Chapter 12

212 11 1
                                    

#BlackRose12thChapter

****BLACK ROSE****

CHAPTER 12: Black Rose Romance

"Tumba na si Mang Oscar." napailing na sabi ni Sid. "Ni hindi niya pa nasasabi kung bakit siya pinapunta ni Vernon sa Academy. So bakit nga kaya?"

Nakatingin sila kay Mang Oscar na nakasubsob sa lamesa. Alas onse na ng gabi non at marami na ring empty bottles ng alak sa mesa.

"Ihahatid ko na si Mang Oscar." sabi nalang ni Bryle at tumango naman sina Calvin..

Tumayo na rin ang mga babae mula sa kabilang table at nag-ayos na sila ng mga gamit at naghanda na sa pag-uwi. Lumalalim na ang gabi at kailangang umuwi na sila sa mga bahay nila. Hindi man nila nalaman ng buong katotohanan ay nagkaroon naman sila ng panibagong lead. Ang kailangan nalang nilang malaman ay kung ano ang kinalaman ni Vernon Julian Westville sa lahat ng nangyayare sa Academy at kung ano ang koneksyon ng lahat sa black rose.

+**+

"Mommy? Parang gusto ko ng umuwi sa bahay. Tingin ko naman okay na 'ko." sabi ni Vlad sa mommy niya na nakaupo sa couch.

Maganda ang panahon nung umagang 'yon dahil nakikita ni Vlad na sumisilip ang sinag ng araw mula sa bintang 'yon ng kwarto na may peach curtain.

"Anak, hindi pa ina-advice ng doctor mo na lumabas ka so hindi ka pa nila i-di-discharge. Pagaling ka lang muna dito okay?" payo ng mommy niya.

"Nakakainip naman kase dito, tsaka-- sayang yung lesson na ma-mi-miss ko." sabi niya pa at agad kinapa ang phone niya na nasa ibabaw ng side table na kung saan nakalagay din ang basket ng mga prutas na binigay ni Sid.

"Yung lesson lang ba talaga ang na-mi-miss mo?" makahulugang ngiti ng mommy niya.

"Mommy?" kunot noong tanong ni Vlad. "Ano pa bang ma-mi-miss ko diba?"

"Wala lang, akala ko kase na-mi-miss mo na si Sidney." sabay ngiti pa.

"Mommy? Bakit naman si Sid pa ang naisip mo?" natatawa niyang tanong habang nakatingin na sa phone niya.

"Wag ka ng magdeny okay? Alam kong type mo si Sidney." nakangiting sabi ng cool niyang mommy. "Tsaka siya rin, parang type ka, bakit ka naman bibigyan ng prutas nung tao? Kelan pa kayo naging close? Tsaka anak, nai-kwento na sa'kin ni Windy na-- na umamin na raw si Sidney sa nararamdaman niya sa'yo."

Napanganga nalang si Vlad at napailing,
"Sabi ko na nga ba, madaldal yung si Windy!" natatawang sabi ni Vlad.

Muli siyang napatingin sa phone niya at nakita niyang may mga message siya from Windy at Lily, wala man lang galing kay Sid.

"Nagsisinungaling lang 'yon nung sinabi niyang--- mahal niya ko." mahinang sabi niya sa mommy niya. "Hindi naman niya pinaparamdam eh, so ibig sabihin hindi 'yon totoo."

"E yang mga prutas? Anong ibig sabihin niyan?" tanong ng mommy niya.

"Wala, pang palubag loob niya lang yan sa pang-iinsulto niya sa'kin nung nakaraan. Walang ibang ibig sabihin yan mommy. Dahil kung may nararamdaman talaga siya para sa'ken, edi sana--- sana nandito siya... Kaso wala diba? E kasi nga--hindi naman talaga niya ko gusto." disappointed na sabi ni Vlad na muling ibinalik ang phone sa side table.

Parang naririnig niya pa ang boses ni Sid sa utak niya nung sinabi nito kay Windy na...

I LOVE HER!

Kaso parang hindi naman ata totoo!

Maya-maya ay may narinig silang kumatok ng mahina sa pintuan.

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon