Chapter 9

7.6K 175 3
                                    

CLARK

It took us two months to finally get Mr. Z out of his shell. Kasalukuyan siyang nakadetainee sa China and anytime soon ay papataw siya ng parusang kamatayan.

Ayoko sa parusa niya, masyadong madali. Masyado siyang sinuwerte. Ang dapat sa kanya ay ang unti unting patayin hanggang sa siya na mismo ang magmakaawang patayin siya.

Hindi ko matiyak kong kailan ko siya matututunang mapatawad sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa pamilya ko. Sa pagiging miserable ko ngayon.


"Nay ., Tay.,..Angela...." yan lang ang kaya kong isigaw habang tinotopok nang demonyong apoy ang aming bahay. Ayaw ako papasukin ng mga pulis at bombero pero tang*na ang babagal nila kumilos.

Iyak ako ng iyak habang nag-aantay na maapula ang apoy. Ang bata kong puso umaasa na buhay pa sila. Buhay pa ang nanay, tatay at kapatid ko.

PERO

Pagkapasok ko pa lamang sa natirang abo ng tirahan namin ay tumambad na sa akin ang sunog na sunog na katawan ng pamilya ko.

Hindi na sila maihahalintulad sa tao dahil daig pa nila ang uling sa pagkatupok at lahat sila ay nakasiksik sa CR ng bahay namin.

Sigaw ako ng sigaw at iyak ng iyak pero hindi nito naibalik ang buhay ng pamilya ko. Napunta ako sa shelter at wala ring kasing sama ang naging karanasan ko rito. Halos di nga nila ako pakain ng ayos.

Lagi rin ako napaparusahan dahil lihim akong pumupuslit papunta sa pulis station para magkaroon man lang ng impormasyon tungkol sa kaso ng pamilya ko.

Doon ko napag-alamang isang notorious na drug lord daw ang may pakana ng lahat pero di naman nila matukoy kung sino ito.

Isang PAO lawyer ang tatay ko at nagkataon na ang dating nakalaban niya sa isang kaso ay kasamahan ng sinasabing drug lord kaya paghihigante ang naging motibo sa pagsunog.

Di ko matanggap na ganun kabagal ang hustisya para sa aming mahihirap. Namalagi ako sa shelter ng halos anim na buwan hanggang sa isang araw makilala ko ang isang batang lalaki na naghahanap ng mapagkakaabalahan sa buhay.

Halatang mayaman ito at sagana sa buhay kaya tindig at porma pa lang alam mo na. Akala ko di niya ako papansinin pero nagkamali ako.

"Third nga pala..ikaw"aniya saka inilahad ang malinis na kamay para makipagkamay sa akin. Di ko ito tinanggap dahil madumi ang kamay ko dahil sa pagtatanim na inutos sa akin ng head ng shelter.

"Clark.." nagulat na lang ako ng kinamayan pa din niya ako.

"Nice meeting you,.tulungan na kita. Wala akong magawa eh.." aniya saka ako tinulungan sa pagtatanim. Akala ko nga di niya alam kaso parang eksperto din yata siya sa pagtatanim.

"Tinutulungan ko din kasi yung hardenero namin sa bahay para di ako pagalitan ni Mom dahil wala akong ginagawa.." aniya habang inaayos ang punla na itinatanim.

Nagulat na lamang kami ng biglang may pumalo sa likod ko dahilan upang ako'y mapaigik. Si Ms. Lubruzca pala, ang head ng shelter.

"Sinong nagsabi sa'yo na pagtanimin mo ang anak ni Ms. Victoria huh? Ang kapal din naman ng mukha mong hampas lupa ka..." aniya saka ihahampas na naman sana ang stick na hawak niya sa akin ng iharang ni Third ang sarili at siya ang napalo.

"Oh sh*t! Masakit yun ah.." gusto kong matawa sa reaksyon niya pero nanaig sa akin ang takot. Dahil sa ginawa niya baka lalo akong mapahamak pero mali ako.

Nakita ng nanay ni Third ang buong pangyayari kaya sa araw ding yun ay natanggal si Ms. Lubruzca at naging maayos ang shelter.

Hanggang sa lumipas ang isang buwan at akala ko'y nakalimutan na talaga ako ni Third. Nagulat na lamang ako ng may mag-ampon sa aking mabait na mag-asawang sina Mr. And Mrs. Shintosa.

Unang gabi ko sa mansion nila ng sabihin nila sa akin na si Third daw mismo ang kumausap sa kanila para ampunin ako dahil masipag, mabait at gwapo raw akong bata. Di ko napigilang mapangiti noon dahil sa kanya at sa tuwa na nakikita ko sa mag-asawa.

Doon kami nagsimulang maging magkaibigan ni Third. Tuwing sabado at linggo ay sa mansion siya pumupunta para makapaglaro kami ng kung anu ano hanggang sa high school.

Nakakalungkot nga lang dahil noong magkacollege na siya ay sa America siya ipinadala pero nanatili kaming may koneksyon sa isa't isa.

Madaya nga lang siya dahil di ko man lang nalaman na noong high school pa pala niya pinapantasya si Bree na noo'y di ko pa kilala dahil sa pagkakaiba namin ng eskwelahan.

Nagdecide ang adoptive parents ko na magmigrate sa England at doon ko nakilala si Angelus, ang boss ko ngayon. Nagtraining ako bilang agent at doon ko napag-alaman ang pasikot sikot ng mga bagay bagay.

Dahil na din sa pagpasok ko sa organization ni Angelus ay napag-alaman ko kung sino ang utak sa pagpapasunog sa pamilya ko na ngayon nga'y inaantay na lang ang pagkamatay.

Sa pagbabalik ko sa Pinas para sa misyon kay Mr. Z at dahil na din sa sunod na pagkamatay ng adoptive parents ko, dun ko nakilala si Bree.

I suddenly felt a connection between us at doon ako humugot ng lakas para makilala siya. Kahit pa mahigpit na ipinagbawal ni Angelus ang pakikipagrelasyon para sa aming agents. Nagpumilit pa din ako dahil balak kong umalis sa grupo pag natugis ko na si Mr. Z.

Kami na ni Bree ng mapagtanto ko na may gusto rin pala si Third sa kanya.

Akala ko gagawa siya ng paraan para maagaw niya sa akin si Bree pero nanatili siyang mabuting kaibigan sa akin. Kaya ganun na lamang ang paghanga at pasasalamat ko sa kanya.

Kung walang Third Chance na umeksena sa buhay ko, hindi ko alam kong saan ako pupulutin ngayon.

Kaya nga ng maipit ako sa sitwasyong di ko inaasahan ay sa kanya ko ipinasa ang responsibilidad kay Bree.

Ngayon nga habang pinagmamasdan ko silang magkawak ang kamay ay di ko maiwasang mapangiti at malungkot na din.

Mapangiti dahil nagbunga ang plano ko na sa huli'y sila pa rin at malungkot para sa sarili ko dahil kahit baliktarin ko man ang mundo di siya pwedeng mapasa akin.

Mahal ko pa rin siya pero di na talaga pwede.

Hindi na.

Hinding hindi na.

Rooted from Debt (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon