Chapter 8

188 11 2
                                    

#BlackRose8thChapter

****BLACK ROSE****

CHAPTER 8: ASIA (Snake)

Naiwang nakaupo sa last row ng chapel sina Sid at Bryle habang ang iba ay nasa harap ng kabaong ni Javie at ang iba naman ay kausap ng pamilya nito.

"So Bryle, pwede bang sabihin mo sa'kin kung pa'no mo nasabing ahas si Asia?" seryosong tanong ni Sid na ang mga mata ay nakafocus sa malaking picture ni Javie. Naalala niya ang photo na 'yon, siya ang kumuha non.

"Wala ako sa posisyon para i-elavorate ang rason Sid pero ang masasabi ko, ahas talaga siya, she's a trator." seryosong sagot ni Bryle na ang mga mata naman ay nakafocus kay Vlad! Nakatitig ito sa babae at parang pinag-aaralan ang bawat galaw nito.

"Pwede ba Bryle!" pikong saway ni Sid. "Wag muna siya ang isipin mo, we're talking about Asia!" banta ni Sid. "And as I said, she's mine!"

"Gago, walang sa'yo!" sabi naman ni Bryle.

"She's mine at wala kang magagawa don!" diin ni Sid. "She likes me!" ngisi pa nito at natigilan lang si Bryle. "She damn likes me, she wanted me to kiss her! So ano? Malinaw na ba yun sa'yo o gusto mong ipaliwanag ko pa?"

"Okay stop!" sabay taas ng kamay ni Bryle. "Edi sa'yo na siya!"

"So back to Asia, pano ba kase siya naging ahas?" nagtatakang tanong ni Sid.

"Wow!" ngisi ni Bryle. "Matapos mong angkinin yung crush ko magtatanong ka ng ganyan??? Aba magaling!"

"Come on Bryle! It's a serious matter! Paano nga??" medyo pikong tanong ni Sid.

"Basta ahas siya, ayun lang ang masasabi ko." sabi lang ni Bryle. "Masyadong confidential 'yon."

"Bryle!" inis na sabi ni Sid. "You have to tell me!"

"Pero hindi nga pwede!" diin din ni Bryle. "Basta ahas siya, tapos!"

"You know wha-------" napahinto si Sid sa pagsasalita nung nakita niyang palapit na sa kanila ang mga kagrupo.

"Kailangan ko ng umuwi, medyo late na tsaka feeling ko uulan na naman." sabi ni Vlad at napatingin lang si Sid sa babae.

"Ako din, uuwi na rin ako." sabi din ni Windy.

"So tara na, umuwi na tayong lahat. Bago pa tayo abutan ng ulan." sabi naman ni Wallace sabay tingin kay Rafi. "Ah nga pala, makiki sleep over sana ulit ako sa inyo."

"Wala ka bang bahay Wallace?" singhal ni Sid.

"Ako din, makiki sleep over din ako sa inyo Sid." sabi naman ni Calvin.

"Fine!" inis na sabi ni Sid. "So tara na, umuwi na tayo."

Nagpaalam muna sila sa pamilya ni Javie bago sila tuluyang umalis at bago nila iwan ang chapel ay muli silang nalungkot dahil sa katotohanang, hindi na nila makakasama si Javie kahit kailan.

+**+

Nasa kwarto na si Vlad at nakadapa siya sa malambot niyang kama habang nagla-laptop. Kahapon pa merong gumugulo sa utak niya. Alas diyes na non ng gabi at umaambon kaya malamig ang simoy ng hangin. Malayang nakakapasok ang hangin sa maliit na bintana ng kwarto niyang 'yon at parang sumasayaw ang kulay puting kurtina.

"Would it be possible na may kinalaman si Asia sa mga nangyayareng patayan. Pero 18 palang siya, is she capable of killing people?" napahawak siya sa noo niya habang ini-stalk niya ang facebook profile ni Asia.

Mahilig magtravel si Asia at makikita mo 'yun sa mga post niya. Kung saan-saang lugar na ito nakarating, karamihan pa sa mga photo niya ay kasama niya si Penelope. They are bestfriends!

Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon