C H A P T E R 3 9

466 22 6
                                    

Still Jennifer's POV


Di nga pala niya alam kung saan ako nakatira

" Hmm. May sarili naman ako bahay malapit din naman sa school pero pinalayas ako nila mom and dad sa kadahilanang bumaba ang grades ko "

Nagtaka naman si Klyde.

" Dahil lang sa grades? "

" Oo, lagi kasi akong first honor pero ngayong 4th year, mukhang di na mangyayari " pagpapaliwanag ko.

" Wag mong idown ang sarili mo. Dapat keep moving forward " tapos may hand gesture pa siyang nakakatawa.

" HAHAHA. Keep moving forward? "

" Oo. Parang NEVER GIVE UP " pagdiin niya.

" Sige, lagi kong itatatak sa isip ko yan. Keep moving forward "

Mga ilang topics ang napagusapan namin. Nabalik naman uli sa tungkol sa pagpapalayas sakin.

" So nung pinalayas ka, san ka tumira? "

" Kala Jarred " at tumungo nanaman uli ako.

Natahimik naman siya. Pero maya maya ay nagsalita uli.

" Eh anong dahilan ng pagpapanggap niyo? "

" Dahil sa parents niya. Ayaw niyang ma ireto sa iba kaya naisipan niyang ipakilala ako as her girlfriend. Naalala ko pa nung ginagawang reason ko pa si Hazel na pagselosin. Pero ang totoo, yun gusto ko na sanang itigil ang pagpapanggap namin, nagpatuloy to dahil nga sa kailangan ko ng bahay na matitirhan. " at nafefeel ko nanaman na tutulo ang luha ko.

Sa mga nangyari. Ang pagpapangap na pinlano namin nung una, nagkaroon ng masamang resulta. One sided love? Mukhang ganun nga ang nangyari. Ako lang ang nahulog sa kanya.

Nabigla naman ako ng iangat ni Klyde ang ulo ko at itanapat ang tingin ko sa langit.

" Kapag nararamdaman mong naiiyak ka. Iangat mo lang ulo mo, mawawala siya "

Effective nga. Nawala. Pero paano nangyari yun?

" Paanong... "

" Parang baso lang yan na may lamang tubig. Kapag iniyuko mo, bubuhos ang tubig pero kapag iniangat mo lang. Nananatili siyang nasa baso "

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon