CHAPTER 19 - New Bestfriend 2

179 0 0
                                    

CHAPTER 19

LEI'S POV

San ba agad nagsususuot ang babaeng yun? .. Ang hirap nya hanapin ah?

A girl like her is impossible to find..

She's impossible to find..

*wala na, korny na! tsk.

Pero pwera biro, Nasan na ba yung babaeng yun? Tsk. Nag-aalala na ko ha?

OPS! Teka..

Baka kung ano namang ipakahulugan nyo dun sa sinabi ko ah?

Nag-aalala ako , syempre, kahit papano.. may,pinagsamahan na din kami nung si Savior!

Tama! si Savior!

WOPS ULET!

Sabihin nyo naman, sinusundan ko sya ha! HINDI!

Nagkataon lang kasi na nakita ko nung nakasagutan nya yung apat na ka-club ko! Na sya ding nagsumbong na gate crasher sya!

Haist..

Ampasaway talaga ng babaeng yun!

Teka, eh ano nga kayang ginagawa nun dito? ? HMM . .

*baka pinupuntahan ako??? *___* sabay blush . wehehe

ANU DAW??

TEKA TEKA!

Ano ba tong iniisip ko?

Erase.Erase.Erase!

Hmp.. Mahanap na nga lang yung babae na yun.. Gumapang ba naman kasi sa mga ilalim.. at pagkatapos ng enkwentro nila nung halimaw kong pinsan na HIMALA at andito pala.. ay ayun at Nagtatakbo na!!

"Pinahirapan mo pa kami.. Magpapadala ka na din lang pala kay Mr. Medenilla! "

May narinig akong ganito , ui, malapit lang sa may pwesto ko. malamang si Savior yun!.. Patakbo na ulit akong pumunta dun kung san ko 'ata' narinig.

"Lugi ka ngay-own na Sydney ka! Wala ka ng maipagmamalaking bestfriend! Kawawa ka naman! "

Sabi nung babae. Di pa din tapos yung issue na yun?

Tiningnan ko si Savior. . Naiiyak na naman sya. Parang kanina lang.

Sino ba kasi yung walang kwentang Bestfriend daw ni Savior na yon na nang-iwan sa kanya?? Ha!!

Eh kung agawin ko na kaya si Sydney sa kanya!!!

ahm.. ang ibig kong sabihin..

Kasi normal lang naman yon sakin diba?

Yung nang-aagaw..

Kasi mahilig ako sa Chicks diba??

DIBA??

*fake laugh

Ha-Ha-ha..

Tama!!

Yun yun!!!

Tiningnan ko lang ulit si Savior..

Parehas din lang naman sya nung ibang mga babaeng nakakasama ko diba?

Mas magaganda pa nga sa kanya yung iba eh!

TAMA! Tama!

Badump.Badump

Napahawak ako sa may dibdib ko.. Grabe! Masyado ata akong napagod at ang bilis ng tibok ng puso ko! haha

"Dalhin na yan ke Mr. Medenilla.. "

He Finds His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon