Noong unang taon sa college, wala akong inatupag kundi aral at bahay. I am the Kuya in our house and as much as possible, I want to be the best Kuya and a model to my siblings. Gusto ko ako yung makita nilang modelo na magaling at palaaral na Kuya na tutularan din nila once na nag-college na sila.
Pero dumating sa point na sumali na ako sa varsity team. Wala eh, masarap mag-basketball. favorite bonding kaya namin yun ni Lester, yung kapatid ko. feeling ko, everytime na nakakagawa ako ng puntos para sa team, ako na si Michael Jordan!
Forward ang posisyon ko at shooter ng team. Tipong Mitzui ng Shohoku, James Yap ng SanMig Coffee (congrats nga pala sa back to back championship) at Lebron James ng Miami Heat. Three points, hook shot o kahit sa ilalim ng ring, gusto kong nakikipagsabayan sa mas malaki kesa sakin.
Gusto kong patunayan na kaya kong patumbahin si Goliath. Kahit ilan pang malalaking center, kakayaning kong lusutan.
Pero iisang bagay lang ang hindi ko malusutan at hindi ko nalusutan......
Yun ay ang ligawan si Em.
Minsan na akong gumawa ng paraan para sana mapansin man lamang niya o kaya magparamdam sa kanya.
1. In-add ko siya sa Facebook. Friend request accepted naman after two days. Halatang bihira mag-open ng FB si Em dahil busy. Yung profile picture niya, sinave ko sa laptop ko. Kaya every night, siya muna ang titingnan ko. Naknampating! Desperado moves ang gawain ko.
2. Nagmessage ako sa kanya.
Sabi ko, "Hi Em."
Nagreply naman siya. "Hello. Do I know you?"
"Not really. I'm Liam from Engineering department. Nakita kita kanina sa amphitheater."
Ang malupit niyang reply: "AH OKAY."
Sinubukan kong magbukas ulit ng usapan. "Bakit Communication Arts kinuha mong course?"
Nagdasal pa ako na sana effective yung tanong ko. Anak ng bakang bakla, pakiramdam ko nonsense yung tanong ko! Pero pakiramdam ko rin na sasagot siya at magkukwento. Inasam ko na sana magpatuloy yung usapan namin.
After ilang minuto, tama nga yung pakiramdam ko- NA NONSENSE YUNG TANONG KO!.
Eloisa Marie Loyzaga
Seen: 8:00 pm
Bathala ng mga bathala, kung bakit kasi hindi ako marunong manligaw. Kung bakit hindi ako magaling makipag-usap sa mga babae. Walang hiyang buhay! Ang sakit naman sa loob ma-seen zoned! (Insert background music here. title: Kundiman by Sugarfree).
The seen-zoned scenario made me realize na hindi lang pala dapat sa Facebook ipakita na gusto ko siya.
Ang ginawa ko, everytime na vacant ako inaalam ko rin kung ano ang mga whereabouts niya.
If she's in the library, pupunta rin ako. Kunwari mag-aaral ako. Ang totoo, uupo lang ako malapit sa mesa nila nang hindi ako nahahalata. Malalaman ko na lang ang mga topics na pinag-uusapan nila.
Halos pare-pareho na nga lang. Subject nila sa ganito, subject nila sa ganyan. Grades niya kay Professor A, kay Professor B at Professor C. Yung pagsali niya sa publication bilang writer. Gustong-gusto ko naman yung mga kwento niya kay Gwen (yung close friend niya na lagi niyang kasama) about her family.
I found out that Em is the second child sa family. Her dad is an engineer in a government office while her mom is a public elementary teacher. Her Kuya is now in Singapore who works as a nurse while their youngest is studying high school in a private school. Silang tatlong magkakapatid ay parehong tapos sa Holy Cross School.
One time, natagpuan ko siya sa canteen with Gwen. Pasalamat na lang at minsan, nauuna ako sa kanila o kaya naman, nahuhuli para at least hindi halatang ini-stalk ko talaga siya. Stalker, spy or whatever you call me, bahala kayo.
Nalaman kong birthday niya pala next week.
After one week, nag-chat ako sa kanya sa Facebook.
"Happy Birthday beautiful Em. Enjoy your day and have a blast! Stay pretty. :)"
Halos magtatalon ako sa tuwa nung magreply siya.
"Thank you!"
Shet! Halos mabalibag ko yung laptop ko sa mukha ng kapatid ko na nasa harap ko lang dahil sa sobrang saya.
Nagreply ulit ako:
"You're welcome. Any plans like having a party for a celebration?"
Gaya ng dati, kinabahan ako. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang isasagot niya. Malay ko ba kung sasagot siya ng oo at invited ako. Malay ko rin kung sasagot siya "pakialam mo". Malay ko rin ba kung sasabihin niyang, "oo may party ako, bakit? maggi-gate crash ka?". Ewan. Basta kinakabahan ako.
Hanggang sa:
Eloisa Marie Loyzaga
Seen: 9:00 am
Anak ng pating! Seen-zoned again?!
Ang sakit sa dibdib! Parang ilang itak mula sa mga Katipon ng KKK ang sumaksak sa puso ko. Parang ilang pana mula sa naggagandahang Lady Green Archers ang pumana sa akin.
Napamura ako. Ayokong sabihing suplada siya. Nagreply naman siya eh.
Sa isip ko, baka busy lang siya lagi. Baka naman hindi siya mahilig magreply sa hindi niya kakilala.
Naisip ko na lang (pampalubag loob sa sarili) na mabuti na ang seen-zoned kesa naman sa sinabihan niya ko na "hindi ka invited".
Mas masakit yun kesa naman mapagkamalang nag-greet ako sa kanya ng Happy Birthday dahil gusto ko lang makikain.
BINABASA MO ANG
The Crush ng Campus' Confession
RomanceA person who is tagged as "Crush ng Campus" or campus heartthrob seems perfect in the eyes of every girls. Pero alam ba natin kung ano ang ibang saloobin nila? Paano ba sila ma-inlove? Uso ba sa kanila ang friendzone, seen-zone, kapatidzone, kuyazon...