang sa probinsya lang kami pupunta, hindi sa pageant..
Habang nag-aantay silang lima kay Iya..
si Sofia ay biglang nakaramdam ng pagkaihi..
Dahil sarado pa ang lahat ng mga tindahan sa lugar, ang CR lang ng paaralan ang pwede nilang gamitin.
24 oras na may gwardya sa skwelahan, kaya nagpaalam si Sofia na makikigamit ng CR.
Sa pagpapaalam nila sa gwardya, Rumehistro ang takot sa mukha ng matanda.
"Mga Ineng, mag-ingat kayo ha? Hindi magandang oras ngayon para gumala sa paaralan." Sabi ng gwardyang halatang nanginginig.
"Eh sa CR lang po kami pupunta eh, hindi naman kami maglilibot." Sabi ni Sophia habang pinipigilan ang pag-ihi.
Mas lumala ang takot sa mukha ng gwardya..
"Iyon na nga eh, Sa CR kayo pupun----." Tila hindi natuloy ang sinasabi ng gwardya at natulala..
Natulala siya at nanginginig habang pinagmamasdan ang mga dalaga..
Hindi, SA LIKOD NG MGA DALAGA.
Parang wala na sa katinuan ang gwardya , parang nababaliw na siya..
Hindi na nag-abala na lumingon ang magkakaibigan sa kanilang likod dahil dali-daling tumakbo si Sophia sa campus.
Malayo kasi ang distansya ng building ng paaralan sa guard house.
Nang nakapunta na sila sa tapat ng hallway, biglang hinawakan ni Sophia ang kamay ni Jane.
"Nakita mo ba ang mukha ng gwardya kanina?"sabi Sophia kay Jane
"OO, pero baka nakadrugs lang yun si Manong, eh natulala siya kanina habang nanginiginig.." Pagpapatibay ng loob ni Jane kay Sophia.
Alam kasi ni Jane na matatakutin si Sophia, lalung-lalo na sa mga multo.
Kahit nga mga horror movies eh di niya pinapanood..
Tinignan nila ang hallway..
Madilim..
Napakatahimik..
Naririnig lang nila ang mga kuliglig sa garden ng paaralan..
Nagsimula na silang maglakad papunta sa CR.
Dire-diretso silang pumunta sa Banyo ng mga babae..
Dahan-dahan silang naglakad, parang binabantayan nila ang paligid kung may susulpot ba..
Nang nakapunta na sila sa tapat ng pintuan na may tatak na "Girl's CR", tumigil ang mga kuliglig..
Mas naging tahimik, mas naging NAKAKATAKOT..
Mula sa labas, kinakapa ni Jane ang switch ng ilaw ng banyo na nasa loob nito..
Kahit saan siya kumapa sa dingding eh hindi niya nahahanap yung switch..
BINABASA MO ANG
Ang Karinderya™ [Complete]
HorrorMakakabalik ka pa ba ng buhay, kung kakain ka sa KARINDERYA?