Chapter 30 - (NULL) na naman :(

164 0 0
                                    

Chapter 30

Its Sunday at kagagaling ko lang paghatid kay Stephie sa taekwando class.. Yun daw ang gusto nya eh! Tapos, sinuportahan nung walangyang ina .. kaya yun!

Tiningnan ko yung oras.. Past 1 na pala.. so may limang oras pa ko bago sunduin si Stephie.. Tamang tama kasi may balak akong mag-review ngayon.. malapit na din kasi ang midterm.. Hindi naman ako grade concious pero pangarap ko lang na walang bumaba sa grade ko ng 1.7 .. Si Michelle kasi may 2.0 yun eh, balak ko syang ilampaso! haha. sobra naman kung 1.5 ang hihilingin ko diba? Di naman ako ganun katalino.. Achuchu..

Pagkapasok ko, naabutan ko si Lola na may kausap sa cellphone nya.. and as usual, naka loudspeaker na naman yun kasi medyo mahina na ang pandinig nya. Nakatalikod sya sakin kaya marahil di nya napansin ang pagpasok ko.

"Napagusapan na namin yun ni Michelle , Mama.. sa Macau na lang tayo magpasko.. " Boses pa lang , alam ko ng si Ama ang kausap ni Lola. Though bihira ko sya makausap.. Kilalang kilala ko na ang boses nya. Tumigil muna ko sa di kalayuan para mapakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Sayang naman kasi , ilang taon na tayong hindi nakakapagpasko dito sa Pinas.. Nagsasawa na din kasi si Syd-Syd na magpasko dyan sa ibang bansa. " Napangiti ako ng bahagya kasi ako talaga ang inalala ni Lola

"Ma, why does it always have to be about her? " Aray.. Ansakit nun a? Always? Samantalang kahit kelan nga, it has never been about me..

Sakit sa mata..  

Ansakit sa may nosebridge.. 

In short.  

Ansakit magpigil ng luha.

Ive decided na magparamdam na kay Lola since hindi ko na gusto pa yung mga naririnig ko.

Alam ko naman eh, alam ko naman .. pero masakit pa din talaga.

Saka lang napatingin sa may pwesto ko si Lola

"Eh.. ah ! Andito na pala si Syd-Syd ijo! Kausapin mo muna.. " -hahakbang na sana sya palapit sakin eh, para iabot yung phone..

"Marami pa akong gagawin Ma.. sayang ang oras ko.. wala naman kamin pag-uusapan nyan.. Sabihin mo na lang naglagay ulit ako ng pera sa account nya.. "

"Ah, Ricardo..." but too late.. Beep na lang ang maririnig sa kabilang linya.. He hangs up the phone just before it gets to me.. Ayaw na ayaw talaga nya sakin.. What's new?

Napansin ata ni Lola ang pananahimik ko kaya nilapitan nya ko

"Ah, bigla kasing may meeting si Ama mo kaya di ka na nya makausap."

Napailing na lang ako. . Hindi nya ata naalala na nakaloudspeaker ang phone nya..  

Di ko na lang yun pinansin at nagpaalam na lang akong umakyat sa kwarto.. Gusto ko muna mapag-isa..

Pagdating ko sa kwarto, binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama.. I didnt even bother taking off my rubber shoes...Napatulala lang ako sa kisame . .

Pero habang nakaganun ako .. di ko maiwasang maalala yung narinig ko kanina.. Bakit ba kinalimutan na ako ng mga taong mahalaga sakin? Bakit nila ako iniiwan?

Si Mama, Si Papa.. then si Esbie..

SH*T!

Ayoko ng ganito!  

Ayoko ng drama!

Nag-ibat naman ako ng pwesto.. Dumapa na ako at ibinaon ang aking muka sa unan... 

I need to stop thinking about those things.. Kelangan kong aliwin ang sarili ko para di ako makapag-isip ng mga ganung bagay ..  

Kaya bumangon ako and grabbed my phone.. Hmm..  

He Finds His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon