CHAPTER 71 : MAD

68 0 0
                                    

CHAPTER 71

==============

SYDNEY'S POV

27 missed Calls.. at flooded texts,..

Yan ang bumungad sakin pag kagising ko..  At karamihan dyan ay galing lang sa iisang tao.. Psh.

Ibinalik ko na lang sa sidetable yung phone ko at dumiretso na ng banyo para makapag ligo.

Late na ako nakauwi kagabi .. Inihatid naman ako ni Hanzel...

And yeah.. wala na nga yata akong choice kaya sa isang kaaway ako nagpasama at umiyak .. tss.

Hindi ko na pwedeng lapitan si Lei..

Ayoko namang magsabi kay Emma at Seth.. Kasi baka kung ano ang gawin nila..

Wala naman si Bree.. Kanino pa ako lalapit?

Pero kahit buon ggabi na ako nag emote .. Hindi pa din gumanda ang pakiramdam ko ..

Akala ko , kapag itinulog ko yung nararamdaman ko ay mawawala pagkagising ko.. Andito pa din pala..

Ang gandang simula naman ng araw ko .. Tss..

Iniisip ko yung nangyari kahapon.. Kasalanan ko naman na sumama pa ako sa kanila eh.. Pero hindi ko maiwasang sumama ang pakiramdam.. At saka..

.

.

Yung sinabi  nyang pupuntahan nya na lang ako dito sa bahay?

Hindi na din yun nangyari  sa hindi ko malamang kadahilanan.. Pinigilan ba sya ni Xera?

Psh..

Pagkatapos ko maligo ay  Lumabas na agad ako para makapag almusal. Maaga ang klase ko ngayon at ihahatid ko pa sa school si Stephie.,.

"Hindi ba kayo ang magkasama kagabi ? Late na kasi sya umuwi.. "  Hindi pa ako nakakababa ay napakinggan ko na agad si Lola.. Sino kayang kausap nya?

Parang nagkakaroon na ako ng hula kung sino .. tsk tsk.

Bumaba na ako at hindi nga ako nagkamali ng hinala.

"YEEEY!!! Tita is here!!! We can go to school na!!! " Excited na bumaba si Stephie mula sa pagkakakalong kay Yhgo..

"O... Nakaligo na pala .. " - Manang..

Nakatingin lang naman sakin at hindi umiimik si Yhgo..

"O sya.. Kanina pa naghihintay sayo so Yhgo.. Gising ka na pala.. O .. Sige na at excited na pumasok si Stephie.. "- Lola

Hello ? Wala man lang ba nakakaalala na hindi pa ako nag aalmusal ?

Aisht.. Never  mind !

Matapos magpaalam kay Lola ay   wala na akong choice kung hindi ang sumakay sa kotse ni Yhgo para ihatid namin si Stephie..

Ayoko naman gumawa pa ng issue kina lola at ipahalata pa yung kadramahan ko no ? At ayoko din naman maging KJ sa pamangkin ko. Buong biahe , ay hindi kami nag iimikan ni Yhgo.. Buti na lang walang tigil ang bunganga ni Stephie.. Hindi tuloy nahalata na hindi kami nag uusap ..

"Good bye Tita! Goodbye Tito Yhgo !!!" - Paalam samin ni Stephie bago sya tuluyang pumasok sa loob ng kanilang classroom..

Now.. Face the reality.. Kaming dalawa na lang ngayon ni Yhgo..

Tahimik lang akong sumakay sa kotse nya at ganun din naman sya.

Grabe.. Medyo malayo layo na kami mula sa school nila Stephie.. Pero wala pa ding nagsasalita.. Magtitiisan ba kami ?

He Finds His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon