Jennifer's POV
Friday
Ang bilis ng mga pangyayari. Ngayon ay nasa school na ulit ako.
Iniisip ko lang kung bakit parang, di na maganda ang nangyayari.
Yun una, muntik na kong mamatay.
Pangalawa naman, ganun din.
Sinasadya ba to? May nagmamasid ba sakin? Sumusunod? Stalker? Bakit parang, buhay ko ang target?Nabalik na lang ako sa senses ko ng may dumikit na isang can ng orange juice. Malamig to kaya nawala ako sa pagkakatulala.
Napatingin naman ako sa may hawak neto. Si Jarred.
Oo, napatawad niya na ko. Eh pano kasi! Sino bang hindi magiisip ng ganun? Yung, yakap ng lalaki ang isang babae sa iisang kama. Diba parang, kahina-hinala? Kaya yun tuloy agad ang naisip ko which is, di naman pala talaga ganun yun nangyari. Errr
" Anong iniisip mo jan? " tanong niya habang umuupo na rin sa tabi ko.
Nasa cafeteria nga pala kami ngayon. Maaga kaming napasok para makagawa pa ng assignments. 6:30 pa lang naman e. 8 pa yun pasok kaya dito muna kami sa cafeteria nagtambay at nagbreakfast na rin.
" Hmm. Wala " sabay kuha ko sa kanya nung orange juice. Binuksan ito at uminom.
" Okay "
Kinuha niya ang isang ballpen at nagsimula ng magsulat ng assignments. Habang nagsusulat siya, may bigla akong natanong.
" Jarred. Kelan ba birthday mo? "
Napatigil naman siya at napatingin sakin.
Matagal niya kong tinitigan at parang sinasabi ng mata niya na " Bakit mo tinatanong? "
Kahit hindi pa siya nagsasalita. Alam kong yun na itatanong niya kaya sasagutin ko na.
" Tinatanong ko lang. Para naman, makabili ako ng regalo. D-diba? "
Out of nowhere. Bigla na lang siyang tumawa.
" HAHAHAHAHAHAHA "
" Bakit? Anong nakakatawa? " tanong ko sabay kunot noo.
" Anong gagamitin mong pera? Yun akin? Hahahaha "
Aba siraulo to ah.
" H-hindi no! Tss. "
Oo nga. Saan nga pala ako kukuha ng pambili? Eh wala nh laman yun mga atm ko. Tapos yun wallet ko, 5,000 na lang ata ang laman. Pambudget ko na lang yon. Hayssss, hirap maging independent lalo na't walang naaasahan. eeer
" Alam mo, di ko kailangan ng regalo. Basta nanjan yun mga gusto kong makasama, ayos na ko. " at napabalik siya ng tingin sa notebook.
Sa tono ng pananalita niya. Alam kong, yung mga parents niya ang tinutukoy niya.
" Talaga? Ayaw mo ng bonggang parties. Or kaya, disco disco? O di kaya'y night swimming? Napakayaman mo. Marami kang dapat gawin para icelebrate ang birthday mo tapos, yan lang? Yan lang ang gusto mo? " pagiinarte ko lol

BINABASA MO ANG
MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETED
Fanfiction[ LANGUAGE: FILIPINO ] MY FAKE BOYFRIEND IS AN UNEXPECTED LOVE STORY OF TWO PEOPLE WHO DECIDED TO PLAY A FAKE RELATIONSHIP. THAT FAKE GIRLFRIEND AND BOYFRIEND THINGY TURN INTO A REALITY? STORY STARTED : 04|13|17 " WHEN FAKE RELATIONSHIP COMES INTO R...