Chapter 2: The girl I secretly love

46 1 0
                                    

I saw her in a corridor three years ago. She was busy carrying the books from the library. parehas kaming first year. The first time I saw her, I knew there's something about her.

She is Eloisa Marie Loyzaga. Her friends and classmates call her Em. Kilala siya bilang magaling na estudyante ng Communication Arts. She's very competent and active sa mga school organizations. Actually, she is now the associate editor of our university publication.

Hindi lang ako ang may gusto sa kanya. Ilang katropa ko rin sa basketball team ang nagsabing maganda siya at talaga namang hindi lalampasan ng mata. Siya yung tipong hahangaan mo talaga. Talino, check. Ganda, check din. Hindi kasi siya yung tipo ng babae na madalas mong makikita sa mga love story na may suot na eye glasses na malaki at laging nakatali ang buhok. Hindi siya yung ordinary nerd sa school. Malakas ang dating ni Em.

Sabi ng mga katropa ko, kartada nwebe daw si Em. Sukat nila yun sa mga babaeng dumadaan sa harap nila or napupuntahan ng mga tingin nila. Ibig sabihin, isang puntos na lang, perpekto na.

Kung katawan naman ang pag-uusapan, panalo! Sabi nga namin, kung siya ang magiging representative ng college nila sa pageant, malamang isa kami sa pipilang manuod. Gagawa pa kami ng tarpaulin at magsisisgaw para sa kanya. Bahala na kung magalit yung mga ka-college namin. Hahaha.

Pero ayaw ni Em ng mga ganung kompetisyon. Press conference ang mga gusto niyang salihan at hindi ang mga beauty contest. Sayang nga eh. Sayang na hindi ko siya makikitang naka-swimsuit! Hindi naman sa pangmamanyak pero gusto kong malaman kung ano rin ang itsura niya sa two piece. Anyway, mas nagustuhan ko naman si Em dahil sa pagiging simple niya. Posibleng ayaw niya lang ipagmayabang ang kagandahan niya. 

For me, mas maganda na yun. At least naman hindi na dadami pa ang magkakagusto sa kanya. Meaning, hindi na dadami ang suitors o nagkaka-crush sa kanya. Hindi na sasakit ang neurons ko sa kakaselos! 

Madalas kong makita si Em sa canteen, sa office ng publication, library at sa isang kubo na palagi nilang tambayan. Actually, madalas ko siyang makita dahil halos sundan ko na ang daily routine niya. 

She seems so busy everyday. Pero hindi si Em yung tipo ng babae na kapag sumabak na sa harap ng libro eh nagiging kakulay na rin ng papel ng libro. Hindi siya mukhang haggard. Marahil dahil na rin sa natural nyang ganda. Simple pero bakas ang kagandahan.

But one thing siguro na masasabi kong negative sa buhay ni Em, DAHIL MAY BOYFRIEND NA SIYA. 

Langya talaga. Hindi ko pa naranasang ma-zero sa quizzes ko sa Calculus, Mechanics at ilan pang major subjects pero kay Em lang talaga ako na-bokya.

Second year pa lang siya nung maging sila ni Julius. Pareho sila ng course kaya mas madali silang napalapit sa isa't-isa. Balita ko, first year pa lang sila, nagpapalipad hangin at duma-da-moves na si Julius.

Bakit ko alam? Dahil ang tunay na gwapo, mag-iimbestiga sa karibal niya. Dahil ang tunay na gwapo, mag-aabang lang pero nakabantay kung kelan sasalakay. 

Pero sana may lakas na ako ng loob kapag nangyari ang pagkakataong makasalakay. Para naman sulit din yung pagiging abangers ko. Para sulit din yung paghihintay ko. Para sulit din yung pagtitimpi at pagseselos ko ng ilang taon.

Kaya naman, hindi ako tumitigil sa pagdadasal ng: BALANG ARAW, MAGBI-BREAK DIN SILA!  (#medyobadboy). 

The Crush ng Campus' ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon