Chapter 14

273 15 0
                                    

#BlackRose14thChapter

****BLACK ROSE****

CHAPTER 14: Who's the killer?

Ala una na ng madaling araw at nasa gilid ng bakuran na ni Tanya Tan ang WG na sina Sid, Wallace, Calvin, Niccolo at Bryle. Napag-desisyunan nilang mga lalaki na sila nalang ang pumunta sa malaking bahay na 'yon.

"Bakit ganon?" nagtatakang tanong ni Niccolo. "Wala man lang nakalagay na.. Police line do not enter? Tapos na ba sila agad mag-imbestiga?"

"Baka ayaw na nilang imbestigahan." sagot ni Wallace.

"Case closed na daw kase sabi ng NBI."sabi ni Bryle. "Based on my research, nagsuicide daw si Tanya Tan, binaril niya yung sarili niya at wala naman daw kaseng kahit na anong bakas na may nangyareng commotion kaya walang suspect."

"Maniniwala ba tayo don?" nakangising sabi ni Sid. "Mabuti pa pumasok na tayo sa loob para makita na natin yung crime scene."

"Tara!" aya ni Niccolo na naglakad na palapit sa hindi gaanong mataas na bakod at bumwelo para makaakyat don.

Sumunod na rin sa kanya sina Wallace, Calvin, Bryle at Sid at sabay-sabay silang tumalon para makapasok sa malawak na bakuran ng bahay ni Tanya Tan.

"First time kong gagawin 'to..Yung papasok ng palihim sa isang bahay.." medyo kabadong sabi ni Calvin.

"Pare-pareho lang naman tayo." sabi ni Wallace.

Agad pumwesto si Niccolo sa may pintuan at agad pinihit ang door knob na naka-lock.
Agad niyang kinuha ang wallet sa bulsa at kinuha doon ang isang ATM card.

Nakatingin lang ang apat sa gagawin ni Niccolo.

Isiniksik ni Niccolo ang card sa gilid ng pintuang malapit sa door knob habang pinipihit 'yon pakanan. Ilang saglit lang ay nabuksan ang pinto!

"Huh?? Paano??" gulat na tanong ni Bryle. "Pano mo yon nagawa bro?"

"Sanay ako dyan, lagi akong nasasaraduhan ng pintuan dahil late na 'ko umuwi." nakangising sabi ni Niccolo at agad na silang pumasok sa loob at muli nilang isinara ang pinto.

"Hanep bro! Pwede ka ng mag-akyat bahay." napapangising sabi ni Calvin.

Madilim sa loob ng bahay na yon at natuon agad ang atensyon nila sa hagdan, sa hagdan kung saan natagpuang patay si Tanya Tan!

Nagkalat parin sa sahig ang mga itim na petals at maaamoy mo pa ang langsa ng dugo..

Habang humahakbang si Sid ay naaapakan niya ang mga itim na petals at ang ilang patak ng dugo..

Nakasarado ang lahat ng bintana ngunit may kakaibang hangin ang bumabalot sa loob..

Parang may malakas na pwersa naman ang humihila kay Calvin palapit sa malaking painting na 'yon. Portrait ni Prof Soledad na may mga black roses sa background..

Nakatitig siya sa matapang na mukha ng professor at parang buhay na buhay ito!

Ramdam nilang lahat ang pagtaas ng mga balahibo nila nung umihip ang malamig na hangin kahit walang bukas na bintana ang panggagalingan non.

"Nakaupo sa hagdan si Tanya Tan..." mahinang sabi ni Wallace at itinuon nilang lahat ang paningin sa hagdan!

Kitang kita nila ang babaeng may kapayatan na nakaupo sa hagdan. Naka puting bistidang pantulog ito na gawa sa satin habang nakalugay ang mahabang buhok. Kitang kita din ang kaputian ng balat nito.

Hindi na makagalaw sa pagkakatayo ang lima habang nakatitig sila sa babaeng nasa hagdan.

Pumikit si Wallace at nagconcentrate. Kailangang magkaroon sila ng koneksyon, kailangang marinig niya ang babae, kailangan niya itong makausap!

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon