Jarred's POV
Hays, nang malaman ko na papayag na ulit siya makipag-balikan, kahit fake lang, napangiti ako at sumaya.
Kasalukuyan na kaming nag lalakad ni Jennifer papunta sa bahay ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko. 8:00 na pala. Grabe, dalawang oras na ba siyang nandun sa OverPass?" Jarred. Nagtatrabaho din ba sa ibang bansa ang mga magulang mo? It seems na mayaman din kayo e tulad ko. " tanong niya habang nakayuko.
" Hindi. Bakit? " Sagot ko habang hila hila ko naman ang maleta niya.
" Ganun? E anong job ng parents mo? Nandito lang sila sa Pilipinas? " tanong niya ulit.
" Umm. Oo, may kumpanya si Mom and Dad dito. " Sagot ko.
" Ahh. Buti ka pa " bulong niya sa hangin na rinig ko naman.
" Paano naging mabuti yun? " pagtatanong ko.
" Wa-wala. Sabi ko pahiram ng headphone mo " at saka niya ako nilapitan at kukunin na ang headphone ko.
" No! Ayoko! " Sigaw ko dahilan naman ng pagtigil niyang kunin ito.
" Bakit? Mamahalin ba yan-- "
" Oo! Kaya pag to nasira, kakalimutan kong babae ka! " sambit ko sa kanya ng may pinakamasamang titig.
" Tss . So arte mo! Like duh? " pagcoconyo niya nanaman -_-
" Ikaw ang maarte. Papasok ka lang sa school, nakaheels ka pa -_- " sabay tingin naman niya sa heels niya.
" Bakit pati heels ko pinapansin mo? Lagi mo na lang to pinapansin! Wait, don't tell me. Naiingit ka no? Hmm.. " nilapitan niya ako saka nagsalita.
" Bakla ka ba? "
" BAKA GUSTO MONG HALIKAN KITA ULIT? " Nabigla naman siya sa sinabi ko kaya lumayo siya ng distansya sakin.
" Baka gusto mabato ulit nitong heels? "
" Okay bato mo, atleast makakadalawa na ako " pang-aasar ko.
Siya naman ay hindi na lang nagsalita at nauna sakin sa paglalakad na ikinatawa ko naman. Ako pa naging first kiss niya, nakakatuwa.
***
Mark's POV
" The number you are dialed is not attended or out of coverage area. Please try call later-- "
Nakapatay ba phone niya? Tss.
Andito ako ngayon sa harap ng bahay nila kung saan, makamusta ko naman sila Tita and Tito [ Mga parents niya ] kaso nahihiya akong magdoorbell kaya gusto ko, pagbuksan na lang ako ni Jarred kaso, nasan ba siya? Bakit di niya sinasagot ang tawag ko.

BINABASA MO ANG
MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETED
Fanfiction[ LANGUAGE: FILIPINO ] MY FAKE BOYFRIEND IS AN UNEXPECTED LOVE STORY OF TWO PEOPLE WHO DECIDED TO PLAY A FAKE RELATIONSHIP. THAT FAKE GIRLFRIEND AND BOYFRIEND THINGY TURN INTO A REALITY? STORY STARTED : 04|13|17 " WHEN FAKE RELATIONSHIP COMES INTO R...