C H A P T E R 2 3

465 23 0
                                    

Jarred's POV


Dederetso sana ako sa bahay pero napatigil na lang ako dito sa terminal ng tricycle. Alam ko namang dito baba yun jeep na nasakyan niya.
Alam ko rin na hindi siya sanay sa biyahe. Kaya eto, hinintay ko na lang kahit labag sa kalooban ko (a/n: tologo bo? xD)

Nakapark yun kotse ko sa kabilang side walk tapat ng terminal. Kaya pagbababa siya sa terminal. Makikita ko.

Speaking, nakita ko na nga ang jeep na pinagsakyan niya. Bumaba na rin siya.

Be natural lang Jarred. Sasandal lang ako sa kotse at nakatungo para di mukhang naghihintay. Ay teka. Mali ata.

Napaangat na lang ulo ko ng sumigaw siya.

" Waiiiiit "

Hinahabol niya yun babaeng tumatawid papunta sa kabilang kalsada kung saan nakapark ang kotse ko.

Hawak hawak niya yun paper bag na may sandals. Siguro, ninakaw niya to kay Jennifer.

Pumasok to sa isang iskinita at hinabol din naman ni Jennifer papasok. Delikado jan.

Humanap na lang ako ng iskinita kung saan lalabasan nung babae. At ayun nga, nakita ko naman.

May mga tao pa sa oras na to kaya sa pagtakbo ko, todo iwas din ako sa kanila.

Habang palayo na ko ng palayo, pawala na rin ng pawala ang mga tao.

Nabigla na lang ako ng may nakabangga ako at nag cause to ng pagkabagsak namin pareho sa sahig.

Nakita ko naman yun paper bag na hawak hawak nung babae. Siya na nga to.

Tama ako, dito siya lalabas.

Di pa siya nakakatayo. Hinila ko na sa kanya ang paper bag.

" Pagkakaalam ko. Hindi ito sayo " at kinuha ko na to na kaniya namang nabitawan.

" Tsk. Pakialamero " sagot nung babae saka na lamang to umalis ng galit. Weird -_-

Dumeretso na lang ako para naman masalubong ko si Jennifer na alalang alala sa Sandals niya -.-

Habang palayo na ko ng palayo. Padilim na rin ng padilim. San na ba to?

Kinuha ko naman yun phone ko at in-on ko ang flashlight.

Hanggang sa may narinig akong umiiyak.

Napatago na muna ako sa isang gilid para mapakinggan kung anong meron dun.

Nagulat na lamang ako ng marinig ko ang sigaw niya.

" JARRED! "

Nag automatic na lang ang paa ko at tumakbo ito para suntukin ang kung sino man ang nandon.

Kahit madilim, naaaninag ko ang lalaki na may kutsilyong dala.

Sinuntok ko ito sa sikmura dahilan ng kanyang panghihina.

Nilapitan ko naman si Jennifer na ngayon nanginginig na sa takot.

" Tumakbo na tayo " sabay hawak ko ng mahigpit sa kanyang kamay.

Hindi siya sumagot pero ramdam ko ang takot sa kanya dahil ang kanyang mga kamay ay nanlalamig at nanginginig.

" Magbabayad ka sa ginawa mo! " rinig kong sigaw ng lalaki habang siya ay tumatakbo ng paika ika dahil sa pagkasakit ng tiyan.

Patuloy naman kami sa pagtakbo ni Jennifer hanggang sa makalabas na kami ng iskinita.

Sumakay na kami ng kotse at ipinaandar to.

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon