CHAPTER 62 : Okay na Sana.

85 2 0
                                    

BREE'S POV

Nakatayo lang ako sa harapan ng salamin.. At hindi ako makapaniwala sa king nakikita..

Ako ba talaga to ?

Ako nga ba ito??

'You look beautiful anak .. '  yan ang nabasa ko kay Mommy na katabi ko ngayon.. Andito kami sa aking kwarto at sya ang nag ayos sakin.. Sya lang ang hinayaan kong makialam sakin.. Si Debby , may kinuha syang make up artist.. Pero ako .. Kontento na ako kay Mommy ..

And I never knew na may igaganda pa pala ako.. Biruin mo yun??

Nakacontact lens na ako ngayon kaya hindi ko na kelangan mgsalamin.. At nilagyan din ng style ang buhok ko..

Im so much satisfied sa nakikita kong repleksyon ko. I cant wait but go down there ..

Bago kami lumabas ay niyakap ko muna si Mommy .. Sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng ginagawa nya sakin

Paglabas ko ng aking kwarto.. huminga ako ng malalim..

This is it.. THis is it.

Dahan dahan akong humakbang pababa ng hagdan ..Tulad ng aking mga napapanuod.. Ngayon ko lang naramdaman na  para akong prinsesa ..

Wearing a beautiful dress..

Having a beautiful face..

Habang sa may baba ng hagdan .. ay nakikita ko agad sya ..

Si JD agad ang bumungad saking paningin..

At eto na naman .. Unti unti na naman bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ganito na lagi ang nararamdaman ko pag nakikita ko sya.. How can it turn this way ng hindi ko alam kung bakit at hindi ko namamalayan ?

He looked at me .. Pero hindi nya ako tiningnan.. ayokong mabasa nya kung anong nasa isip ko at ayoko din basahin ang nasa isip nya..

Gusto kong ngumiti .. Pero hindi ko magawa.. 

Pano ako ngingiti kung  ngayon ko pa lang unti unting nararamdaman yung sakit?

Yung sakit ng heto ako sa harapan nya pero sa iba sya nakatingin ?

Pero wala akong karapatang magalit.. kasi .. hindi ko sya pinili.. malamang hindi din nya ako pipiling tingnan.

Naalala kong muli ang sinabi ni Briana bago sya umalis papuntang probinsya ..

'Alamin mo muna kung alin ang mas  mahalaga sayo .. Ang kagustuhan  mo o ang ikabubuti ng iba? then saka ka pumili sa kanila ..'

At pinili kong maging isang mabuting tao , na iniisip ang kabutihan para sa iba..

pinili ko si Dean..

Hindi ko sya kayang biguin. Gusto kong mapasaya ang huling sandali ng kanyang buhay..

At si JD , alam kong nagalit sya sakin .. At hindi ko magawang sumama ang loob ng si Debby ang gawin nyang date sa ball..

Pagkaalis nila ay naiwan akong naghihintay kay Dean.. mahigit isang oras bago sya dumating ..

'Andito na sya! '  Parang mas excited pa si Mommy kesa sakin.. Napapalakpak pa sya bago pagbuksan ng pinto si Dean ..

Tumayo na ako at hinarap si Dad.. This time sya naman ang niyakap ko..

"Good evening po .."  Napaharap ako sa may pinto ng marinig ko ang kanyang bati..

At napatigil ako pagkakita ko sa kanya..

It was the first time ..

The first time na hindi si Edward Cullens ang nakita ko sa kanya ..

He Finds His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon