Ilang araw din ang lumipas after Em's birthday. Every day routine ko na ang pumunta sa library and sa canteen. Minsan kasama ko yung mga kaklase kong balasubas din na nangangarap din na mapansin ni Em.
Until one time, naisipan kong pormal nang sumali sa varsity team. Ibig sabihin, bihira ko nang magawa yung pang-i-stalk ko kay Em.
Hindi ko alam kung blessing ba sa akin ang basketball team pero dun dumami ang "fans" ko. (If that's exactly the right word to describe them.)
Simula kasi nang sumali ako sa team, dumami na ang sumisigaw sa akin. Maraming nagpapa-picture at nagchi-cheer na sana manalo raw kami sa mga laban namin against other universities. I guess doon na rin dumami yung mga nagbubulung-bulungan about sa akin. Dumami na rin ang nag-add sa akin sa Facebook and maging followers.
One time, my bestfriend Jojo told me that it's about time to be conscious about myself. It's about time naman daw na umayos ako ng image since before, I looked like an ordinary conyo.
Nag-boost naman yun ng confidence ko. I thought it would be the best time para naman mapansin ako ni Em.
The next day, I saw Em sa canteen. Syempre ang lagi niyang kasama, si Gwen.
Papasok na ako ng canteen at may ilang girls na nakangiti sa akin. Nginitian ko sila at umupo sa isang table na nasa likod ni Em.
I put my earphone sa tenga ko showing na nakikinig ako ng music but actually, I was listening to Gwen and Em's conversation.
"Gwen: Kelan pa?
Em: Kagabi lang.
Gwen: Happy ka naman ba? Sure ka na ba sa kanya?
Em: Yes. Julius is a nice guy. Alam mo naman yun diba?
Gwen: Oo naman. Sa araw-araw ba nating nakikita si Kuya Julius. Saka alam ko namang patay na patay sa'yo yun.
Em: So?
Gwen: So? Eh di congratulations! Asan na ba kasi yang Kuya Julius na yan? First day niyo as lovers pero hindi ko makitang nasa tabi mo.
Em: May klase pa yun. Maya-maya lalabas na siya.
Gwen: Ohmay! I'm so happy for you Em."
OUCH! The saddest part of my life, eto na! Ang sakit naman Lord!
Sa sobrang sakit, umalis na ako ng canteen nang hindi nauubos yung binili kong energy drink.
Shet, akala ko pa naman may pagkakataon na akong pumorma pero bokya eh! Sa lahat naman ng pagkakataon, bakit kagabi pa sinagot ni Em yung Julius na yun?
Iniisip ko habang naglalakad ako, habang iniisip ko pala si Em at tinitingnan ang Facebook account niya eh saka naman sila nagkaka-kiligan ni Julius!
Di hamak na mas gwapo ako sa Julius na yun!
Gusto kong suntukin lahat ng makakasalubong kong kamukha ng Julius na yun. Pero dahil mabuting lalaki ako, kinimkim ko na lang.
Gabi-gabi kong pinagdasal na sana mapansin ako ni Em. Kaya naman pala lagi akong seen zoned dahil meron na siyang gustong iba.
Totoo nga ang kasabihan. " Ang taong malapit sa kalan, nauulingan."
Si Julius yung lumapit sa kalan kaya siya ang naulingan ng pagmamahal ni Em.
Ang sakit! Mas masakit pa siguro sa reklamo nung isa kong kaklase na dysmenorrhea.
Sa sobrang paglalakad ko dahil sa narinig ko, muntik na akong masagasaan ng kotse sa harap ng gate. Tengene! Madidisgrasya pa ako dahil sa kasawian ko.
Buti na lang nagising ang isip ko sa lakas ng busina mula sa kotse ng isang dean. Kung hindi, bukod sa gasgas ang puso ko, pupulutin ko pa ang ilong ko sa kalsada.
Naisip ko na lang, ang taong nagmamahal masaya para sa ikakasiya ng minamahal niya. Kaya kung mahal ni Em si Julius, matutuwa na lang ako. Masaya siya, masaya ako para sa kanya. Tang'ina, palusot lang yun sa sarili ko. Pero kahit palusot, move on na!
BINABASA MO ANG
The Crush ng Campus' Confession
RomanceA person who is tagged as "Crush ng Campus" or campus heartthrob seems perfect in the eyes of every girls. Pero alam ba natin kung ano ang ibang saloobin nila? Paano ba sila ma-inlove? Uso ba sa kanila ang friendzone, seen-zone, kapatidzone, kuyazon...