Hazel's POV
" Eeeeeerrrr!!! Nakakainis talaga yun bit*h na yon! " inis na sabi ni Pearl.
Andito kami ngayon sa may cafeteria. Maaga pa naman kaya di pa kami pumapasok. Hinihintay ko na rin si Timothy-- ehem. Hinihintay ko siya kasi may gagawin pa kaming assignment at naka'y Timo yun notebook ko na pagsasagutan. Yon lang yon -_-
Kung tinatanong niyo na naka-move on na ko kay Jarred. Hmm, hindi madali pero kinakaya ko. Tutal, paghanga lang naman siguro yun nararamdaman ko sa kanya so walang problema. Mabilis lanh ako makakapag move on. Siguro..
" Sinong bit*h na sinasabi mo? " tanong ko kay Pearl sabay subo ng kain. Dito na kasi ako nakapag breakfast.
" Yun bwisit na Samantha na yon. Kahapon, first day pa lang at nagkakalat na siya dito ng bwisit niyang aura. " sabay tusok gamit ng tindior niya ng madiin sa cheesecake.
" Naiinis nga din ako. Akalain mo yun? Talo niya yun mga ginagawa natin dati kay Jennifer. Mas malala pa siya geez. Pati tayo naiinis na sa kanya. Bakit nga ba sila naghiwalay ni Jarred? Bukod kay Paul na ex ni Jennifer. Feeling ko na may iba pa siyang dahilan. " pahayag ko.
" Do you think na meron pa? Hmm, ano naman yon? "
" Hindi ko alam pero nung time na kinausap ako ng samantha na yan. Gustong gusto niyang mapahiya si Jennifer at pinipilit niyang bawiin si Jarred. Wala na ba sila ni Paul? Nasan na nga pala yon? " naguguluhan kong sambit.
Napapaisip ako. Parang may tinatago na kung ano mang bagay samin si Samantha. Kutob ko lang.
Kung iniwan niya kasi si Jarred at pinagpalit niya ito kay Paul. Bakit ngayon ay babalikan niya ulit at pinipilit kunin kay Jennifer? Ano bang pakay ni Samantha? Tsk..
" One word lang hazel. Mysterious. Misteryoso ang babaeng yon. Na medyo nakakabwisit " at sinubo niya na ang tinusok niyang cheesecake kanina.
Mga ikang katahimikan dahil kami nga ay kumakain. Nabasag naman yon ng dumating si Timo. Sa wakas at makakagawa na ko ng assignment ko +_+
Kaso imbes assignment ang tanungin ko sa kanya, napaiba yun awra. Pagod na pagod kasi siyang pumunta samin. Para bang galing siya sa malayo at tumakbo ng mabilis papunta dito.
" Anong hinihingal hingal mo diyan? " pagtatanong ni Pearl.
" Sa /inhale exhale/ dun-- /inhale exhale /in-exhale/ p-pictures /in-exhale/ " hinihingal niyang sabi.
BINABASA MO ANG
MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETED
Fanfiction[ LANGUAGE: FILIPINO ] MY FAKE BOYFRIEND IS AN UNEXPECTED LOVE STORY OF TWO PEOPLE WHO DECIDED TO PLAY A FAKE RELATIONSHIP. THAT FAKE GIRLFRIEND AND BOYFRIEND THINGY TURN INTO A REALITY? STORY STARTED : 04|13|17 " WHEN FAKE RELATIONSHIP COMES INTO R...