Chapter 11

225 12 3
                                    

#BlackRose11thChapter

****BLACK ROSE****

CHAPTER 11: Mang Oscar's Revelation

Parang huminto sa pag-ikot ang oras sa loob ng kwartong 'yon ni Vlad.

Nakatingin sila ni Sid sa hawak na black rose ng babae. Puno ng pag-aalala at takot ang mukha ni Vlad at nangilid ang luha niya.

"Sid? Ba--kit--- Bakit a-a--ko may black rose?" nanginginig na tanong ni Vlad. "Ah--- ibig sabihin ba nito---- ay--- mamamatay na ko in 3 hours?"

"No! Hindi ka mamamatay!" matapang na sabi ni Sid kahit sa totoo ay nakakaramdam siya ng takot. Agad kinuha ng lalaki ang black rose na hawak ni Vlad. "I won't let you die!" diin pa ni Sid at agad inihagis sa trash can ang itim na rosas.

"Pero Sid! Lahat ng estudyanteng nabibigyan niyan ay namamatay!! AYOKO PANG MAMATAY SID!!" malakas na sabi ni Vlad kasabay ng pagpatak ng luha.

"Sabi ko, hindi ka mamamatay!" diin pa ni Sid.  "Babantayan kita!"

"Tingin mo ba may magagawa ka?" mahinang tanong ni Vlad. "Ako na ang sunod kay Asia---- i'll be dead in 3 hours so dapat na ba kong magpaalam sa inyong lahat? Kailangan ko na bang tawagan si mommy para masabi kong mahal ko siya?" at muling pumatak ang luha ni Vlad. "It's just so sad dahil mamamatay ako ng napakaaga. Ni hindi pa nga kami okay ni Calvin, tapos hindi ko pa natutupad yung mga pangarap ko, hindi pa ko nagiging fashion designer, tapos ang pinaka masaklap, ni hindi ko pa na-experience na magkaboyfriend. Saklap diba?" ngisi ng may luhang si Vlad.

"Wag kang magsalita ng ganyan okay? Hindi ka mamamatay. Matagal mamatay ang mga masasamang damo." seryosong sabi ni Sid na pinilipilit sigurong magpatawa pero hindi niya talaga talent 'yon!

"Masamang damo?" ngisi ni Vlad. "Masamang damo pala ang tingin mo sa'kin. Una, kaya mo ko nilalapitan ay dahil nalaman mong crush kita. Tapos ngayon naman ganyan--- kelan ka ba titigil? Kelan ka ba titigil sa pananakit mo sa'kin? Sabagay, mamamatay na 'ko, hindi mo na ko masasaktan ulit."

Napailing lang si Sid,
"Hindi ko gustong saktan ka."

"Ah talaga ba?" ngisi ni Vlad. "Kaya pala ininsulto mo ko no? Nag-aassume lang pala ko na you like me. Yun naman pala, kaya ka lang ganun sa'ken kase-- alam mong crush kita! You're very good in insulting me Sid. Ma-mi-miss mo 'yun! Ma-mi-miss mo 'yon kapag wala na ko." tumingin si Vlad sa wall clock ng kwartong 'yon at alas diyes na ng gabi.  "Hanggang 1 am nalang ako Sid-------Pwede bang--- magrequest?" malungkot na tanong ni Vlad and Sid just slowly nods his head. "Pwede bang----- pwede bang--- sabihan mo ako ng---- ng I LOVE YOU? Kahit fake lang Sid--- gusto ko lang marinig--- Gusto ko lang na bago ako mamatay ay may lalaking mag I LOVE YOU sa'ken, kahit hindi totoo----" at napabuntong hininga lang si Vlad at mabilis na lumuha.

"Don't be over dramatic okay? Hindi ka mamamatay!" singhal ni Sid na pilit lang nilalakasan ang loob sa harapan ni Vlad kahit ang totoo ay parang sinasakal ang puso niya ng napakahigpit. Hindi niya kayang mawala si Vlad ng ganun-ganun na lang.

"Just say it please------ kahit fake lang--" lumuluha pa ring sabi ni Vlad.

Huminga ng malalim si Sid at hinawakan niya ang kanang kamay ng nakahigang si Vlad.

"Vlad--- uulitin ko, you won't die!" diin ni Sid. "Pero sige, i'll grant your request!---- Vlad--- I love you!"

Napangiti si Vlad kasabay ng pagpatak ng luha,
"Thank you Sid! Thank you kase pinagbigyan mo yung request ko--- kahit kunwari lang..."

Napabuntong hininga si Sid,
"Labas lang muna 'ko saglit----" halos pabulong niyang sabi at dahan-dahan siyang naglakad palabas sa pintuan, mabigat ang bawat hakbang niyang 'yon. Hindi niya alam kung anong gagawin niya o kung may magagawa ba talaga siya. Basta ang alam niya, ayaw niyang mawala si Vlad.

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon