Sa pagsisimula ng ikatlong taon ko sa college, naging normal ang buhay ko.
Bahay, basketball court, room, tambayan kung minsan bar, kung minsan boarding house ng kaibigan at sa corridor ng eskwelahan.
Kung hindi ako nagba-basketball, malamang nag-aaral ako para sa surprise quiz ni Professor alyas "Mister Suave" dahil sa pinapalago niyang bigote. Kung hindi ako nag-aaral, malamang nasa tambayan kami at nag-uusap tungkol sa mga babaeng gusto nilang makasama habang buhay (posible rin na tungkol sa video na nakita nila sa porn site). Kung hindi ganun ang sistema, malamang nag-iinuman kami dahil nanalo sa game o kaya naman ay nagkayayaan lang.
Kung wala sa mga nabanggit, malamang nasa boarding house o apartment kami ni Jolo at nanonood ng pelikulang tumatalakay sa makamundong pagnanasa. Yung tipong nakaharap kami sa laptop nya at bigla na lang aalis isa-isa para magbanyo na akala mo binabalisawsaw sa init. Maya-maya, may sisigaw ng "Wala ng tissue!". Tapos sisigaw yung isa ng "yung towel na lang!". Pagkatapos ng isa-isa naming session sa banyo, magtatawanan kami at lalabas para kumain ng halo-halo o ice cream. Kahit anong malamig basta maalis lang yung init sa katawan.
Minsan nga sa sobrang kakasama ko sa tropa ko, kaklase man o ka-team, nawawala na yung pagka-conyo ko. Malamang nahahalata rin sa paglalahad ko ng kwento ko.
Okay na sana ang buhay sa sistemang ganun. I get used to it- yung feeling na not being committed in any relationship. Bata pa naman ako at hindi dapat umikot ang buhay ko sa mga babae. I have my priorities. Ayaw ko nang ma-seenzoned. Ayoko nang maging parausan lang ng babae. Ayoko rin mabiktima ng future "rape me" scenario.
Okay na sana kaya lang, nagbago ang lahat nang muli kong makita si Em. Kasama na naman si Gwen. Himala, ngayon lang nangyari na pumunta sila sa kubo malapit sa tambayan namin nang hindi kasama si Julius.
Binulungan ako ni Jojo.
"Pare, si Em. Himala, hindi ata kasama yung karibal mo."
Hindi ako nagsalita. Umupo kami sa kubong lagi naming pinupwestuhan tuwing bakanteng oras. Pinapakinggang ko si Em at Gwen.
"So, ano na ba talaga ang gagawin mong article Gwen? Yung column mo na dapat, pag-iinteresan talaga ng mga estudyante". Si Em, masyado atang problemado sa issue nila.
"Hindi pa nga ako nakakapag-isip. Wala akong mahanap na topic or issue."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Naghihintay ng magiging resulta sa pag-uusapan nila. I want to help but I'm not in the position to help them. Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa ng mga nasa publication. Magso-solve na lang ako ng mahaba-habang problem huwag lang ang magsulat.
Bigla kong narinig si Gwen. Kahit pabulong pero naririnig ko. Isang dipa lang naman ang distansya ng kubo namin mula sa kubong pinupwestuhan nila.
"Oh my God Em! Tingnan mo, nasa tabing kubo si Liam!"
Liam? Ako? Em and Gwen, talking about me? Watda! Anong himala 'to. Nakinig lang akong mabuti. Sinensyasan ko ang barkada na huwag maingay. May nagpumiglas pang sumigaw pero sinenyasan ko ng suntok. Tumigil din. Abala sila sa pag-aaral nang bigla nang walang boses na naririnig.
"Liam? Yung team captain ng basketball team natin?" Si Em ang nagsalita.
Halos marinig ng lahat ang maingay kong dibdib dahil sa kaba. I was shocked. Pinag-uusapan din pala nila ako. At si Em! Kilala nya pala ako.
"Yes yung crush ni Jane. Yung ex ni Joana na kaibigan ng pinsan ko. Si Liam na crush ng halos 40 percent ng mga babae sa school. Si Liam na campus heartthrob."
HEARTTHROB? Seriously? Ganun ba talaga ako kakilala sa school para sabihing "heartthrob" ako? And wait, there's more! Saang galing ang statistics ni Gwen na 40 percent ng mga babae sa school ay may gusto sa akin? Ang alam ko Communication Arts si Gwen pero anong effort meron siya para mag-aral ng istatistikang tungkol sa mga nagkakagusto sa akin?
Hindi ko alam kung matutuwa ako o matutuwa. Wala akong option. Overwhelming kaya yun!
"Alam ko na Gwen! Bakit kaya hindi siya ang i-feature mo sa column mo? Diba sa email natin, maraming nagre-request na i-feature yung mga kilalang crush dito sa school. O ayan, may ideya ka na!"
"Oh my God Em! Ikaw na talaga. Oo nga noh? Siya na lang!"
Kung natutuwa si Gwen, bakit parang ako hindi? Anong alam ko sa gagawin nila?
Hindi pa ako tapos mag-isip nang biglang may dumating sa harap ng kubo namin.
Si Gwen at Em!
"Hi Liam, ako si Gwen. Siya naman si Em. Pwede ka bang ma-interview?"
BINABASA MO ANG
The Crush ng Campus' Confession
RomanceA person who is tagged as "Crush ng Campus" or campus heartthrob seems perfect in the eyes of every girls. Pero alam ba natin kung ano ang ibang saloobin nila? Paano ba sila ma-inlove? Uso ba sa kanila ang friendzone, seen-zone, kapatidzone, kuyazon...