3.

3.5K 72 5
                                    

Jhoana's

Nang marinig namin ang sigaw ni Ponggay ay agad kaming tumakbo sa loob.Kinakabahan akong lumapit sa mga ito.

"Nasan si JL?!"Pasigaw na tanong ko.

"Wala sya sa Kitchen.."Sigaw ni Jules.

"Baka nasa Second floor.."Saad naman ni Kim.

"Wala si JL dun..Kagagaling ko lang dun."Hinihingal na sagot ni Jules.

She was frantic upon knowing that JL is nowhere to be found.

"Galing na ako sa labas.Wala sya dun."Kompirma ni Kat.Hinihingal ito.

"Sa Backyard!"Sigaw ko at agad na dumaan sa backdoor.Baka nandun si JL.
Madalas kasi,Nasa Backyard ito dahil nandun ang iba nitong laruan.

Pero tahimik ang backyard nila at walang sign na pumunta dun si JL,Nakaayos pa ang mga toys nito sa basket sa gilid.

Malakas na ang kabog ng dibdib ko at tumungo sa taas.Halos madapa ako sa pag-akyat.

"JL?!"tawag ko sa loob ng kwarto nito dahil baka nagtatago lang sa kanila at gusto lang makipag-laro.

"Jacob Ismael!"Sigaw ko sa second floor at binuksan ang kwarto ko,Guest room at lahat ng sulok sa second floor.

Malapit na akong maiyak habang alam kong nakasunod sakin si Mich at ang iba pang tumutulong sa paghahanap.

"Hija.."Tawag ni Yaya na may hawak na walis at tambo.Kagagaling lang nito sa pinakadulong kwarto which is our stockroom.

"Ya?Nakita mo po si JL?"agad na tanong ko.Namamasa na ang mga mata ko.Umaasa ako na nasa paligid lang ang anak ko.

"Hindi sya umakyat dito.Di ba nandun kayo sa baba?"

Nanghina ako sa sagot ni Yaya kaya kahit ganun yung nararamdaman ko ay agad akong bumaba papunta sa front door.

And that's we found out na bukas ang Main gate kaya lumabas ako para tignan na baka nasa labas lang si JL pero wala.Naiwan pa dun ang laruan nitong bola.

"JL!"tawag ni Mich at naglakad paunahan sa ilang blocks ng Village.

Nanginginig na nagluluha na ako kaya nilapitan ako ni Kat at hinaplos ang likod.

Nasan ang Anak ko?!

"May humintong kotse dito kanina.Sumakay dun si JL."sabi ng Maid sa kapit-bahay na nakasilip at nagdidilig ng halaman.Sa sinabi nito ay agad kaming lumapit dito.

"Hindi sana tama ang iniisip ko.."

"Sumakay?"Naiiyak na tanong ko.Paano kung nakidnap na yung anak ko?

"Opo Ma'am.Magandang kotse.Kulay Itim.Tapos may matangkad na babae na kinarga ang anak nyo..Akala ko kamag-anak nyo.Lumapit si JL.."

Matangkad na babae..Kulay itim na kotse..Bakit hindi nila yun napansin?!!!

Isabel Beatriz Paras De Leon

"Wait..Hindi kaya si Bea?"Bulong ni Kim.

Agad na kumuyom ang kamao ko nang maisip na kinuha ni Bea si JL,Pero bakit?!..Ito ba ang iniisip nya sa tatlong araw na pananahimik nya?!Ang kunin ang anak ko.

"Mich.Pakitawagan si Jia."Nanginginig ako sa galit at the same time..Yung takot na nararamdaman ko habang hinihintay na sumagot si Jia.Hindi ako papayag.Kukunin ko ang anak ko.Kailangan kong bawiin ang anak ko.

"Ji,Kakausapin ka daw ni Jho."

"Hello?Jhoana?"

"Pakibigay sakin ang Address ni Beatriz."Matigas na saad ko.

Be My Wife...Again(JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon