Chapter 6

182 8 0
                                    

#BlackRose6thChapter

****BLACK ROSE****

CHAPTER 6: The 3rd Clue

Nasa labas na sila ng Westville Academy matapos nilang masaksihan ang nangyare kina professor Soledad at professor Sancho!

"Di talaga 'ko makapaniwalang may relasyon sila." napapailing na sabi ni Javie. "Ang ganda kaya ni ma'am Soledad! Hindi sila bagay!" sabay nguso pa nito habang nakatayo lang silang lahat sa tapat ng malaking gate ng Academy.

"Ang judgemental mo naman!" singhal ni Bryle. "Love is blind okay?"

"Tapos nasali pa si Mr. Westville sa usapan." sabi naman ni Niccolo na muling umakbay kay Penelope pero mabilis na inalis ulit ng babae ang kamay nito sabay irap pa. "Ano bang problema mo Penelope?! Kanina ka pa ah!" medyo pikong tanong ni Niccolo.

"Relax Nics!" awat ni Bryle. "Baka may period lang yan."

Napailing nalang ang nakasimangot na si Niccolo at nakataas lang ang kilay ni Penelope.

"Teka, pano na ba tayo?" nag-aalalang tanong ni Windy. "San na tayo pupunta? San tayo matutulog?"

"May vacant room sa bahay namin." offer ni Wallace kay Windy. "You can occupy it if you want."

Napakunot naman ang noo ni Rafi sa sinabi ni Wallace.
"Baka nalilimutan mo lang na nasa year 1997 tayo, baby ka palang niyan at hindi pa kayo dito nakatira sa Manila, nasa Cebu pa kayo non. So saang bahay ka pupunta?!"

"Relax Rafi! Galit ka na ba niyan?!" kunot noong tanong ni Sid.

"Nagpapaliwanag lang!" diin ni Rafi sabay tingin kay Wallace na nakatayo sa likuran ni Windy.

Napatingin naman si Sid kay Bryle at nakita niyang nakatitig ito kay Vlad! Binasa niya ang nasa utak ng lalaki.

--ANG GANDA TALAGA NITO NI VLAD! ANG TALINO PA TAPOS ANG TAPANG! GRABE! SOBRANG GUSTO KO NA ATA SIYA-- nakangiting sabi ni Bryle sa utak niya at napangisi lang si Sid!

"Pagbalik natin sa present time, kailangan mong maglinis ng dance club Bryle." biglang sabi ni Sid kaya nagulat ang lalaki at napatingin agad kay Sid.

"Huh?! Bakit naman Sid?" nagtatakang tanong ni Bryle.

"Yung nasa utak mong babae, she's mine!" seryosong sabi ni Sid at napatingin sa kanya ang lahat.

Naguguluhan lang na napailing si Bryle,
"Sa'yo siya?! Pano nangyare 'yon?!"

"Uy teka naman! Baka gusto niyong i-share sa'min kung sino 'yung babaeng pinag-aagawan niyo?" interesadong tanong ni Javie pero dinedma lang siya nina Bryle at Sid.

"She's mine, that's final!" sabay ngisi pa rin ni Sid kay Bryle.

"Ay ewan ko sa'yo!" napailing nalang na sabi ni Bryle.

Ayun yung masaklap eh, minsan ka lang magka-crush tapos biglang may Sid na eeksena! Leader pa ng Westville Groovers!

"Since nasa Australia ngayon sina mom and dad, dun nalang tayo matulog sa bahay. I have my keys!" biglang sabi nalang ni Calvin sa kanilang lahat.

"Okay, kina Calvin nalang tayo." pag-sang ayon ni Rafi. "Sana lang may mga chocolates sa fridge niyo huh!" sabay siko niya kay Calvin.

"Don't worry, pwede naman kitang ibili ng chocolates sa convenience store kung gusto mo." sabi naman ni Calvin kay Rafi at natuwa naman bigla ang babae.

"Sabi mo yan ah!! Gusto ko maraming kisses!" request pa ni Rafi at si Wallace naman ay napabuntong hininga lang at napailing.

"Are you sure na gusto mo ng kisses? Kisses lang ba talaga? How about hugs?" natatawang tanong ni Calvin sabay kindat at mabilis siyang binatukan ni Sid. "Ouch brother-in-law!"

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon