Chapter 8: Her problem is my happiness

20 1 1
                                    

Yes, I decided to make my move para mapalapit kay Em. I decided na si Em  ang mag-interview sa akin kasama si Gwen. Sabi nga, kung may gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Sa gusto ko, and I will grab any chance para naman maka-iskor na ako.

I told Gwen na papayag lang ako kapag si Em ang mag-iinterview. I want to tell anything kay Em. I don't care about his boyfriend. Sila na ang lumapit at nagbigay ng pagkakataon, babalewalain ko pa ba?

Kung papalampasin ko ang chance na ito, para lang akong natalo sa pekwa dahil sa tinago ko nang tinago yung sais. Para lang yang dota na nagmayabang pa ako kahit hindi na kaya ng power. Parang basketball lang na libre na ako sa three-point shot area pero dahil mayabang ako eh naghintay pa ako ng mga kalabang babantay sa akin. Kaya habang walang bantay at abala ang mga kalaban sa paghabol mula sa kabilang area, ako na muna ang pupwesto. Ako ang may hawak ng bola at ako ang gagawa ng paraan para makapuntos.

Still, hindi ko pa rin alam kung anong response ni Em mula nung sinabi ko kahapon kay Gwen ang kondisyon ko. Sabi ko, itext nya na lang ako. Binigay ko kasi yung number ko sa kanya. 

Habang nasa kwarto at abala sa pagreview kasabay ng music ng paborito kong Coheed and Cambria, biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hi Liam. Gwen here. Hindi raw pwede si Em mag-interview sa'yo. May prob kasi si friend. Kahapon nga hindi pumasok. Pero kakausapin ka raw nya bukas."

Si Em, may problema? Gusto kong magreply sa text ni Gwen. Gusto kong tanungin kung anong problema nya. Baka naman pwede akong makatulong. Pero shet, wala ako sa lugar para mag-usisa sa pinagdadaanan ni Em. Hindi nya ako syota at lalong hindi kami close. Nakakatakot magtanong.

Naisip ko bigla, kung ako ang boyfriend ni Em, I won't let her cry dahil sa mga problema. I will be her crying shoulder. Lagi akong makikinig sa kanya. Siguro kapag napaiyak ko siya, ituturing ko ang sarili ko bilang isa sa pinakamasamang lalaki sa mundo. Hurting the woman I love would be the worst thing na gagawin ko. Tangina naman kasi ni Julius! damn! Bakit hindi nya kayang damayan si Em? Kung bakit kasi hindi ako si Julius!

Bakit ba kasi ako nagparamdam noon? Ako naman kasi ang tanga. Ako naman yung walang ginawa. Just because na-seenzoned ako three years ago, wala na akong ginawa para mapalapit sa kanya. Just because nagka-syota siya, dumistansya na ako at inisip na wala nang pag-asa.

Sabi nga nung pinsan ko, kung yung iba nga nasusulot pa kahit naka-wedding gown na, ako pa na yung gusto eh boyfriend pa lang si Julius. Ah paano naman kasi, wala naman akong balak manggulo sa relasyon ng iba. Pinalaki ako ng mga magulang ko na hindi manunulot. Bukod pa dun, ayokong ibigay na imahe sa akin eh mang-aagaw.  Kung may magandang paraan naman, bakit hindi ko gawin? Bakit kailangang mag-settle sa bagay na may masasaktan ka kung pwede naman maghintay muna?

Pero oo na, naghintay nga ako. Nag-settle ako sa desisyong maghintay. Pero hanggang ngayon ba may nangyari? Dapat siguro mali ang motto na yun. Ang dapat: Bakit kailangan mong magsettle sa "okay na yan" o "tama na yan" kung meron namang iba pang options?

Ah basta. Nakakahilo na. 

Nagreply ako kay Gwen.

"Bakit, ano raw problema ni Em?"

Halo-halo ang emosyon ko. Hindi ko alam kung maiinis, matutuwa, matatae o masusuka. (o baka dahil lang sa marami akong kinain na pizza)

Biglang tumunog ulit cellphone ko.

"Lovelife. Break na sila ni Kuya Julius."

Nawindang ako. Nagulat., Pero parang masaya. Parang lumukso ang puso ko.

Gusto kong sabihin kay Gwen ang sinabi ko kanina. Gusto kong magtanong.

"Ha? Bakit daw? Kumusta na si Em? Okay lang ba siya?"

Kinakabahan ako habang nagsi-send. Ang tagal. Loading pa. Ikot nang ikot yung bilog hanggang sa....

MESSAGE SENDING FAILED

Shet naman. Bakit ngayon pa ako nawalan ng load?! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Crush ng Campus' ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon