I am Luis Ian Marasigan. Liam for short. Kilalang "crush ng campus".
Hindi ko naman alam kung bakit nila ako tinawag ng ganun. Ang alam ko lang, (base na rin sa kwento ng mga classmates, kaibigan at ka-team ko sa basketball) ay dahil yun sa magandang genes na namana ko, nasa top five ako ng klase at ako pa ang captain ng basketball team sa school.
Alam kong hindi ko 'trip' ang tawaging ganun dahil unang-una, awkward kaya na kapag dadaan kang mag-isa sa corridor ng school, laging may titingin sa'yo at magpapa-cute. Ewan ko kung pagpapa-cute talaga yun. Minsan, habang nasa canteen ka bigla na lang may titiling mga babae at bubulong ng "Uy, si Liam". Marami rin akong naririnig na palayaw mula sa mga babae. Kahit hindi ko sila kilala, tatawagin nila akong babe, baby, bf, bebe, honey, cutie at kung anu-ano pa. Hindi ko mabilang kung ilang pangalan na ang tinatawag nila sa akin basta ang alam ko, kapag ngumingiti sila, ngingiti na lang ako. Mahirap nang tawaging "suplado" o "feelingero" nang wala sa lugar.
Maaaring sasabihin ng ilan na mayabang ako o fame whore. Hindi ko naman ginusto yung ganitong buhay. Mahangin? Hindi ko naman mai-consider ang sarili kong ganun dahil unang-una nga, hindi ko dinadamdam yung salitang "crush ng bayan" o "crush ng campus". Hindi ako artista at wala akong balak pumasok dun.
Ikalawa, normal lang ang buhay ko. Pinagpapawisan kaya ang kili-kili ko, lalo na tuwing may laro kami ng tropa. Mabaho pa rin naman ang utot ko. Kumakain ako ng kamote, fish balls, kwek-kwek at bumibili ng dirty ice cream. Tubig at hindi gatas ang ginagamit ko sa pagligo. Nagkakautang din ako lalo na kung biglang nagkakayayaan. Nagkaka-pimples din naman ako at higit sa lahat, gaya ng iba, daliri ko ang ginagamit ko sa pag-alis ng kulangot. Ibig sabihin, walang bago, walang kakaiba sa akin.
Ikatlo, nasi-seen zoned din nako. Natotorpe rin ako. Higit sa lahat, sawi rin ako sa pag-ibig na gusto ko. may babae akong lihim na minamahal.
Dalawang tao lang ang nakakaalam na patay na patay ako sa kanya. Ang bestfriend ko na classmate ko since high school at ang kapatid ko na araw-araw kong kasama sa bahay.
Kahit ilang beses nila akong tawaging "torpe", "baliw" , "mahina", "duwag" at "walang balls", hindi ko pa rin magawang magtapat sa babaeng gustong-gusto ko.
Third year college na ako sa kursong BS Mechanical Engineering. Meaning, three years na ako sa college at three years na rin mula nang ma-realize kong, I was mesmerized and suddenly fell in love with a woman.
First year pa lang kasi, nabighani na niya ako. Pero wala akong ginawang paraan para mapalapit sa kanya.
So, can you still consider me as "crush ng campus" matapos kong sabihin 'to? Kasama ba sa qualifications ng bansag na yun ang pagiging torpe?
Kung bakit pa kasi ako naging duwag. Siguro naman sa buhay even the strongest person on earth would still prefer to be called duwag kung sitwasyon ko ang pag-uusapan.
Some would tell me na ang daming babaeng nagkakandarapa sa'yo, bakit hindi na lang sila? Maybe sasabihin din ng iba na sila na lang dahil di hamak na maganda sila or karapat-dapat sila.
Anong magagawa ko kung wala talaga akong makitang gusto ko? Nagkaroon na ako ng three girlfriends mula nang makita ko ang "dream girl" ko pero hirap talaga brod lumimot eh.
Hindi natuturuan ang puso.
Nasa 2,000 mahigit na ang followers ko sa Facebook and Twitter pero siya lang ang ini-stalk ko. Siya lang ang laman ng history ng laptop ko. Siya lang at wala nang iba.
BINABASA MO ANG
The Crush ng Campus' Confession
RomanceA person who is tagged as "Crush ng Campus" or campus heartthrob seems perfect in the eyes of every girls. Pero alam ba natin kung ano ang ibang saloobin nila? Paano ba sila ma-inlove? Uso ba sa kanila ang friendzone, seen-zone, kapatidzone, kuyazon...