Chapter 10

211 13 0
                                    

#BlackRose10thChapter

****BLACK ROSE****

CHAPTER 10: 4th Clue (YOU SAW IT WHEN YOU ENTER)

"What the fvck!" inis na sabi ni Sid kay Calvin. Nasa loob silang tatlo ng dance studio at silang tatlo lang ang nandon bandang alas singko na ng hapon.

Nakaupo sa sahig sina Wallace at Calvin habang si Sid naman ay nakatayo at nakasandal sa malaking dingding na gawa sa salamin. Sinabi kase ni Calvin na gustong sumali ni Vernon sa WG at siyempre, tinanggap niya na ito agad.

"So what do you want me to do?" singhal ni Calvin. "Alangan namang hindi ko siya tanggapin diba? He is Vernon Julian Westville! Who can say NO to him?"

"Pero hindi pwede eh!" napahawak sa noo si Sid. "Paano kapag nalaman niya ang mga ginagawa natin? Pano kapag nalaman niya na nag-iimbestiga tayo sa black rose which is prohibited? What if makarating sa pamunuan ng Academy?"

"Mas paghihinalaan tayo kung hindi natin siya isasali sa club." sabi pa rin ni Calvin na naiiling nalang. "Maging extra careful nalang tayo when he's around."

Napailing nalang si Sid habang tahimik lang na nakaupo si Wallace at nagbubuo ng rubik's cube habang nakapikit.

Napatingin silang tatlo nung pumasok sa pintuan sina Bryle, Penelope, Windy at Vlad!

"May mga bago kaming informations na kailangan niyong malaman." seryosong sabi ni Windy at agad na rin silang naupo nina Vlad at Penelope at habang si Bryle ay nanatiling nakatayo.

"What is that?" tanong agad ni Calvin habang patuloy pa rin ang pagbubuo ni Wallace ng rubik's cube.

"May 4th clue na 'ko," sabi ni Penelope sabay buntong hininga. "Si Asia ang nagbigay ng clue na 'to---- YOU SAW IT WHEN YOU ENTER!. Kaso hindi ko alam kung anong ibig sabihin non."

"You saw it when you enter?" napapaisip na tanong ni Calvin. "Ano nga bang nakikita naten kapag pumapasok tayo?"

"Entrance sign?" tanong ni Bryle.

"Gate? Door? Ano ba?" tanong naman ni Windy na napapaisip din.

"Guard house?" tanong naman ni Calvin. "We saw it when we enter! The guard house or-- the guard!"

"Ah-- teka----" napapaisip na sabi ni Windy. "Naalala mo ba yung kinwento ko sa'yo Vlad? Yung-- nakita ko si Mang Oscar dito sa Academy kahit hindi pa naman siya duty.Yung habang kinukuha na si Asia ng med team ay nasa paligid lang si Mang Oscar."

"So teka? Iniisip niyo ba na posibleng suspect nga si Mang Oscar?" tanong naman ni Wallace na sumabad na sa usapan. "He is a hard working dad at alam kong mabait siya at wala naman siyang mapapala kung papatay siya ng mga estudyante."

"But looks can be deceiving!" biglang sabi ni Bryle. "Paano kung siya nga?"

"4th clue, you saw it when you enter. Pasok siya don. He is a guard and ofcourse, you always saw him when you enter!" sabi ni Sid. "3rd clue, a name with letter S, may S sa Oscar. 2nd clue, the eldest and youngest, di pa natin alam ang sagot dyan at yung 1st, a snake on 19th.... so pano?"

"Ang alam ko---" napaisip na sabi ni Bryle. "Ang alam ko may alagang ahas si Mang Oscar!"

"And oh! I remember!" biglang napaisip na sabi ni Calvin. "Nung one time na kinukulit namin siya tungkol sa kung sinong nakita niya sa Academy nung mamatay si Javie, napatingin ako sa ID niya which is---- number 0019! Maybe ayun yung 19th!"

"Si Mang Oscar nga kaya?" natatakot na tanong ni Penelope.

"Pero nasa listahan pa rin natin sina prof Soledad Tan at prof Rudolf Sancho." sabi ni Sid. "Pero-- pano natin sila ico-connect sa 4th clue?"

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon