CHAPTER 53 : Rivals ..

108 0 0
                                    

CHAPTER 53

BREE'S POV

   Umaayon ang lahat sa aming plano.. Maayos na ang lahat.. Tingin ko , maganda na ang nangyayari kina Yhgo at Sydney.  .

Sabi nga ni Vice.. 'i-push mo yan'

Konteng push pa. Hulog na. Pero alalay lang.. kasi baka kapupush namin , pareho naman silang masaktan ..

   Okay na din at masaya na sa setup nila ang bestfriend ko kahit pa alam kong nahihirapan na sya sa araw araw na pagpaparamdam kay Ephi ng pagmamahal nya..

  Napatunayan ko tuloy na may mas mahirap na situation pa pala sa pagmamahal sa isang taong manhid. Yun ay ang pagmamahal sa isang taong palaging walang maalala..

Parang  50 first dates.. Pinanuod namin yun ni Thea nung isang araw .. Inspirasyon daw. tsk

Pero at least sila may patutunguhan.. Maaayos na.

Eh ako? Hanggang ngayon gulong gulo pa.. tsk

Weird naman kasi ,pero bakit ba hanggang ngayon gustong gusto ko pa din malaman kung sino si Kuya Mascot? Hay..

   Wala na lang akong ibang magagawa kundi ang pagmasdan ang tanging dalwang pictures na meron sya sa akin.

Will I ever come to know him?

   "AGGH. " May nakabunggo na naman sakin.. Madalas na sakin to. Wag na kayong magtaka kung bakit palagi na lang nangyayari.. haisht. 

   "Sorry Miss.. " Nagsorry pero hindi na lumingon pa si Kuyang nakabangga sakin ..

Pero mukang kilala ko yun?

"Dean. . " Naibulong ko na lang. Tatawagin ko sana sya kaya lang nakasakay na sya ng elevator at saka, Mukang nagmamadali sya .. Parang may humahabol.. Hmm.

Andito nga pala ako sa ospital , nakalimutan ko lang sabihin. Dinalaw ko ang paborito kong tita.. At eto , pauwi na ako .. Ano kayang ginagawa ni Dean dito ?

   Bumaba na lang din ako kasi uwing uwi na ko..  Nasa elevator ako ng biglang nagtext si JD Cha

   From JD CHA

         Tara Araneta.. My treat ^____^

Psh , gagawin na naman nya akong chaperon nila ni Debby.. Ang galing!

    To JD CHA

     Busy..

Pagkatapos nun hindi na sya nagreply. . Mabuti naman at di na sya nangulit pa.. Magulo pa din yung lalaking yun. Di ko alam kung bakit dikit ng dikit saken samantalang si Debby naman ang nililigawan nya.. Ano yun? Nagpapalakas?

Haisht. Pati tuloy ako nagugulo na. tsk.. Hay nako .. Maka sakay na nga lang ng taxi.. Commute lang ako eh..

   Pagpara ko ng taxi , may tumigil naman agad sa harapan ko.. Kaya lang , pagkabukas ko nung pinto sa likod at sasakay na lang sana ako ng may biglang sumingit at nang-agaw ng pwesto sa akin..

Uurong na sana ako kasi , wala eh .. Naunahan na ko ni Kuya.. Nakakahiya naman sa kanya .. Ipinagbukas ko pa sya ng pinto =___= .. Kaya lang. ng mapatingin sya sakin.. Napatingin din ako sa kanya.. (Malamang.. tsss) ..

"Edward Cullens.. O_O" nasabi ko na lang .. Biruin mo nga naman.. Si Dean pa pala yung kuyang mang aagaw sakin ng taxi. Tsk.

Ng mapatingin sya sa bandang likuran ko .. Bigla syang nataranta tapos isip lang nya..

'Shit . Andyan na sila! ' tapos nun .. Bigla nya akong hinila papasok sa taxi ..paupo sa tabi nya .. Saka nya isinara ang pinto..

"Manong TARA NA ! TARA NA! DALII! "  Apurado tong lalaking to ? Sino bang humahabol dito?

He Finds His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon