Chapter 13

251 12 1
                                    

#BlackRose13thChapter

****BLACK ROSE****

CHAPTER 13: The 5th Clue

"So ano nga? Ano yung 5th clue?" interesadong tanong ni Sid kay Wallace.

Sina Rafi at Windy ay nakaabang sa isasagot ni Wallace maging si Vlad na nakahiga pa rin sa kama niya.

"Ang 5th clue..." sabay buntong hininga ni Wallace at nakaabang lang din si Calvin.

"Come on Wallace! Just spill it!" pagmamadali ni Calvin na naeexcite na sa 5th clue.

"Prof ST is in love with him!" malakas na sabi ni Wallace. "Ayun yung 5th clue, PROF ST IS IN LOVE WITH HIM!"

Napakunot ang noo ni Sid,
"Tama tayo, si prof Sancho nga ang killer! ST stands for Soledad Tan."

"Yeah! Baka siya na nga!" sabi ni Calvin. "Ang kailangan nalang nating gawin ay ang kumuha ng ebidensya at kailangang mapatunayan nating siya nga!"

"Teka-- edi tanggal na si Vernon sa mga suspects ah.." biglang sabi ni Windy na bahagyang napangiti sa posibilidad na tanggal na sa pagiging suspect ang lalaki.

"The hell Windy!" pikong sabi ni Calvin. "Talagang nagawa mo pang isingit yang si Vernon!"

"May kinalaman din naman 'to sa topic Calvin.." pagdepensa ni Windy.

"Tsaka kailangang kausapin pa rin natin ulit si Mang Oscar kung anong ginagawa noon ni Prof Sancho sa campus nung matagpuang patay si Javie." sabi naman ni Rafi.

"Yung kay Vernon," sabi ni Sid. "Hindi rin natin pwedeng balewalain yon. Kailangang malaman din naten kung bakit niya pinapunta si Mang Oscar ng alanganing oras sa Academy. Maybe hindi nga siya ang killer pero kailangang malaman natin kung anong nalalaman niya o kung ano ba ang koneksyon niya  sa mga nangyayare."

"Mabuti pa magpahinga na muna tayo." sabi ni Rafi. "Kailangan natin ng matinding brain storming bukas."

"Tama si Rafi, so tara na, umuwi na tayo." pagsang-ayon na lang ni Wallace.

"Sige na, umuwi na kayo, maiiwan pa ko dito." seryosong sabi ni Sid at napanganga lang si Vlad.

"Bakit Sid? Bakit hindi ka pa uuwi?" napapangiting tanong ni Vlad.

"Sasamahan kita dito." sabi ni Sid na tumingin lang kay Vlad.

"Pero may pasok pa bukas kaya kailangan mo ng umuwi." sabi pa ni Vlad.

"As i said, dito muna ko, I insist!" seryosong sabi ni Sid.

"Okay, ikaw ang bahala." napakibit balikat na sabi ni Vlad.

"Pero kuya? Pano naman ako?" nagtatakang tanong ni Rafi. "Hindi mo man lang ba 'ko ihahatid?"

"Rafi, nakapunta ka nga ng mag-isa dito ah, so bat di mo na kayang umuwi?" angal ni Sid.

"Ah-- ano kase eh---" nauutal na sabi ni Rafi. "Sinabay lang ako ni Wallace kanina---"

"Edi kay Calvin ka naman sumabay ngayon.." sabi ni Sid. "Calvin paki hatid nalang si Rafi sa bahay." sabay tingin sa kaibigan.

"Ako na lang..." biglang sabi ni Wallace at napatingin sa kanya sina Rafi at Sid. "Ako nalang ang maghahatid kay Rafi."

"Wag na ikaw, si Calvin nalang." seryosong sabi ni Sid. "Sige na Rafi, kay Calvin ka magpahatid."

"Ah--- okay lang ba Calvs?" tanong ni Rafi kay Calvin.

"Oo naman! Ewan ko lang kay Wallace kung okay." nagpipigil ng tawang sabi ni Calvin.

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon