Jhoana's
Hinawakan ko ulo ko nang maramdaman ang matinding sakit nun.Daig ko pa ang nakipagsuntukan at ang ginamit kong panuntok ay ang ulo ko.
Minulat ko ang mga mata at medyo nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa nakabukas na glass window.
"You smell alcohol Mom."Saka ko napansin si JL nakaupo sa tiyan ng tulog na tulog na si Bea.Sa sobrang tulog nito,Hindi ata naramdaman ang bigat ni JL sa tiyan nya.
"Hey,Dito ka anak.Wag sa ibabaw ni Dada."Inabot ko ang kamay nito at sumunod naman sakin.
Naupo sa may gitna namin si JL at ako naman pumikit.Pinilit kong inaalala ang kagabi pero wala talaga akong maalala.
Napamulat ako nang marinig ang mahinang tawa ni JL.
Pinaglalaruan na pala nito ang mukha ng tulog-mantikang si Bea.
"Jacob Ismael."Saway ko dito at agad naman itong tumigil at nagpout sakin.
"Pagod si Dada okay?"Kausap ko dito at nilinga si Beatriz.
Nang mapatingin ako sa labi nito ay agad akong napalunok hanggang sa sunod-sunod na ang pasok ng alala sakin kagabi.
Yung pag-labas namin ni Nico,Pagdating ni Bea,Yung pag-sumbat ko dito..Yung halik.
Yung halik.Yung lambot ng labi nya.Ang lambot ng labi...nya.
Wala sa sariling napapikit ako at kinagat ang labi.Dahil kahit kagabi pa yun nangyari,Ramdam na ramdam ko pa din ang epekto,at ang pakiramdam na walang nagbago sa halik ni Bea.
Shit.I should'nt let that happened!
Dahan-dahan akong tumayo at mahinang tinawg si JL para sumunod sakin.Ayoko naman gisingin si Beatriz dahil baka napuyat ito at halata naman na oo.Hindi ko din alam kung paano nya ako inuwi,Pero mamaya ko na iisipin.Susulosyunan ko muna ang nananakit kong ulo.
Bumaba kami sa ni JL nang nakapaa.Okay lang.Halos pwede ka na ngang manalamin sa linis ng tiles.
Tumungo ako sa kusina at naabutan ang Dalawang Naka uniform na maid.Nagluluto ata sila.
May maid naman pala pero nagluluto pa si Bea kahapon.
"Good Morning Ma'am."Bati nung isa at ngumiti.Parang ka-edad ko lang ito.Halata yun sa itsura nito.
"Jho na lang po."Mahina kong saad.
"Goodmorning JL..Breakfast na po kayo."Saad ng isa din at ngumiti habang hinahanda ang mesa.
"Nasan po ang Coffee nyo dito?"Hindi ko mapigilan hawakan ang ulo.
"Give her medicine Manang,She badly need it."Saad ni Bea sa likod namin.
"Dada!"
Lumapit si Bea kay JL at hinalikan ang ulo.
"You like hotdogs Kiddo?"Tanong nito at nilagyan sa plato ang bata habang ako,Tulala kay Bea.Paano naman kasi!
Nilinga ko ang dalawang katulong at tulala din yung isa.
Naka Sports bra at maikling short lang si Bea!Kitang-kita ang ABS at ang makinis at mahahabang legs ni Bea.
Nakita ko ang Maid na napatitig talaga kay Bea habang yung isa,Naghahanap ng gamot.Wala sa sariling hinila ko sa braso si Bea.Nagulat ito at napatingin sakin.
"Magbihis ka."
"Inuutusan mo ako?"Ganting sagot nito.
Tinaasan ko ito ng kilay at napaatras ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/105147125-288-k480498.jpg)
BINABASA MO ANG
Be My Wife...Again(JhoBea)
Fanfic"Not all second chances can heal a ruined memories"