Mula nang malaman kong may boyfriend na si Em, iniwasan ko na siya. Isang araw sa isang linggo ko na lang siyang nakikita sa canteen at madalas ay kasama niya yung Julius na 'yon.
I don't want to hurt myself more kay mas mabuting huwag na akong magkunwaring astig pagdating sa selos. Minsan nga, ginagawa na naming joke ng mga ka-team ko yung pagkakaroon namin ng crush kay Em. Why not? Wala na kasi kaming chance so better, gawin na lang naming masaya ang buhay namin.
I continued my life and spend the most of it sa pag-aaral, basketball team and mga barkada. Mas maraming nagpaparamdam na mga chicks pero I don't really give a damn about it.
Then one time, my teammates asked me one thing.
"Bakit hindi ka pa brod nagkaka-syota?"
"Oo nga brod, wala kang plano/ Ang dami ng chicks na nagkakagusto sa'yo pero parang wala kang amor sa kanila.
"Baka naman bakla ka pare! Papalunukin kita ng bola!"
Walang hiya! Napagkamalan pa akong bading ng mga kumag na 'to!
"Anak ng bakang bakla naman mga 'tol! Ako? Bakla?! Gusto mo suntukan pa tayo."
"Eh bakit naman kasi Liam wala ka pang syota ngayon? Ang alam ko may gusto kang chicks pero bakit hindi mo syotain?"
"Si Eloisa, yung Comm Arts?" Natauhan ako bigla sa sinabi ni Edmund, yung point guard ng team.
Si Eloisa, si Em. Yun lang ang alam nilang babaeng bukambibig ko nung mga panahon. Pero ilang buwan na yun. At mula nang marinig kong ipinagmamalaki nya ang lovelife nya, ipinagmayabang ko na rin sa sarili kong magmu-move on na ako.
Bakit nga ba kasi wala pa akong love life na nabibida sa mga ungas na 'to?
1. Wala eh. Bigo ako.
2. Wala pa akong mahanap na tipo kong babae.
3. Magastos. Kuripot pa naman ako. Mas gusto ko pang magmeryenda ng kwek-kwek na nilalako ni Manong Andoy sa labas ng campus kesa sa mga fastfood chain.
4. Natatakot ako sa minsang sinabi ni Jojo. Baka raw kapag may niligawan akong babae, baka magsapakan na yung iba.
5.Baka makaagaw pa 'yun ng oras ko. Mas mabuti na sigurong focus ako sa pag-aaral at sa mga laro ko.
"Eh bakit nga ayaw mo pang magka-girlfriend?", untag sa akin ni Edmund,
Naghanap ako ng maisasagot. At ito ang lumabas sa bibig ko: "magkaka-girlfriend na ako. baka next week, ipakilala ko na siya sa inyo."
Damn! Namura ko ang sarili ko. Why on earth did I ever say that? Eh wala naman akong niligawan. Wala akong ibang babaeng pinagkakainteresan. Pakiramdam ko, dahil sa kagustuhan kong magmayabang at huwag matawag na bakla. inilagay ko ang sarili ko sa alanganing sitwasyon.
At dapat, harapin ko yun.
After one week...
Ipinakilala ko si Melissa. She is a very pretty girl, a nursing student. Pareho kaming second year student. Her parents are both doctors. Ang mga kapatid niya, doctor, nurse, medical technologist at siya ang bunso. Medicine really runs in their blood.
Super sweet si Melissa and hell, so smart. Lahat na at ng gusto ng isang lalaki, na kay Melissa na. Siya ang first girlfriend ko sa college, so why not give it a try nga naman to love someone na deserving to be loved?
Unlike Em, Melissa loves to join in beauty competition. Kulang na lang ikutin ang buong Pilipinas para mag-join sa mga competition. Sabi niya, she only wants to celebrate and enjoy her beauty plus, it's an additional experience raw sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Crush ng Campus' Confession
RomanceA person who is tagged as "Crush ng Campus" or campus heartthrob seems perfect in the eyes of every girls. Pero alam ba natin kung ano ang ibang saloobin nila? Paano ba sila ma-inlove? Uso ba sa kanila ang friendzone, seen-zone, kapatidzone, kuyazon...