THIRD
"Kuya.,pasapak nga..." Kuya First and Second stared at me like i'm an alien. Kalalanding lang galing outer space.
"Problema mo?" Maangas na tanong sa akin ni Kuya Second. Ngayon lang yata nito naisip makiupo kay Kuya First sa sala. Lagi kasing kulong sa kwarto nitong mga nakaraang linggo. Baka nakabuo na sila, balita na lang ang aantayin ko.
"Wala.." pag-iwas ko bigla ng tingin. Gusto ko na kasing kutusan ang sarili ko dahil sa ginawa ko kay Bree kanina.
How dare me to kiss her! Tapos saan galing yung mga pinagsasabi ko kanina?
I can't really let my heart win over me. I'm suddenly becoming irrational.
The heck!
What heart am I talking about?
No. I'm not in love.
In LIKE only.
"Utuhin mo na ang mundo wag lang ang sarili mo Third." Ani Kuya First na animo'y nabasa ang pagtatalo ng utak ko.
"ANO? Malapit na bang maging married lahat ng anak nina Victoria at Last?" Dagdag komento pa niya. Nagulat naman ako ng biglang napaaray si Kuya First.
"Hindi porque may anak ka na't asawa pwede mo na kaming mafirst name basis First..." singhal ni Mom sa kanya. Napahawak naman siya sa tenga niya na namumula.
Buti nga sa'yo. Walang respeto.
"Sorry naman. Yang bunso niyo kasi mukhang in love.." bigla namang nagliwanag ang mukha ni Mom. Basta pag-ibig parang lotto winner si Mom.
Haist!
"Really? Oh my gehhh...shall I already prepare for the wedding?" Napahalagpak naman sa tawa si Kuya Second habang nakangisi lang si Kuya First.
Putragis ka talaga First! Pahamak!
"Maniwala ka naman dyan sa panganay mo Mom. Sa dami ng kalokohan niyan maniniwala ka pa ba?" Pilit ang pagpapakaswal na depensa ko. Nawalan naman ng kulay ang mukha ni Mom.
"Akala ko naman totoo na. You are already 28. Mag-asawa ka na din..." napailing na lamang ako sa pinagsasabi ni Mom. Akala mo naman madaling pasukin ang kwebang nirerekomenda.
"Just kidding. Take your time Third. Just make sure to bring home a suitable wife.." aniya saka muling piningot ang tenga ni Kuya First at umalis. May lakad na naman yata.
"Bagay pala sa'yo ang mamula mulang tainga.." pang-aasar ni Kuya Second kay Kuya First. Baliw din eh.
Sasapakin sana ni Kuya First si Kuya Second ng marinig namin bigla ang tawa nina Ate Dessa at ate Ali na hawak ang baby nila. Ang liit liit.
"Ang cute cute..." ani Ate Dessa habang titig na titig sa hawak ni Ate Ali.
As expected, tumayo ang dalawang ugok at linapitan ang kanya-kanyang asawa.
"Hey baby..."
"Wifey..."
Sabay pang sabi ng dalawa saka pinagyayakap ang mga asawa. TSK! Para namang ngayon lang nila nakasama ang mga asawa. OA!
"Tara gawa din tayo. Yung mas cute pa kay baby Uno.." sinapak naman ni Ate Dessa ang asawa.
"Tahimik!. Magigising si baby.."Dessa.
"Hala.,why is he always asleep?" Para namang inosenteng bata na tanong ni Kuya First habang pinagmamasdan yung baby na hawak ng asawa.
"Tsss..syempre baby pa yan. Mag-antay ka ng mga dalawa o tatlong buwan..." sagot naman sa kanya ni Ate Ali. Tsk!
Bakit kaya pinagtitiisan ng mga babaeng ito ang mga Kuya ko. Dami namang iba dyan. Ako kaya ang pinakamatino sa aming tatlo.
Kaya pala bunso ka din sa pag-aasawa.
Biglang sabi ng utak ko. Aish!
Maglalakad na sana ako palabas para di mapanuod ang kakornihan nila ng tinawag ako ni Ate Ali.
"Oh Third. Ngayon lang kita natsambahan ah..Kumain ka na ba?" Napabusangot naman si Kuya First sa tanong ni Ate Ali sa akin.
"Ipaghahanda niyo po ba ako pag sinabi kong hindi pa?" Nakangiti kong balik tanong. Ngumiti naman siya saka tumango. Napangisi ako sa aking isipan.
"Dessa pakihawak muna si baby..." kinarga naman ni Ate Dessa ang baby. Lalapitan sana ako ni Ate Ali para igiya ako sa kusina ng hilahin siya ni Kuya First.
"Si Third ba ang asawa mo?" Seryosong ani Kuya First kaya di ko napigilang mapahalakhak dahilan upang mapaiyak bigla si Baby Uno.
SELOSO!
Agad namang inalo ni Ate Dessa at Kuya Second ang baby.
"First ano bang problema mo? Kita mo yung kapatid mo na mukhang stress tapos makaselos ka naman dyan..." naiinis na ani ate Ale. Napakamot naman sa batok si Kuya First.
"Di ako nagseselos..." nakaiwas ang tinging ani Kuya. Laftrip!
"Sige na Ate. Kain na lang ako sa labas. May kailangan pa kasi akong asikasuhin..." pagdadahilan ko. Ayaw man ni Ate ay wala na siyang nagawa ng magpaalam ako.
Mahirap ng mabigwasan. Possessive pa naman ang mga Kuya ko.
I wonder if I'll feel the same way when I already have a wife in the future.
As I think of having a wife.,
My mind can't help but wander back to Bree.
Tsk! Posible naman kaya yun?
Haist!
BINABASA MO ANG
Rooted from Debt (COMPLETED)
Ficción GeneralThird's Story Meet Bree Samaniego, ang pambayad utang ni Clark Shintosa sa utang na loob niya kay Third C. Chance.