Third ♥ Bree
"Good Morning Love..." pambungad na bati ko kay Bree pagkamulat na pagkamulat pa lang niya ng kanyang mata. I've been watching her peaceful sleep since 3 am. Mag-aalas syete na ngayon.
Di lang talaga ako makapaniwala na akin na siya ngayon.,buong buo. Di ko na patatakasin pa ito.
Pero may bahagi sa akin na nagtatalo kung sabihin ko nga ba kay Bree ang nalaman ko mula kay Clark o isasantabi ko na lang.
Whichever it is, bahal na mamaya.
Pupungas pungas siyang nag-inat saka iniwas ang tingin sa akin.
"Pangit ako sa umaga. Huwag ka nga masyado manitig baka mamaya marealize mo na di mo na ako mahal kasi pangit ako..." nakangusong aniya habang nakaharap na sa kabilang dako. Nakatalikod na siya sa akin kaya naman pinuwersa ko siyang iharap sa akin habang nakatakip pa din ang mga palad sa mukha niya.
"*chuckle* Nahihiya ang love ko...Ilang beses ka na ba nagising na katabi ako bakit ngayon lang nahiya ang love ko?" Pang-aasar ko sa kanya at kita ko kung gaano namula ang pisngi niya na di naman fully natakpan ng kamay niya.
"Che! Saan mo na naman nakuha yang love love na yan?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Sa puso ko love. Galing sa puso ko..." lalo naman siyang namula.
Tumatawa kong tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa mukha niya saka siya kinubabawan at hinawakan ng maigi ang mga kamay.
"Ayyy! Third naman eh.." tili niya.
"Di ako makahinga, ang bigat mo!" Aniya habang pilit akong pinapaalis sa pagkakakubabaw ko sa kanya."Di mo ako mapapaalis love., di mo naman sinabi na mabigat ako kagabi habang ginaga..."
"waaaahhhhh Third tama na...ayoko na marinig ...huhuhuhu..." parang maiiyak pero hiyang hiya niyang sigaw kaya lalo lamang akong natawa.
Ang cute cute ng love ko.
Pulang pula na ang mukha niya pati tenga at leeg niya. I can't help but give her a quick kiss on her lips. She was pouting when I pulled away.
"Bakit love? Kulang mo pa?" Pang-aasar ko sabay lapit sa mukha ko sa kanya pero iniwas naman niya sa kanan ang kanyang mukha.
"Tigilan mo ako Third ah..mabigat ka na talaga. Promise! Iba naman kasi yung kagabi..." namumulang aniya kaya lalo akong natawa.
BINABASA MO ANG
Rooted from Debt (COMPLETED)
General FictionThird's Story Meet Bree Samaniego, ang pambayad utang ni Clark Shintosa sa utang na loob niya kay Third C. Chance.