Chapter 1

599 27 3
                                    

WARNING: Ito ang unang beses kong gumawa ng ganitong Genre. 'Wag masyadong mag-expect ;-) Lubos na pang-unawa ang kailangan. Feel free to critize. This is my own work and my imagination is my only limit. Di ko ito ginaya, I work hard for this. Haha.

TIPS: Mag-imagine habang nagbabasa.. Namnamin ang bawat salita.

.
.
.
.
.
.
.
.

AISURU22

+********BLACK ROSE*******+

CHAPTER 1: Miko's Death (A snake on 19th)

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim at mapula na ang kapaligiran. Nasa loob pa rin ng Westville Academy si Miko Suarez, 2nd year college. Lakad takbo sa mahabang hallway na 'yon.

Lalaking payat, medyo matangkad at kubado. May salamin sa mata, makaluma ang porma at may malaking backpack, binully na naman siya ng mga ka-klase at napagtripan siyang ikulong sa library. Sa sobrang pagkataranta ay hindi na nga niya alam kung paano ba siya nakalabas doon. Kaya naman ngayon ay wala ng katao-tao sa Academy.

He was all alone...

Lakad takbo siya at pilit inaalis sa isip ang mga kwentong naririnig niya tungkol sa black rose. Hindi siya maaaring mag-isip ng nakakatakot sa mga oras na 'to dahil mag-isa lang siya, habang ang naririnig niya lang ay ang sipol ng hangin na lalong nag-papataas ng balahibo niya. Pakiramdam niya ay doble ang laki ng ulo niya at parang nangingilo siya. Nakakaramdam na siya ng pagka-ihi pero pilit niyang nilalabanan ang takot.

Bakit ba parang ang haba naman yata ng hallway? Kanina pa siya naglalakad-takbo pero hindi pa rin siya nakakarating sa bicycle rack kung saan naka-park ang bisikleta niya.

Maya't maya siya napapalingon dahil pakiramdam niya ay merong sumusunod sa kanya ngunit wala naman siyang nakikita. Nagpatuloy siya sa paglakad takbo at parang nakakarinig talaga siya ng yabag ng paa na sumusunod sa kanya kaya muli siyang napalingon ngunit wala siyang nakita.

Napahinto siya nung umihip ng malakas ang hangin at dahil sa kapayatan niya ay naramdaman niyang parang liliparin na siya.

Malakas ang kabog ng dibdib niya habang unti-unti siyang yumuyuko nung maramdaman niyang may naapakan siyang malambot na bagay. Pinapanalangin niya na ang natapakan sana niya ay dumi ng hayop, mas okay na kung dumi na nga lang ng hayop kesa sa iniisip niya, pero imposibleng magkaroon non sa Westville Academy.

Unti-unti niyang inaangat ang paa niya para makita kung ano ang natapakan niya at nanigas nalang ang panga niya nung makita niyang BLACK ROSE ang nasa may sapatos niya!

Ni hindi na siya nakakilos dahil maging ang tuhod niya ay parang wala ng lakas. Nanginginig na siya sa takot.

Isang itim na rosas ang nakikita niya...

ISANG BLACK ROSE!

At kung totoo man ang mga kwento-kwento tungkol dito, mamamatay na kaya siya sa loob lang ng tatlong oras?

"NO! NO ---It--- IT CAN'T! IT'S A HOAX! A FIC---TION! HIN--- HINDI TOTOO!! So Miko, relax...." sabi niya habang pilit pinapakalma ang sarili at pinipilit niyang mawala ang takot na bumabalot sa buong katawan niya.

Nakayuko pa rin siya at nakatingin sa itim na rosas...

"ACCORDING TO PROFESSOR SANCHO, HIN----DI ITO TOTOO! Hindi toto-totoo ang tungkol sa black rose! It does'nt exist, it was just---- ah--- purely human concept! Gawain ng mga bully, ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay kundi mang-trip at mang prank ng mga--- katulad ko----" humahangos niyang sabi para mabawasan ang kabang nararamdaman! Pero kahit ano atang gawin niya, ay punong-puno na ng takot ang buong sistema niya.

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon