Chapter 2

9.6K 199 3
                                    


THIRD

"You're Teacher Gie right?" Bungad kong tanong sa naabutan kong nakaupo sa gilid ng kama ni Bree. I guess she's Bree's only friend starting when they are in high school. Pareho na din silang teacher ngayon. Siya naman ang kasalukuyang teacher nina Iris at Sam.

Agad naman itong tumayo at tila nagtatakang andito ako sa ospital at sa room pa ni Ali.

"ah yes Mr. Chance. Si Clark?" bigla nitong tanong na nakapagpabuntong hininga sa akin.

"Inihabilin niya sa akin si Bree. He won't be here for who knows when para sa isang importanteng bagay." sagot ko na lamang. Batid kong naguguluhan pa din siya pero di ko naman pwedeng sabihin na agent si Clark.

Ako nga, I just accidentally learned it, he also told me that Bree didn't know about him being an agent until that night she was kidnapped just to lure him out.

"Anong importanteng bagay yan? Mas mahalaga kay Bree?" nagpipigil ng inis na aniya. Gustuhin man niyang sumigaw ay di naman pwede.

"It's not that. Don't worry. Di ko siya pababayaan. I'll always visit her and I already hired a personal nurse for him. Araw araw ito nakabantay sa kanya." bigla na lamang parang naging alien ang tingin niya sa akin.

"Bakit ikaw? Bakit mo ginagawa ito? As far as I can remember wala kang connection kay Bree?" Kunot noo nitong pang-uusisa.

Ouch that hurts Ma'am. Gusto ko sanang sabihin but I don't wanna be dramatic.

"Kay Bree wala siguro but with Clark, I'm his bestfriend and I just can't say no to a dear friend's request of looking after his girl." di ko rin masabi na ako na dapat ang fiancee niya ngayon ayon na rin kay Clark dahil baka palayasin pa ako at mapagkamalang may saltik.

Humugot naman siya ng malalim na hininga saka bumalik sa tabi ni Bree. Still sleeping like a princess. Nakalabas na sina Ate Ali kahapon but she's still here.

"Kailan daw ba siya gigising?" tanong niya na di ko rin tiyak ang sagot.

"I honestly don't know. Lagi lang sinasabi ng doctor na she will wake up as soon as she fully recovers. Nakasalalay kay Bree mismo kung kailan siya gigising.." nakukulitan na nga siguro yung doctor sa akin dahil sa katatanong ng parehong tanong. But would he blame me? All I want is her to wake up very soon.

Although, I can't hep but feel scared of her reaction when she realizes that Clark isn't around. Napatingin tuloy ako sa singsing na suot niya.

"Ang tagal na niyang tulog. Namimiss na siya ng mga bata at co-teachers namin. Wala nang kasing kulit ng mga bata sa faculty." mahihimigan mo ang sobrang pagkamiss sa kaibigan sa boses nito.

"Gigising din siya anytime soon. She still have to teach my future children.." bigla ko na lamang nasabi kaya napatingin sa akin si Teacher Gie. She wiped her tears and she suddenly smiled at me.

"Double meaning yun ah..." natatawang aniya kaya napaiwas na lamang ako ng tingin.
"Kaibigan mo ba talaga si Clark? Honestly, naweweirduhan ako sa fiancee ng kaibigan kong ito. Ni hindi ko alam ang trabaho niya at ito namang si Bree ayaw magsabi." may pagdududang aniya.

hindi rin kasi niya alam na agent ang mapapangasawa sana niya. Gusto ko sana ulit sabihin but I restrained my mouth.

"Para siyang bad boy na nabiktima lang ang isang makulit at masayahing si Bree." napapailing na komento niya. Napangiti na lamang ako.

Clark has always been misunderstood as a bad guy when in fact he has a big heart for anyone he loves. Tingnan mo nga't pati fiancee binigay sa akin bilang bayad sa utang na loob daw niya.
Tss such a jerk. Kakaiba mag-isip.

"Have you heard of the saying, Good Girls are made for Bad Boys?" biro ko sa kanya. Kunot noo naman siyang napailing.

"Imbento mo lang yan eh. Ang alam ko...A teacher is the best lover. She knows what true love is and she can teach you how it feels." nangingiti naman nitong bwelta.

"Ikaw kaya ang nag-iimbento dyan. I never heard of that." napailing naman siya sa sinabi ko.

"Palibhasa business man ka Mr. Chance. Puro kayo, Love is a deal between a buyer and seller. The contact is over when both parties has nothing to offer. Ganun kayo eh.." bwelta pa nito kaya di ko napigilang matawa.

"Ibahin mo ako Teacher Gie.,Walang eeksenang buyer o seller na sinasabi mo. Pag ako nagmahal isa lang.The contract is lifetime and it can't be terminated." di ko napigilang mapatingin kay Bree.

Please wake up Bree.

Narinig ko na lamang ang hagikgik ni Teacher Gie kaya napatingin ako sa kanya. Nahuli pala niya akong nakatitig kay Bree.

"Kung totoo man na inihabilin ni Clark si Bree sa'yo, nanganganib ang puso mo Mr. Chance." Di mo na kailangan sabihin dahil noon pa lang nasa bingit na talaga ng panganib ang puso ko dahil sa babaeng yan. "Makulit at masayahin itong kaibigan ko. " aniya sabay tingin sa kaibigan.

"Sabi nga nila ang mga makukulit at masasayahing tao ang pinakamadaling mahalin sa mundo. Maaaring madalas kang mainis sa presensya nila pero pag sila nawala, mamimiss mo agad sila." napatingin muli ito sa akin.

"Sana ikaw na lang fiancee niya." biglang anito na nakapagpalakas sa kabog ng puso ko.

Sana nga. Sana. Kaso walang kasiguraduhan kung sa pagising niya maging kasing masayahin at makulit pa rin siya gaya ng sinasasabi mo.

"Cl...arkk.." bigla na lamang kaming napatigin sa gawi ni Bree.

Oh sh*t! She's awake !

Rooted from Debt (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon