Ang Pampagana

6.8K 189 22
                                    


Jane's POV:

Lumapit ako at tinignan ang salita na nakasulat sa pinto..

"Kusina."

Napalunok ako sa aking nabasa..

Parang may maling kutob ako rito..

Kung papasok ako, baka mamiligro nanaman ang buhay ko..

Di ko alam pero hindi ko makontrol ang aking katawan na pigilan ito sa pagpasok sa loob.

Diyos ko, tulungan mo ako..

Pumasok na ako sa loob ng kusina..

Hindi sinasadyang nagsara ang pinto na aking pinasukan..

At sinakop ng dilim ang lahat..

Wala akong makita.

May narinig akong pagtumba ng mga kaldero sa malapit..

Naging alerto ako, walang sapat na lakas ang isang daga na magpatumba ng ganoon karaming kaldero..

Hinigpitan ko ang aking hawak sa kutsilyo ..

Pilit kong dinaramdam ang aking paligid, inoobserbara ang ingay na pwedeng mailikha..

Para akong isang daga na ang kalaban ay isang paniki..

Hindi ito patas,hindi ko magamit ang aking mga mata.

Kinuha ko ang kamera mula sa aking bulsa..

Tinignan ko ang screen ..

Patay, malapit na pala ito ma-lowbat.

Dahil siguro sa pagtingin ko sa mga litrato kanina at sa video..

Pwes, kailangan kong gamitin ang natitirang baterya ng napakawais ..

Kung may gagalaw man ulit o mag-iingay, kukuhanan ko ito ng litrato, tama.

Inaactivate ko ngayon ang flash nang biglang may kumaluskos.

Hindi ko nakunan ng litrato sapagkat, wala pang flash ..

Muli, iseset ko ang flash.

Pero may kumaluskos nanaman..

Matalino ang aking kalaban, hindi niya ako hahayaang maset ang flash..

Dapat akong maging alerto , pero sa ibang paraan..

Ang kalaban ko siguro ngayon ang nagmamanman sakin sa buong aeaw na ito.

Matalino ka Jane, ikaw ang kakagraduate lang na Valedictorian..

Mag-isip ka ng paraan, isip...

Kusina ito... maraming pwedeng gamitin..

Nagtago ako sa counter, ginamit ang kakaunting liwanag na binibigay ng buwan at ang repleksyon ng aluminum na stove.

Minanmanan ko ang buong paligid, oinagmasdan ang bawat sulok na may pwedeng gamitin.

Binuksan ko ang gripo hanggang sa kalakas-lakasan nito.

Alam kong naging alerto ang kalaban at susugod anumang-oras sa gripo..

Binuksan ko ang maliit na kabinet na nasa counter at pumasok rito, nag-iwan ng maliit na espasyo para makita ko ang paglapit ng halimaw..

At hindi nga ako nagkamali, may kanibal nga..

Namumukhaan ko siya, isa siya sa mga kumain kanina sa karinderya na tingin ng tingin sa lamesa namin habang kumakain ang aking barkada....

At hindi lang isa, kundi tatlo ang kalaban ko..

Ang Karinderya™ [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon