Chapter 7: For the first time in forever

15 0 0
                                    

I don't know what to say. Nabigla ako at natulala sa pagpunta ni Gwen at Em sa harap namin. Yung mga kaklase ko, hindi alam kung saan unang titingin. Yung tatlo tumingin sa akin. Tatlong segundo bago tumingin kay Em. Yung tatlo pang kasama namin, si Em muna ang tiningnan bago tumingin sa akin na hindi ko alam kung nagbabanta o nangungutya.

Lumunok ako ng laway. Naghintay akong magsalita si Em pero si Gwen ang muling nagsalita.

"Well Liam, kung hindi mo kami kilala kami ay from Communication Arts department. Ako si Gwen Ramirez,  Feature Editor ng The Guardian. Eto namang kasama ko, si Eloisa Mari Loyzaga aka Em, siya naman ang associate editor and incoming EIC ng pub."

Maraming sinabi si Gwen pero hindi pa ako makapagsalita. Saka, kahit wag nya nang i-introduce si Em. I know her of course!

"So, what can I do for you?"

At last nakapagsalita ako! Pero tangna, parang ang yabang ng dating. Baka naman ma-turn off si Em. Nasa harap ko na siya. Dapat pakitang gilas!

"Kasi may column ako and kailangan kong mag-feature ng mga students sa campus. Naisip namin ni Em na ikaw naman ang sunod naming i-feature since sikat na sikat ang team natin and you know, sikat ka rin. Actually, ang daming nagre-request sa amin na ikaw naman daw ang i-feature."

Seriously? Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala pa akong desisyon nang biglang sumagot si Mike, yung kaklase kong mahilig sumawsaw sa usapan.

"Papayag na yan si Liam. Nandyan si Em eh!"

Anak ng bakang bakla! Dahil sa matabil na dila ni Mike, binatukan ko siya. At ilalaglag pa ako sa harap ni Em?

Tiningnan ko ng masama yung iba. Wala nang nakapagsalita. Balik ang mga mata sa papel at libro.

"Why me? Ang daming estudyante sa school, why me?" Syempre, kelangan ko munang magpakipot.

"Yun nga, marami ang nag-request. Marami ang nagsasabi na gusto nilang makilala ka dahil bukod sa pagiging team captain, you're an achiever sa class din."  Si Em na ang nagsalita.

I can't believe it. Ganun na lang ako i-describe ni Em? Ni hindi niya alam na siya ang isa sa mga dahilan ng mga bagay na yun? Kulang na lang mahimatay ako. Pero hindi! Kelangan kong magpakitang gilas dahil gwapo at achiever ako sa paningin niya.

"Achiever? Sinong nagsabi sa inyo? Ang alam ko, I'm just studying for my future and I am playing basketball because that's my hobby."

Bwiset! Bakit ganun ang nasabi ko? Mahangin ba o humble ang dating? O sobra naman ata sa humble kaya mayabang ang dating? 

Si Em ulit ang nagsalita.

"Well, yun ang tingin ng karamihan sa'yo. Kung ibabase kasi sa suggestions and comments ng mga nagbabasa ng paper na niri-release namin every two four months yun ang gusto nilang sabihin. You're an achiever at gusto ka nilang makilala dahil hinahangaan ka nila."

Nila? Gusto kong itanong sa kanya nang harap-harapan kung bakit nila ang ginamit niyang term? Why not isama niya ang sarili nya? Damn! Masyado na atang malakas ang loob ko. Eh paano naman niya sasabihing "namin" eh may boyfriend nga sya. 

Pero ang ganda magsalita ni Em. Simple, may diin pero may lambing. Alam mong matalinong tao. Nakakatulala! Kahit nagsasalita lang siya pero mababakas mo ang kahusayan nya. 

Habang nasa harapan ko si Em, muling nagbalik ang nararamdaman ko noong una ko siyang makita. The girl who caught my eyes and captured my heart long three years ago. Ang babaeng lagi kong iniisip. Ang babaeng sinubukan kong kalimutan pero tuwing maaalala ko siya, lagi pa ring sumisiksik sa isip ko. Damn! I am still in love with her!

Akala ko kahit nagkaroon ako ng ilang karelasyon at marami nang nagpapakitang gilas sa aking babae ay makakalimutan ko na yung pagkagusto ko sa kanya. Akala ko matatapos na ang lahat ng pangarap ko na kasama siya pero epic fail pa rin ako. Siya pa rin ang iniisip ko. Siya pa rin ang lihim kong minamahal. Siya pa rin at wala nang iba.

"Gwen, diba ikaw ang gustong mag-iinterview sa akin since you'll be the one who will write about me?"

"Yep. Ako nga. Why?"

"Pwedeng kausapin lang kita bago ako magdesisyon?"

Hindi ko alam kung may magnet ba yung mga sinabi ko. Pero mukhang tanga lang ang mga barkada ko. Sabay-sabay silang nagsitinginan sakin at kay Em. Makahulugang tingin.

Binalewala ko na sila. Lumayo kami ni Gwen para kausapin.

Ilang minuto kaming nag-usap. Nakatayo lang kami sa gilid habang humahangin. Palihim naman akong sumusulyap kay Em. Minsan nga nawawala ako sa pinag-uusapan dahil sa kakatitig ko sa kanya. Gusto kong magmura sa sobrang paghanga!

Matapos ang pag-uusap namin ni Gwen, nagkasundo rin kami. Pumayag ako at syempre, I need some considerations too. Fair lang dapat ang sistema.

Paalis na si Gwen at Em. Nag-uusap na sila habang naglalakad palayo sa kubo namin. Pero kahit malayo na sila, narinig ko ang pagulat na sigaw ni Em.

"Ano?! Bakit ako?"

The Crush ng Campus' ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon